chapter four
court, 7pm:
[nagtatago sa gilid sila Dianne at Iriz]
Ana: hey, kanina ka pa?
Mark: di, kakadating dating ko lang din
Ana: bat parang namumula ka?
Mark: ah wala to.
Ana; hmmm okay.
[sabay sila nagsalita]
“may sasabihin ako”
Mark: ay oh una ka na
Ana: di sige kaw na muna baka mas importante
Mark: di ikaw na.
[napansin ni Ana iba si Mark ngayon, usually chill chill lang si Mark lagi prang ang cool cool pero ngayon mukhang may problema]
Ana; okay.hmmm Mark sorry. Gusto ko na agad magsorry kasi may nagawa ako. Pero sure ka okay ka lang?
Mark: oo okay lang ako tuloy mo.
[ kala ni Mark aamin na siya sa pangloloko]
Ana: yung sa starbucks nung isang gabi??hmmm. ang totoo
Mark: boyfriend mo?
Ana: hindi hindi Mark, patapusin mo muna ako. Ang totoo sinadya ko yun, sinadya kong di masyado magtxt,di magpasundo, di maging sweet at sinadya kong Makita nyo kami ni Jerome nung isang gabi na magkaholding hands.
[si Mark nakakunot noo na, parang gulong gulo siya sa mga nanyayari]
Ana: ginamit ko lang siya para pagselosin ka sana, kala ko kasi pagnakita mo yun magseselos ka e.kala ko mapapansin mo na ko. Kala ko papahalagahan mo na ko.
[nagumpisa na umiyak si Ana]
Ana: kala ko kasi magseselos ka.. ang tanga tanga ko bakit di ko naisip na “hello bat naman magseselos si Mr. Mark? Ang dami dami naman iba jan nagkakandarapa sa kanya e”
[humahagulgol na si Ana]
“aw bakit ganto nararamdaman ko?” mark
[naglabas ng panyo si Mark at inabot kay Ana]
Ana: kala ko kasi eto na yung paraan para mahalin mo ko!
[hinawakan ni Mark ang likod ni Ana]
Kahit papano gentle man naman kasi si Mark, ayaw niya ng babaeng umiiyak sa harap niya. Madami na umiyak sa kanya pero hindi sa harap niya kaya ngayon niya lang naramdaman to
Mark: Ana, tama na.
Ana: mark, MAHAL NA MAHAL kasi kita e, kala ko maririnig ko na yung ILOVEYOU mo pagtapos nun. Mali ako, wlang epekto sayo
[napasigaw na si Mark]
Mark: ANO BA?SABING TAMA NA EH!
[naamoy ni Ana ang alak galing kay Mark]
Mark: sorry, nabigla lang ako. Ang kulit mo kasi e. ayoko makakita ng umiiyak, kung gusto mo umiyak wag sa harap ko.haays. okay. Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa yun. Sorry. Haays.
“ano ba Mark yang kabaduyang pinagsasabi mo?” mark
Ana: sana maayos natin to
Mark: Ana, hindi e hindi to maayos hangga’t ganto ako. Tingin ko kailangan ko muna matuto, magisa, magisip isip. Sa totoo lang natauhan ako sa ginawa mo, effective. Thank you, narealize ko lahat ng kalokohan ko lalo na naalala ko may kapatid akong babae. Ayoko gawin sa kanya yung mga pinaggagawa ko sa mga babae. Kaya gusto ko na magbago. Ana kailangan ko to, kailangan ko magisa muna. Kung tayo naman tayo talaga e diba. Makipagdate ka sa iba okay lang ikaw bahala. Basta kailangan ko muna lumayo. Sana maintindihan mo ko Ana.
[nagulat si Ana pati mga kaibigan niya kasi ngayon lang nila nakita si Mark na ganto ka seryoso]
Ana: naiintindihan ko.
Mark: sorry Ana. bye.
[tumakbo na si Mark paalis]
[nilapitan na nila Iriz at Dianne si Ana]
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
see? natatauhan din ang mga tao. nagmamature. :D