Kabanata 39

124 7 8
                                        

"Uh.. baka hindi pa po nag-aalmusal si kuya Leo. Pakainin po muna natin.." basag ni Carlo sa katahimikan. Kinuha niya ang dalang bag ni Leonel.

Mabilis din pumunta si Ate Cora sa kanila para tumabi kay Leonel. "Pasok ka muna sa bahay, Leo."

Tumango si Ate Cora kila lolo at sa mga tiyahin namin bago unti unting iginagaya si Leo na maglakad.

"I'll formally meet you later po. Thank you for bringing me here," pormal na pasasalamat ni Leonel sa mga kamag-anak ko.

Tahimik naman na tumalikod si Mama sa kanilang lahat at pumasok sa bahay. Nakasunod si Carlo, Ate Cora, at Leonel. Pero parang estatwa pa rin akong nakatayo sa harap ng pintuan namin.

"Pasok na.." tulak ni Ate sa akin.

Nagkatinginan kami ni Leonel. My heart pounded hard. Agad akong nag-iwas at wala pa rin sa sariling pumasok sa bahay.

Dumiretso si Mama sa kusina. Si Carlo naman tinabihan si Leonel sa sala habang si Ate Cora ay may dala ng mga plato para ihain sa hapag. Samantalang ako ay hindi pa rin alam ang uunahin.

Napagdesisyunan kong sumunod na rin sa kusina para tulungan si Mama sa niluluto. Paglapit ko ay pagpatay na rin ni mama ng kalan. Kanina pa yata nakasalang at luto na.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Mama nang halos magkabanggaan kami.

"T-Tutulong po."

"Luto na 'yang sinigang. Asikasuhin mo ang bisita mo."

Narinig kong tumawa si Ate. "Oo nga, tabihan mo ro'n."

"Kinakausap naman ni Carlo."

"Si Carlo ba ang kasintahan niya?" biglang sabi ni Mama.

Lalong natawa si Ate. Sinimangutan ko siya ngunit nagkibit balikat lang siya at pumunta na ng lamesa.

"Ma, hindi po kami." Mahina kong sagot.

Hindi na umimik pa si Mama at naglagay na ng ulam sa malaking mangkok.

"Carlo, paupuin mo na si Leo sa hapag." Rinig kong tawag ni Ate.

Mama side-eyed me as she walked towards the dining, too. Naabutan kong paupo na rin Leonel ngunit nakitang bitbit ni mama ang malaking mangkok. Umikot pa siya ng lamesa para salubungin si Mama at kunin ang umuusok na sinigang. Hinayaan siya ni Mama.

"Yey, kain na!" Naunang sumandok si Carlo ng kanin.

Nakaupo na ang lahat sa hapag kainan. Si Carlo ang naglagay ng kanin sa plato ni Leonel. I saw how his eyes widened. He murmured thank you to my brother. Sinulyapan naman ako ni Ate at tinaasan ng kilay.

I tried my best to act normal. Kumuha ako ng kanin at ulam. Hinintay muna ni Leonel na makakuha ng  ulam ang lahat bago kumuha ng kaniya.

"Sa kabila ka binaba ng bus?" Mama asked.

Tumango si Leonel. "Opo."

"Alam mong dadating siya, Ma?" Naunahan akong itanong ni Ate.

"Nagpaalam siya sa akin kagabi," Mama said casually.

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Tinapunan ako ng tingin ni Mama. Kita sa mukha ko ang pagtatanong.

"I got your mom's contact number from Tita Alma."

Si Mrs. Brios? That means she now knows that's something is going on with me and Leonel. Hindi naman sa gusto kong itago pero.. iniisip ko ang trabaho ko sa kanila. I hope it won't be a problem.

"Buti alam mo papunta rito kuya Leo." Carlo sounded a bit surprised.

Nasa dulo kami ng Oriental Mindoro. He's not familiar with the province. It's indeed surprising that he knows where to stop by just looking at bus' window.

Heartful WhisperStories to obsess over. Discover now