Unum

29 2 0
                                    

Pinagmamasdan ni Daed ang kanyang asawa na si Jace habang hinahakot ang kanilang mga gamit patungo sa loob ng isang truck.

Bakas sa mukha niya ang tuwa. Dahil sa wakas ay makakalipat narin sila sa nabiling bahay at lupa ng kaniyang mahal na asawa.

Sa gitna ng kanyang pagmamasid ay may naramdaman siyang humablot sa kaniyang buhok. Dahilan upang siya ay bumagsak sa simento.

"Itatakas mo pa sa akin ang anak ko, isa ka talagang bruha" diin na sinasabi ng kaniyang biyenan habang patuloy parin na winawagwag ang kaniyang buhok.

Nakapalibot na sa kanila ang mga tao. Walang naglakas ng loob na awatin ang kaniyang biyenan sa ginagawa.

"Ma, tigilan mo na siya!" Natulak no Jace ang kaniyang ina at inalayan ang asawang gulong-gulo ang buhok.

Tinignan niya ang kaniyang ina, halata parin sa kaniyang mukha ang poot ar galit para kay Daed.

Hindi alam ni Daed ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kaniya ng kanyang biyenan.

Ilan beses na niyang sinubukan kunin ang loob nito ngunit sadyang matigas ito at hindi niya kahit kailan mapapa-amo.

Sa tuwing tinatanong niya ang kaniyang asawa ay iisa lamang ang sinasabi nito sa kaniyang dahilan.

"Ganyan talaga pag tumatanda, nagiging makulit at maiksi ang pasensiya"

Bago pa man sila abutan ng gabi ay nakarating na sila sa kanilang bagong tahanan.

Malaki ang kanilang bahay, mayroon itong dalawang palapag at tatlong silid. Ngunit nabili lamang nila sa muranf halaga.

"Bakit magkakalayo ang mga bahay dito? Magkakagalit ba sila?" Pabirong tanong ni Daed sa asawa.

"Nasa pang mayaman tayong subdivision, kaya ganyan nalang siguro
ka-selan ang mga may ari ng bahay"

Pumasok na sila sa loob upang kumain ng hapunan at nilabas ang mga gamit sa kahon upang kanila nang aayusin kinabukasan.

Hindi makatulog si Daed, marahil ay namamahay ang kaniyang katawan. Nakatulala lamang siya sa kisame at nagpapa-antok.

Narinig niyang may sinasabi ang kaniyang asawa, pinakinggan niya ito ng mabuti.

"Rosie..Mahal na mahal kita"

Naiyak siya sa kaniyang mga narinig, hindi siya maaring magkamali sa kaniyang mga nalaman.

May ibang babae ang kaniyang asawa, mayroon itong ibang iniibig. Hindi siya nagiisa.

Wala siyang magawa kundi yakapin ng mahigpit ang kaniyang unan at ibuhas ang sakit na nadarama.

Naramdaman niya ang pagsikat ng araw sa kaniyang mga mukha, at naamoy niya ang kaniyang paboritong Hamonado.

"Goodmorning Mrs,Conche" bati ng kaniyang asawa ng magtungo siya sa hapagkainan.

Ngunit naalala niya ang kaniyang mga narinig kahapon at bigla na lamang siya nawalan ng ganda.

"Busog pa ako, siguro pupunta nalang ako sa mall mamaya. Bibili narin ako ng mga kakailanganin sa bahay"

May pagtataka man sa mukha ng kaniyang asawa ngunit hinayaan na lamang niya ito.

Pinagmamasdaan niya ang mga nag gagandahang mga damit at mga bag sa isang kilalang boutique.

Sinimulan na niyang ikutin ang buong mall at doon narin siya kumain ng tanghalian.

Binili niya na isa-isa ang mgs materyales na kakailanganin sa kanilang bagong bahay.

Nilalakad ni Daed ang overpass upang makatawid sa sakayan ng jeep na maghahatid sa kaniyang destinasyon.

"Kahit kaunting barya lang, pangkain lang po" bati sa kaniya ng isang matand pulubi.

Sa palagay niya ay nasa higit singkwenta anyos na ito. Tinignan niya ang laman ng kaniyang wallet.

Nakita naman niya ang isang daan buo at inabot sa niya sa matanda. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ngunit muli siya nitong tinawag.

"Ano po ang kailangan ninyo? Nag abot na po ako sa inyo kanina ng pera"

Inilapit ng matanda ang kaniyang mukha patungo sa tenga niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin nito sa kaniya.

"Mayroong bata na nakasunod sayo, lagi mo siyang kasama kahit saan kang magpunta"

Natakot si Daed sa sinabi sa kaniya ng matanda, kaya iniwanan na niya ito at kahit tinawag siya nito ay hindi na niga muling nilingon pa.

AN//
Mabilis lang ang flow ng story, dahil short story lang naman ito. Susubukan ko pagkasyahin ang lahat ng naiisip ko sa loob lamang ng sampung chapter o higit pa.

Vote and Comment for fast updates.

Maledictionem of LuciferaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon