Duo

16 2 0
                                    

Daed's Pov

Hindi parin mawala sa aking isipan ang sinabi sa akin kahapon ng matanda sa overpass.

Mayroon daw batang sumusunod sa akin? Marahil ay kung ano-ano ang nakikita niya dahil narin sa kagutuman.

Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko ang asawa ko na mayroong kausap sa telepono at seryoso ang mukha nito.

"Bukas, pupunta dito ang pinsan kong si Jack. Dito muna siya sa atin maninirahan"

Tinanong ko ang dahilan, lagi daw itong pinagiinitan ng bagong asawa ng kaniyang ina.

Dahil isa daw siyang binabae, madalas siya nitong pinagbibitawan ng masasakit na salita.

Isang beses ko palang nakita ang kaniyang pinsan at magaan ang loob ko dito. Ang aming una't-huling pagkikita ay noong pumunta kami sa burol ng kaniyang ama sa Bicol.

Magalang at masipag na bata ang pinsan ng aking asawa, kaya wala akong masasabing masama tungkol dito.

Inayos na namin ang lahat ng gamit sa aming bahay, habang nagaayos kami ay may kung anong nagtulak sa akin upang sabihin ito sa kaniya.

"May kilala kabang Rosie?"

"Wala, bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman." Tipid kong sagot at nagpatuloy na kami sa aming ginagawa. Hindi parin ako naniniwala sa sagot niya sa akin.

Kailangan kong malaman kung mayroon talagang ibang minamahal ang asawa ko bukod sa akin.

Kung sino man iyon ay makikiusap ako na tigilan at layuan na si Jace, dahil mayroon na itong pamilya.

Matapos ang aming ginagawa ay agad akong tumuloy sa kusina upang magluto para sa aming hapunan.

Habang nagluluto ay may narinig akong mga sitsit , napangiti ako dahil alam kong naglalambing sa akin si Jace.

"Nakakatakot naman, sino kaya yung gumagawa ng ingay nayun" pagpaparinig ko sa aking asawa.

Ngunit patuloy parin siya sa pag sitsit, hininaan ko ang apoy at dahan-dahang naglalakad patungo sa salas.

Mas lalong lumalaki ang kaniyang ngiti sa mukha sa bawat hakbang na ginagawa niya.

Palapit na siya ng palapit sa sala, lalo tuloy siyang natutuwa dahil iniisip niya ang magiging reaksiyon ng kaniyang asawa sa oras na ginulat niya na ito.

Narating niya na ang kanila sala ngunit hindi niya makita ang kaniyang asawa, inikot niya ang paningin sa buong bahay ngunit hindi niya ito makita.

Marahil ay nagtatago ito sa kung saan, at pinapanood siya nito habang patuloy siya sa paghahanap.

"Nasaan kaya ang asawa ko?" Pagpaparinig niya sa asawa haban patuloy itong hinahanap.

Napasigaw na lamang siya ng malakas habang nakita ang batang lalaking nakatayo sa front door at nakatingin sa kaniya.

Patuloy parin siya sa pagsigaw ng malakas, narinig naman niya na mayroong bumababa mula sa ikalawang palapag.

"Ano ba, bakit kaba sumisigaw at parang takot na takot" sigaw sa kaniya ni Jace habang winawagwag ang magkabilang braso nito.

Itinuro nalang niya ang bata na kanina pa nakatayo mula sa front door, agad naman itong tinignan ng asawa.

Ngunit nagulat na lamang ito ng bigla itong humalaklak habang nakahawak ang isang kamay sa tiyan.

"Bakit ka tumatawa?"

"Paano ba naman kasi yung kinakatakutan mo ay isa lang manika, ayan yung gagamitin namin para sa project namin sa trabaho"  at tumawa ulit ng malakas.

Hindi nalang ito pinansin ni Daed at tumungo na sila sa hapag upang kainin ang kaniyang niluto.

Ngunit bigla niyang naalala ang sunod-sunod na mga puslit. Natatakot man ay naglakas loob na nagtanong sa asawa.

"Bakit kapala sumitsit kanina?"

Napataas ang kilay ng asawa at nakapinta sa mukha nito ang labis na pagtataka.

"Ako,Sinitsitan kita kanina? Alam mo naman na galing ako sa itaas habang nasa kusina ka"

"Totoo nga, mayroon akong narinig na mga sitsit" pagpapaliwanag nito.

"Marahil ay napagod ka lamang ng husto kaya kung ano-ano mga naririnig mo"

Nagpatuloy na lamang siya sa pagsubo ng pagkain, pero hindi siya maaring magkamali sa kaniyang mga nadinig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maledictionem of LuciferaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon