Sino ka?

55 1 2
                                        

Maraming katanungan sa aking isipan- paano ito nagsimula, bakit, saan at kailan? Mga katanungan na hindi ko alam paanu iexplain pero isang stalker lang ang makasasagot nyan. =>hoy stalker, paki-explain!

Pasensya na po kung walang gaanong salitaan ang mababasa nyo kundi puro litanya lamang ng isang nai-stalk..

This will be a one side stalker story based on true events.. The names and references are hidden and will be revealed in due time kaya wag kayong atat matapos ang story. Kailangan natin gawing exciting at kaabang-abang ang story na to para bumenta.. =>So stalker, kilos na.. aarte ka pa teh?

So, ano ang pagsisimula ng istorya na ito? Eto na po..

May ilang linggo na akong resigned at nananahimik sa bahay habang naghihintay na makapagsimula ulit ng bagong trabaho. Isang istorya ang pinublish ko sa wattpad at may ilang viewers na din ang nakabasa nito. Hindi ko gaano matapos lahat ng chapters dahil mahirap magtype sa iphone5, kayo ba naman magsulat ng ilang page sa maliit na keyboard, nakakapagod kaya. Funny how a certain circumstance give a spark on our minds to do something creative- like a poem, a song, a story or even a scandal.

Isang storya na more or less mga pangyayari sa buhay na may mga usapan at aral na di makalimutan. Isang istorya pagkatapos na maisulat at naipublish ay nagkaron ng silent readers. Oo, sila yung mga nag-aabang lang sa story para magbasa at hindi nagco-comment o nagpapakita ng reaksyon sa pag-like ng parteng naipublish. So paano malalaman kung nagustuhan nila o hindi ang naisulat? Hindi ko alam, pero sa bilang ng naging views, pwede natin sabihing nagkaron sila ng interes pansamantala pero hindi binasa yung buong kwento. Maaari ding nagkamali ng pili ng istorya at nabuksan ang unang kabanata.

Hindi naman ako aspiring writer, isa lang naman akong may hilig sa pagsusulat lalo na't may mga pangyayari sa buhay na maaring isulat-- maging masaya, malungkot, nakakakilig o nakakarindi man ito. For me, writing is not just talent, but passion to write what's on your mind.

So back to the published story, siguro mga ilang buwan ng tapos iyon nung may isang taong nag-iwan ng kanyang comment. Ang sabi nya nanira daw ako ng relasyon- nung lalaki at pamilya nya. Mahiya naman daw ako at matanda na ako at magkaron naman daw ako ng delicadeza...

Oops.. Teka, preno lang. una sa lahat, hindi kita kilala, bakit ganyan kaagad manghusga sa nabasa mo? First time mo ba nagbasa ng istorya na may babaeng iniwan dahil nakahanap ng iba yung lalake? Wala bang tv sa inyo o di ka pa ba nakarinig ng ganyang kwento sa tunay na buhay? wow ha.

Pero sige, since hindi ko sya kilala, i gave her the benefit of the doubt. Take note: HER. I dont think a man would dare talk like that unless paminta sya.. Di naman ako mapanghusgang tao. Freedom of expression lang yun.

So i chose to remain silent and took down the story. Bakit ko inalis? Hindi dahil guilty ako for whatever is written on that story, i did not plan to publish it for everyone to read but just to make the story officially written by me. Hindi ako takot sa kung anoman ang lumabas base dun sa naisulat ko, nasa tao na yun kung maniniwala sila sa naging takbo ng istorya o hinde. But those who knew me and how i wrote the story would know all the details.

Anong iba sa istorya ko at parang ang laking kontrabida ko? Lovestory mo ba Stalker ang nasira ko? Kung ganun, bakit di ka gumawa ng version ng istorya mo? Dahil ba feeling mo sya na yung happy ever after mo? Ang forever mo? Let's be realistic, kung ipinagpalit ka, di ba ibig sabihin nun, your so-called compatibility isn't working for your relationship?

And talk about delicadeza and my age? Wow talaga. May age limit ba ang pagpublish ng isang tragic lovestory? Hibang ka ba at tingin mo ba mga batang hamog lang pwede mainlove at gumawa ng mga istorya? Mag-isip ka nga, andaming mga matatandang writers na nagsusulat ng mga lovestory. At sa tingin mo ang mga may edad na ay wala ng karapatang gumawa ng sarili nilang lovestory sa totoong buhay? Tao din ako, may puso, ewan ko lang sayo stalker.

Kasalanan bang magmahal kung mahal ka din naman nung tao? mabuti na yung nasuklian mo ng tama yung pagmamahal na binigay sayo at hindi taken for granted lang yung tao. Ang pag-ibig, hindi sa lahat ng tao may dumarating, malay mo, yung taong pinalampas mo at iniwan mo yun pala yung almost forever mo pinakawalan mo pa. At bakit ako mahihiya kung nagmahal ako? Totoo naman yun at wala akong niloko. Kung nagbreak man sila ng girlfriend nya dahil sakin, hindi ko problema yon kase alam ko kung anong nangyare at dahilan kung bakit sila nagkaganon at hindi ako umekstra sa lovestory nila tulad ng inaakala mo. e ano rin naman ba sayo kung ako man ang naging dahilan? bat apektado ka?

Hmm. Kung iisipin kong mabuti, sino kaya yang maglalakas ng loob magbigay ng ganung comment sa istorya ko?

1. Malamang basher un. Isang napakalaking hater ko. Akalain mo nasama ako sa hate list nya? Pang ilan kaya ako sa listahan nya? Siguro una sa listahan nya ay yung sarili nya kase kung hindi sya insecure sa sarili nya di sya maghahanap ng Ipapamukhang mali ng kapwa nya.

2. Isang napakabatang isip na baboy? Oops. Naalala ko kasi ung username ni stalker. Bagay siguro sa ugali nya kaya un ang naisip nyang ipangalan? Sabihan pa akong ATE? Walang galang sa matanda. Ang ganda nga ng ugali mo noh?

3. Isang taong feeling malapit sa akin sa trabaho na traydor pala. Tatawagin akong BOSS pero ang agenda ay para siraan ako? Tsk tsk. Anong klaseng utak ang mayroon ka stalker at naisip mo yan? Kung isa ka sa tao ko at gusto mong ilabas ang sikretong kami lang ang nakakaalam, push mo yan. Matagal ko ng hinihintay ang banta mo.. Nakakainip na..

4. Isang taong ayaw umamin nanira ng buhay.. Palibhasa niloko ka siguro ng boyfriend mo at ako ang sinisisi mo? Tsk tsk. So kung nasira ko buhay mo kailangan sirain mo din ang buhay ko, ganon para quits? Try mo.. Kung alam mo na yung mga pinagdaanan ko tingin mo may kaya ka pang sirain sa buhay ko?

5. Isang taong walang magawa sa buhay kaya naninira at nakikialam sa buhay ng iba. Kung may trabaho ka, siguro dapat busy ka at hindi papasyal pasyal lang. Hindi nagaabang at naghahalungkat ng istorya ng ibang tao. Kunsabagay, sa trabaho mukhang malaking inggitera ka sa kasama mo kaya ka naging ganyan ka-bitter at pati ako dinadamay mo. Matino ang ugali ng mga nasa team ko kaya tiwala akong hindi ka kasama sa amin. Hmm. Malamang inggit ka talaga sa bonding ng team ko.

6. Isang taong may masamang ugali.. Obvious naman dba? Gumawa ka pang fake account para manira. Bilib din ako sa pag effort mo samen.. Oo, alam kong hindi ako ang una, sa ugali mong yan? You wouldn't dare do such crime kung hindi mo pa yan nagagawa before. Malamang wala lang talaga syang pagkaabalahan sa buhay..

Ohwell. Wala na akong maisip na ibang clue kaya ayan lang muna ang masasabi ko. Tingin mo Stalker, tamang hinala lang ba ako? Malamang di ka nakailag.

A/N: Its been weeks na yata or months at wala na akong narinig kay Stalker. Nasaan na kaya sya? Sana namayapa na sya.. Yung isip at kaluluwa nya, i mean.

Pasensya na, nagsimula ka ng laban, hindi kita aatrasan kaya wag kang magtago.. O baka naman natagalan ka lang sa paghahanda ng pasabog? Nakakainip ka na. Sana hindi mo muna inumpisahan kung di mo kayang ituloy. Nakakabitin noh. Intro pa lang tuloy ang naipost ko.. Pero wag kang mag-alala, may next chapter na akong ippost para sayo. Alam kong hinihintay mo to..

Sabi nila, The truth will set you free.. Pero sa'yo, tingin ko ipapakulong kita kase threat ang ginawa mo saken. But hey, hindi pa-threat ang ginagawa ko sayo kaya wag kang matakot. Push mo yan.. Im just stating the facts.

Alam mo na..

Gaganti lang din ako..



Sa tamang panahon.

My Wattpad StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon