chapter one

37 0 0
                                    

 "Manahimik ka pwede?" inis na sabi ko sa makulit kong kapatid na babae. 

 "kuya naman, ano bang masama kung isasama mo ako ngayon sa school nyo?" tanong naman nya.  Inirapan ko naman sya, kasi wala naman akong isasagot sa tanong. "Kuya kasi!!! sige na!!" pagpupumilit nya sa akin, na parang isang bata na hinihingi ang candy ko, ayaw ko lang ibigay.

    "Ayoko. Alagain ka lang." muling pagmamatigas ko. anong akala nya? porket sya ang nag iisa kong kapatid ay susundin ko na lahat ng gusto nya?

    Narinig ko nalang na humihikbi na sya. tapos tinulak nya ako, pero hindi naman ako natumba dahil mas malaki ako sa kanya. Tapos tumakbo sya papunta sa kusina at isinumbong ako kay mama. But I don't care. Eh toto namang alagain lang sya. Baka sumakit pa ang ulo ko sa batang yun.

      Kaya imbes na hintayin sya,dahil sabay kaming pumasok, ay iniwan ko na sya at nauna na ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

     Nang makarating ako sa university namin ay agad kong nakita si Micheal, ang bestfriend ko. At sa nakikita ko ay parang hindi sya natutuwa. Galit? o Inis?

       "hoy, ang aga-aga, yang mukha mo di na mapinta." sabi ko kaagad sa kanya.

       "Ganun talaga kapag ang aga-aga may nambwisit na sa'yo" sagot nya at kitang kita ko pa rin ang matinding inis sa mukha nya.

     " Sino ba? tarang upakan na oh!" nagtatapang tapangan lang ako ha! Ni hindi nga ako makapatay ng palaka. Pero hindi ako bakla! Hindi ako defensive, nililinaw ko lang.

           I heard him chukle. "Bro, wag na. hindi mo kaya."

         "alam ko naman. nagsuggest lang ako."

        Nangiti sya dahil dun. I'm so proud of myself! nakapagpangiti ako ng taong naiinis!

        Niyaya nalang nya ako na pumasok na para mawala na ang pagka badtrip nya. eh syempre, ako si kaibigang mabait, kaya sumama ako kahit ayokong makakita ni isang prof namin ngayon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

         Tahimik lang akong nakaupo habang isinusulat ang ilang mahahalangang salita na ipinapaliwanag ng prof namin nang biglan may bumato ng isang papel sa akin. Hindi ko yun pinansin dahil baka makita ako ni sir, isping hindi ako nakikinig, at palayasin ako. Ayokong mapahiya sa harap ng mga estudyanteng ito! Pero, naulit ang pambabato, at hindi lang isa, kundi dalawa, hanggang sa naging lima na kaya nainis na ako at nagdesisyon ng tingnan kung sino ang hinayupak na nang aasar sa akin.

                At nakita ko nga sya! Si Marie Antonette  Versosa, o mas kilala bilang "Prince" dahil sa kanyang anking kagwapuhan kahit alam ng lahat na isa syang babae. Wag kayong magtaka kung bakit kilala ko sya, sya kaya ang nagpukaw ng mga mata ng mga kababaihan. Sa madaling salita, mang-aagaw sya!

     "Meron kabang papel dyan?" pabulong na tanong nya sa akin. Malamang iniiwasan din nyang mahuli ni sir at mapalabas ng di oras.

   "Hindi mo man lang ba narealize na papel ang pinababato mo sa akin? tapos ngayon naghahanap ka?" sagot ko naman at muling nagsulat.

      "I mean, may yellow pad ka ba dyan? naubusan na kasi ako. And I really need it." bulong ulit nya.

     "Para saan?"

     "Sabihin mo nalang kung ayaw mo o wala. Hindi yung nagtatanong ka pa."

    I chukled, "Ganyan na pala humingi ngayon, nagagalit pa." 

      "Eh kung sinabi mo nalang kasi na wala eh di natapos na tayo." halatang nainis na sya.

   At sasagot pa sana ako nang....

      "Anong pinag-uusapan nyo dyan Ms. Versosa and Mr. Cruz? Would you mind sharing it to the class?" noong marinig ko iyon ay agad akong nakaramdam ng matinding kaba. Lalo na noong nagtingininan lahat sa amin. 

     "W-wala po sir." tarantang sagot ko. Ayokong napupunta sa akin lahat ng atensyon, lalo na kung yung teacher pa yun. And worst, kapag galit pa sya!

     "Ginagawa mo akong sinungaling ngayon Mr. Cruz? Kitang-kita ng mga mata ko na naghuhuntahan kayo dyan habang ako ay nagdi-discuss dito." nakita ko na ang galit kay sir. 

       "But he's telling the truth." sabad ni Prince kaya mas lalo akong kinabahan! Bakit sya sumagot ng ganoon? Kinuha na nya ang tangi naming pag-asa na manatili sa room!

      Nag-init ang ulo ng prof namin dahil sa sagot nyang iyon. "Let's settle this down. ayoko namang maubos ang oras nang hindi natatapos ang topic for this day....."

     Ok may pag-asa pang kaunti na hindi kami makalabas.

     "...why don't you just leave my class at ipagpatuloy ang daldalan nyo sa labas?"

    I'm doomed! Ito na ang katapusan ng maganda kong grades!

    "pero sir-" hirit ni prince.

   "NOW!"

   At imbes na magmatigas pa ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ako. Ganun din naman ang ginawa ni Prince.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 "This is all your fault!" she said when we're finally outside. At nainis ako doon. How dare her?

  "Aba't ako pa ngayon ang sinisi? Sino ba sa atin ang nagsimula?" ayokong mapagtaasan sya ng boses. Because she's still a girl, kahit na sya ang ultimate crush ng mga kababaihan.

   "Eh kung sinabi mo na lang kasi kaagad na wala kang yellow pad, eh di hindi na sana to nangyari." sagot nya na parang sya ang inosente dito.

   "Aba't may sagot pa.." "..parang ikaw ang kinawawa ah!" naiinis na talaga ako eh!

   Pero umirap lang sya sa akin kaya mas nainis ako. Lalo na nung nagsimula na syang umalis na parang walang nangyari. 

    "Bakit kasi hindi ka nalang magsorry?" 

    "For what? Wala akong ginawa ha. Nanghingi lang ako ng papel." sagot nya sa akin.

   Bwisit na bwisit na talaga ako at gusto ko ng manapak ngayon. "Kung hindi ka lang babae, baka napulan na kita." tumingin lang sya sa akin. Then I chukled. "Hindi ka nga pala babae, Prince."  i said, emphazising her nickname given by her fangirls. 

      Isang sampal ang natanggap ng aking pisngi. And it hurts! 

     "Para san yun?!" masakit talaga ang sampal nya. But she did not reply. Tumingin lang sya sa akin. And i can't help to stare at her too, because I saw the sadness on her eyes.

     Then she left.

     Bakit ganoon ang naging reaksyon nya? What  have I done wrong to her?

    "ow." nasabi ko dahil muling kumirot ang sampal nya sa akin.

she's so handsome! (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon