chapter two

17 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit nya ako sinampal kanina.

Wala naman akong ginawag masama ah!

Sinagot ko lang sya kagaya ng ginawa nya sa akin. Anong mali dun?

Ang lakas ng loob nya na magreact ng ganun eh sya naman ang may dahilan ng lahat!

 

At kung ang reaksyon nya ay dahil sa pagtawag ko sa kanya na lalaki, eh bakit? Lahat naman yun ang tingin sa kanya, lahat yun ang gustong maging sya. Gusto nila na isa syang lalaki at hindi babae.

"Nababaliw lang talaga siguro yun" 

Nababaliw nga ba talaga o talagang hindi nya lang nagustuhan ang mga sinabi ko sa kanya?

 

Then it hit me.

What if I was wrong? What if all this time, si Prince Versosa na kinababaliwan ng mga kababaihan ay hindi talaga nais na maging isang prinsipe?

Anong gagawin ko? 

Mali ang ginawa ko.

Or kung hindi man, ay kailangan ko paring malaman kung bakit nya ako sinampal.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Prince's pov)

Badtrip talaga yung Richard na yun! Nagsisisi talaga ako dahil sa pagpasok ko ngayong araw na ito!

"Bwisit" halos mapunit ko na ang notebook ko sa diin ng pagsulat ko dito.

But I don't care, eh kung sa ito na nga lang ang naiisip kong paraan para mailabas ang galit na kinikimkim ko.

Dapat talaga sinapak ko sya. Kulang ang sampal na yun para sa ginawa nya!

Lalaki? ?Hindi nya ba alam kung gaaano ako naiinis sa tuwing sinasabi nilang ang gwapo kong babae?

At gusto ko rin iyakan ang mga bagay na yun. Ang kaso nga lang, kapag may nakakita sa akin ay itatanong nila kung bakit ako umiiyak? Syempre isasagot ko 'wala ito, wag ka ng mag-alala' kagaya ng ginagawa ng iab. Tatanungin parin nila ako at hindi maniniwala sa sinabi ko. Alam ko naman kasa na sa oras na sabihin ko iyon ay matatawa lang sila at sasabihing ang liit ng problema. 

Wala naman kasing may pakialam sa nararamdaman ko. Ang gusto lang nila ay maging lalaki ako, kahit ayaw ko.

Oo, nasa akin ang kasikatan, pero hindi naman yun ang gusto ko. Hindi ko gustong maging isang prinsipeng nagtatanggol ng prinsesa. Gusto kong maging prinsesa na ipagtatanggol ng isang prinsipe.

 

I sighed.

Hanggang pangarap lang yun.

"Prince."

Muling kumulo ang aking dugo nang marinig ko ang boses na yun!

"Bakit nanaman?" agad kong sagot at hinarap ko na si Richard.

"Gusto ko sanang magsorry sa sinabi ko kanina." 

Nagulat ako sa sinabi nyang iyon.

"Hindi ko yun sinasadya. Ang akala ko kasi ay tatawa ka lang sa sinabi ko. Kasi nga hindi ba? Lahat ng tao, lalaki na ang tingin sa iyo." he said.

Parang gusto ko tuloy syang sapakin na dahil sa huling sinabi nya. Nagpapatunay na kasi iyon na wala nang kahit sino pala ang naniniwala na babae ako.

Nakita kong may kinuha sya sa bag nya.

 

Isang pad na yellow pad?

"Binili ko ito para hindi na mangyari pa ang mga nangyari kanina."

Hindi ko muna yun kinuha. "You think so?" sagot ko sa kanya.

"What do you mean by that?" tanong nya sa akin.

"Eh paano kung isang araw mainis ka ulit sa akin at masabi mo ulit yun?" seryoso ang tono ng boses ko ngayon. Importante kasi saakin ang topic na nabuo nya.

"Wag mo nalang akong inisin para hindi ko magawa yun." He said with a smirk.

I also smirked. May tama naman sya eh.

"Sige ba." I answered and snatched the paper on his hand. "Sorry din at nasampal kita."

"Masakit nga yun eh." he laughed. "But it's ok. Kasalanan ko din naman. Masyado akong sumobra, hindi ko man lang naisip ang mararamdaman mo." .."Talagang pinagsisisihan ko ang pagtawag ko sa iyo a lalaki."

Tipid akong ngumiti. 

And I nodded.

"Ay! oo nga pala! May klase pa ako ngayon!" nagulat pa sya ng makita ang oras.

"Sige, alis na." pabiro kong sabi. Nagsalubong ang mga kilay nya, ngunit agad naman syang ngumiti at nagpaalam sa akin.

 

At nung malayo na sya at halos hindi ko na makita ay kusang ngumita ang mga labi ko.

Ewan ko ba kung bakit yun nangyari. Pero wala akong balak pigilan yun.

Ang sya kaya!

May isang tao na makakaintindi sa akin!

YES!

(end of Prince's pov)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Isang malaking tinik sa dibdib ang nabunot sa akin. 

Grabe, buti nalang talaga at napatawad nya ako, kahit hindi naman talaga nya sinabi ang salitang "i forgive you". At least ok na ang lahat. Hindi nasayang ang pag skip ko ng dalawang subject sa paghahanap ko sa kanya.

I sighed in relief.

"Buti naman." 

Tapos naalala kong may klase pa pala ako. Kaya tumakbo na ako!

Baka malate ako eh!

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

she's so handsome! (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon