Bakit di ka crush ng crush mo??

7 0 0
                                    

Her POV

Ang bilis talaga ng araw, at ngayon ay 1st day ng 2nd sem.
Sa loob ng dalawang linggo ng bakasyon ay hindi man lang siya nagparamdam sa akin, maski txt o tawag wala talaga.

Kamusta na kaya siya, nagbago na ba siya? Gwapo pa rin ba? Makulit at fc pa rin ba siya?

Tuwing naglalakad ako dito sa pathway na to ay napapangiti ako na parang timang, well dito kaya nakuha 1st kiss ko haha.
At ito pa ang malala, nung napadpad ako dun sa lugar kung saan una kaming nagkita ay napapatulala na lang ako at napapangiti sa di malamang dahilan..

Ang tanga ko lang, sana hindi ko sinayang yung pagkakataon. Ngayon sisingsisi ako, pero kapag nakita ko man siya ngayon ay yayakapin ko siya o di kaya hahalikan hahaha

Namiss ko kasi siya ng sobra at oo inaamin ko na mahal ko siya matagal na..

Sa lalim ng aking pagiisip ay hindi ko namalayan na naglalakad na naman pala ako dito sa pathway at nabunggo na naman, pambihira ang "saklolo"(clumsy) ko talaga, every 1st day of school na lang ako mababangga sa poste..

Ampp,

Yan ang nasabi ko pero nung makaamoy ako ng pamilyar na amoy o pabango ay nagtaka ako

Hindi naman ganito kabango ang mga poste nu??

Kaya out of curiosity ay napa angat ako at

(O_O)

Si Marco, na mukhang gulat na gulat din sa kin

Mayamaya bigla siyang ngumiti at ngingiti na sana ako pero,















Bhe!! Kanina ka pa ba diyan??

Ah??

Tiningnan ko yung nagsalita at nakita ko ang isang babae na maganda, mestisa at bagsak ang buhok..
Ang ganda niya naman, ngayon lam ko na kung bakit ngumiti si Marco, ngumiti siya





hindi dahil sa akin pero dahil sa babaeng yan.

Aray!! Ang sakit

Hindi naman masyado bhe :-)

Nilagpasan niya ako at nilapitan niya ang babae at yinakap ito sabay kiss sa pisngi

Hindi ko na kaya!!

Para maisalba tong nagbabadya kong luha ay nagkunwari akong ngumiti at nagpaalam sa kanya

Marco, nice meeting you AGAIN bye..

papansin ba? Well wala akong paki

Hindi niya ata narinig kasi busy na sila sa pangungumustahan ng girlfriend niya

Dahil sa sakit at hiya ay tumalikod na ako at dun na bumagsak ang mga luha ko na kanina pa gustong bumagsak

Di ba dapat masaya ako dahil wala ng mangungulit sa akin? Wala na yung tumatawag sa aking crush kahit nasa public place kami?

Pero hindi e, ang sakit sakit lang..nakahanap lang ng jowa na mas pangit(gumana na naman ka bitteran ko) sa kin ay kinalimutan na ako. Well di ko siya masisisi.

Sana maulit pa muli, nasa huli talaga ang pagsisi...

Nasan na yung pangako niya na ako lang ang magiging crush niya hanggang sa mamatay siya?
Hanggang salita lang pala siya at ako naman si tanga nagpakapante lang kaya ngayon ang napala ko ay nasasaktan.

Lumipas ang araw na kapag nagsasalubong kami ay hindi ko siya papansinin at ganun din siya, yung dedmahan lang ang peg.. back to strainger level..

Pero isang araw ay nakita ko siya magisang nakaupo sa aming tambayan dati, siguro hinihintay niya gf niya. Pero ang naka agaw ng atensyon ko ay yung lungkot niya sa mukha. Bakit siya malungkot? Bakit nagbreak na ba sila ng gf niya?

WHAT is CRUSH??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon