Knock! Knock!

1.5K 12 7
                                    

 Dedicated to Cookie!! :D thank you for the cover! Punta lang kayo sa thread niya kung gusto niyong mag pagawa.. magaling na, mabait pa! oh diba! :D Sana magustuhan mo toh Cookie!! ^___^

_______________________

 "Knock! Knock!"

"Who's there??"

"Pritong saba, pritong mani, sinigang, kare-kare"

''Pritong saba, pritong mani, sinigang, kare-kare who??"

"Pritong saba, pritong mani, sinigang, kare-kare, Hallelu-Hallelujaaaaah!!"

classmates: hahahahahahahahahaha!!!!! :D

heto na naman kaming mag kaka-classmates.. naka-ugalian na kasi namin na tuwing vacant time  eh nag kakaroon kami ng "Knock! Knock! Battle" hahaha! Sumali ang gustong sumali basta may dalang knock! knock! jokes! Bawal KJ dito sa section namin noh. kaya mag kaka-parehas kami ng trip!

"Hoy Mikan! Gusto mong lumaban??" sigaw ni Joy sa akin. siya kasi ang naka assign na maging "host" ngayon. Oh diba! may pa host-host pa kaming nalalaman!

"Sige ba! sino ba makakakalaban ko?" sagot ko naman

"Si Kim." hahaha! si Kim daw! mabilis lang yun matalo eh. walang thrill!

"Sige, Game!!" anyaya ko.

pumunta na nga kami sa harapan at nag jack 'n' poy. nyehehehehe pati ba naman dun eh matatalo siya!

"Sinong gusto mong mauna Mikan??" tanong ni Joy

"Si Kim shempre!"

At nag umpisa na nga ang LABANAN!!

KIM: Knock! Knock!

AKO: Who's there???

KIM: Inday

AKO: Inday who??

KIM: Indaaaaaaaaaaaaay will always love you!!

KAMI: Booooo! Luma na yan!! :P

 Sabi ko kasi eh. ang dali niyang talunin!!

***

MY TURN!!!

AKO: Knock! Knock!

SIYA: Who's there???

AKO: Pulis

SIYA: Pulis who??

AKO: I'm forever yours, faith-pulis

SILA: Wahahahaha! yun ang bago!!

"At ang nanalo sa round na ito ay si MIKAN!!!" Sigaw ni Joy kaya nag palak-pakan ang aking mga kaklase

"Thank you fans!! Di ko makakamit ang tagumpay na ito kung wala kayo!" haha! at humagalpak sa tawa ang aking mga kaklase sa "speech" ko

"Oh! wala pa daw si ma'am kaya pwede pang isang round! Sinong gustong lumaban kay Mikan??" tanong ni Joy sa mga kaklase namin.

"AKO!"

sabi ni--- oh nose!! ba't siya pa?!?!?! Di ako makakapag-concentrate pag siya kalaban ko!! eh kasi namaaaaaaan!!! ang kyutkyuuut nung mga eyes niya!! pag tinitignan niya ako eh natutunaw ako.. wahahaha landeeeeeeh ko!

Gusto niyo ba malaman kung sino siya??? Siya lang naman si Kent Azurin.. ang nakapag pa-tibok ng aking puso.. charuuut!

"ui Mikan, si Kent daw oh. keri pa? tutal ikaw naman nanalo kanina, sinong gusto mong mauna??" tanong sa akin ni Joy

Knock! Knock!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon