Peace Offering.

170 11 0
                                    

Pam:

Nasa van kame ngayon ni baby, kausap ko sya nagtatampo at nagseselos pa din kasi ako dun sa new friend nya alam ko naman na ako ang mahal nya, hindi ko lang talaga mapigilang magselos dahil naaamoy ko na may gusto itong si JAMIE kay Mac. Halatang halata naman kasi sya e. Nagyaya na ako umakyat para makapaglaro na kame at makalimutan ko yung selos dun sa Jamie na yon, palabas na kame ng sasakyan sana ng biglang napaupo ulit si Mac at nawalan ng malay. Nagpapanic na ako pero pinili at pinilit kong kumalma para malapatan ko sya ng First Aid. 10 minuto ang nakalipas at nagkamalay na sya. Buti ay mabilis syang nagkamalay , pagod lang siguro sya.

"hmm..." sabi ni baby habang hawak nya ang ulo nya.

"baby magpahinga ka muna." saka ko inilagay ang ulo nya sa shoulder ko para makapagpahinga sya.

"anong nangyare?" umupo naman sya at humarap saken.

"nawalan ka ng malay, pagod ka ba?" nagaalalang tanong ko sakanya.

"hindi naman, pero nahihilo na kasi ako kanina kaya siguro ganon."

"ahh gusto mo nabang umuwi para makapagpahinga ka?"

"hindi , tuloy pa din tayo, para makabawi ako sayo at wag ka nang magtampo."

"no okay lang, uwi na-" hindi na ako pinatapos ni Mac ng bigla nyang ilagay ang pointing finger nya sa labi ko.

"shhhh. okay lang ako, okay? wag ka na makulit. Hahalikan kita." tapos ay binigyan nya ako ng isang nakakalokong ngiti at sinundan ng mapangakit na kindat. waaaaaaaaah! Mac wag ganyan! matagal ko ng gustong halikan yang mga labing yan! hahaha.

Tumango naman ako at inalis na nya ang daliri nya sa labi ko. Nasa labas na kami ng van ngayon, hindi pa din kame umaakyat dahil may tatawagan lang daw sandali itong si Mac.

Mac:

Haaaaaaay! nawalan daw ako ng malay, kasi kanina pa ako nahihilo. Hindi ko alam baket? dahil siguro sa sobrang inet. Nasa labas na kame ng van ngayon hindi ko muna sya inayang umakyat dahil sisiguraduhin ko munang ayos na ang lahat bago kame umakyat. Tinawagan ko naman si Kuya para matanong sya.

" Hello kuya? Okay naba? nandyan na ba kayo?" pabulong ko sabi sakanya. at alam kong hindi naman naririnig ni baby dahil nagaayos sya.

"opo Sir pogi. Kayo nalang ang kulang haha."

"sige sige paakyat na kame. Salamat!"

Binack hug ko naman sya para makapaglambing sakanya. PDA ba? haha sorry ah?

"Baby? tara na?" tanong ko sakanya habang nagaayos sya.

"okay, tara na." habang binabalik yung mga gamit nya sa bag.

Umakyat na kame para ibigay ko na yung surprise sakanya. Alam naman agad nila kuya ang gagawin kahit wala akong Signal na ibigay sakanila basta pag nakita na nila ako alam na nila. Galing ng mga kuya ko no? hahaha. Pagdating naman namin sa taas kung saan yung sinabi ko kila kuya, ang daming tao na nakapalibot dito at meron lang isang way na dadaanan namin. Hindi naman napansin ni baby sila kuya at ang mga tao na nakatingin sa amin. Kaya pinauna ko naman sya maglakad.

"Baby sige lang una ka, dito ako sa likod mo."

"okay ." at binigyan ako ng napakatamis na ngiti..

Habang naglalakad sya ay nasa side lang pala itong si kuya, Inabot sa akin yung gitara ko at nagsimula na akong kumanta. Napalingon naman si baby ng marinig nya yung boses ko.

Searching for Love. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon