First Monthsary.

275 12 0
                                    

Mac:

Goodmorning guys! Eto na yung hinihintay ko monthsary na namen! :) tapos after bukas dadating na sila mommy at daddy diba nakakaexcite! Hahaha. Simple lang naman yung surprise ko kay babe e. sa rooftop ng bahay namin dun kame magdedate. :) Bumaba muna ako para tawagin sila ate yaya at para icheck yung venue sa rooftop kung okay naba ang lahat para mamaya.


"ate yaya?"

"oh sir goodmorning." Nakangiti nitong sagot.

"okay na po ba lahat sa taas?"

"oo okay na pero check nalang ulit naten. Kain po muna kayo."

"ah maya maya po pagtapos nating icheck."

"osige po tara."


Umakyat na kami sa rooftop at okay naman lahat. Maayos na yung sound system, yung table, yung flowers wala pa mamaya pa, yung stuff toy na mejo malaki hihi at last yung food syempre hahaha. Mamaya pa din yung food.


"ate yaya okay napo, kain napo ako tapos magaayos na."

"sige sir tara paghanda kona kayo."

"salamat po ate."



Pagbaba naman ay kumain na ako at pagtapos ay nagayos na ako. 9am na ng matapos ako sa lahat, pansin nyo ba hindi ko tinitext ng goodmorning si drie? Inaantay ko kasi syang magtext di parin sya nagtitext or tumawag man lang. kaso diko matiis e. text ko sya ng goodmorning pero hindi ko sya babatiin ng happy monthsary mamaya nalang sa venue gusto ko personal :)


"goodmorning babe, iloveyou :*." Text ko sakanya.

"goodmorning din babe, iloveyoumore.:*" reply nya sa message ko.

"papunta ako sa inyo. :*" sabi ko naman sakanya.


At hindi na sya nagreply, hindi ko alam baket, baka nagayos siguro? Or may ginawa lang sya. :) Lumabas nako ng bahay at sumakay na sa sasakyan at umalis na kami nila kuya. 2pm ng makarating ako sa bahay nila. Tinawagan ko naman sya agad.


"hello babe?"

"babe nasa tapat nako ng bahay nyo."

"ah sige wait lang palabas nako."

"sige salamat."


Maya maya pa ay lumabas na sya, as usual na dala ko fruits lage mahilig kasi sila sa fruits kaya ayon.


"pasok ka." Matipid na sabi nito.

"ah sige pero sandali lang tayo ah? May pupuntahan tayo tulungan moko ah?"

"ah sige kunin ko lang gamit ko."


Pagpasok sa bahay nila ay nagmano lang ako kina mama at papa nya tapos ay umalis na kami. Nagpaalam na sya sa mama at papa nya.

Searching for Love. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon