All rights reserved.
Copyright © 2014 by chureitonct.•••
Friday na ngayon at presentation na namin sa Music.
Hindi ko alam pero simula nung umaga di kami nagpapansinan ni Hiro. Siguro nahalata rin niyang ayaw ko siyang kausapin.
"Mr. Reyes and Ms. Lopez" Ayan kami na ang sunod na kakanta.
Ang awkward tuloy pero sana maayos ang performance namin.
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Goodluck sa atin." Natigilan naman ako dun.
Pumunta kami sa harap at kinuha ang gitara namin.
Nagsimula naman na siyang magstrum. Goodluck sa amin.
(You can play this while reading)
"I see us in the park
Strolling the summer days of imaginings in my head.."Napatitig ako sa kanya habang kumanta siya. Nakapakit siya at ninanamnam talaga ang bawat line.
"And words from our hearts
Told you only to the win felt even without being said.."Bakit nga ba ako nafall dito? Di ko naman siya ideal guy.
"I don't want to bore you with my trouble
But there's something 'bout your love
That makes me weak and knocks me off my feet.."Sabagay if you love someone, you don't have any reasons why you fell for that person.
Ako naman kakanta. Nakita kong napatingin siya sa akin kaya kinabahan ako.
"There's something 'bout your love
That makes me weak and knocks me off my feet
Knocks me of my feet..""I don't want to bore you with it.."
"Oh but i love you, i love you, i love you.."
"I don't want to bore you with it.."
Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng napatingin din siya sa akin.
"Oh but i love you, i love you, i love you.. more and more."
I love you, Hiro.
**
Tapos na lahat magperform at mataas ang nakuha naming score. Dah last subject na namin ito, dismissal na ang kasunod.
Nung nagbell na nag unahan na yung iba lumabas.
Kami naman ni Janella hindi sasabay sa service dahil magbobonding kami pero bago 'yun may kailangan akong gawin.
"Elisianna, sure ka na ba sa desisyon mo?" Tanong sa akin ni Janella.
"Oo naman, Janelski. Sigurado na ako. Alam ko namang hindi niya ako lalayuan pagkatapos kong umamin e." Napangiti na lang siya.
"Basta nandito lang ako sa tabi mo, Elisse. Susuportahan kita." Nakangiti akong tumango.
Napagisip isip ko na aamin na ako sa kanya. Sa generation naman natin ngayon babae na ang gumagawa ng first move o kaya ang umaamin, kaya ako na ang gagawa kahit ang panget tingnan.

BINABASA MO ANG
It Started With You
Teen FictionChasing Series #2 Elisse, an introvert, is always fond of her parents' love story which made her fantasized of her own. She believes that there is always a perfect love story. However, as she embarks her new journey in a new school, she met a guy na...