30

140 7 3
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2014 by chureitonct.


•••


Hindi ako sanay!

Yung siya naman ngayon ang nage-effort sa akin. Yung siya naman ngayon ang nagungulit sa akin. Yung siya naman yung nangliligaw sa akin.

Oo, nililigawan na niya ako. Mabilis ba? Nako walang bilis bilis pagdating dito!!

"Chandria, date tayo mamaya?" Napatingin naman ako kay Hiro.

Tinatawag na rin ulit niya akong Chandria. Putek nananaginip ba ako?

"Sige sige." I smiled.

Nagbell na at ang next subject namin ay English.

"Good morning, class."

"Good morning Ma'm Gina!" Umupo naman kaming lahat after bumati.

"Our lesson for today is drama. Before anything else, for you, what is drama?"

Tumaas naman ng kamay yung isa naming kaklase.

"Love story?"

"Hmm.. maybe, what else?"

Tumaas naman ako ng kamay. Kaya naman napatingin sa akin si Ma'm Gina. "Yes, Miss Lopez?"

Tumayo naman ako. "It is a piece of writing that tells a story and it is performed on a stage."

"Correct Ms. Lopez, anyone else?"

Tumaas naman ng kamay si Hiro. Hindi pa siya tinatawag ni Ma'm pero tumayo na siya agad at sumagot. "It is an art of performing a role in a play."

"Very good Mr. Reyes!" Galing ng bebe ko. "So class, drama is a play where you will act on a stage."

Sana naman 'di kami paggawan ng drama. Jusko.

"What are the possible endings kapag drama ang theme nito?"

Tumaas naman ng kamay yung lalaki naming kaklase.

"Happy endings."

"Correct, Mr. Lim!"

May tumaas ulit.

"Sad endings."

"Correct, Ms. Ramos!"

May tumaas naman ulit.

"Tragic endings."

"Correct!" Really? Marami namang nagreact dito.

Kaya naman tumawa si Ma'm Gina and explained why. "Oo class, may mga endings na ganon pero madalas naman ay happy endings. Minsan kasi yung mga writers, gusto nila masaya sa una yung mga pangyayari but then, boom, parang may mangyayari tragic or plot twist kaya nagiging sad endings."

Napaisip naman ako dun. Di naman siguro. Napailing na lang ako at nakinig na lang sa teacher namin.


**


It Started With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon