CG#13

2.1K 44 9
                                    


A/N: Sorry for the delayed update guyseu!~ Im just being busy in school and some personal matters. And here comes this 'freaking person' na nagpa-confuse saakin ng tatlong araw. Dagdag problema, haist!~ Pero back to the topic, sorry ulit sa delay! Lalo na yung nag-PPM saakin na 'UD na', alam mo kung sino ka. HAHAHA!~

Enjoy!~

Unedited :)





Kasalukuyan akong naglalakad sa Hallway patungo sa aking silid-aralan. Same as always padin naman. Balik uli sa dati ang lahat ng mga estudyante sa normal, matapos ang naganap na karumal dumal na krimen ni Reynald Batumbakal. Siguro may iilan pa ding di nakakarecover at pinag-uusapan ang walang awang pagka paslang sakanya , pero nakakasigurado akong kakaunti nalang ang mga yun.


Speaking of pagpatay, may nabuo agad akong ideya dahil dito. Alam kong masamang magbintang pero ang una kong naiisip na suspect ay sya. Siya lang kasi ang kilala kong may kakayahang gumawa ng ganun at pumatay. Di ako nakakasigurado dun dahil wala naman akong sapat na ebidensya, malay natin maling akala ko lang pala. Mas lalo pang tumibay ang hinala ko nang maalala na nagkataon pang absent siya ng isang period sa klase namin. Mga isang oras bago nalaman ng lahat ang balita at tsaka siya nagpakita. Possible kaya? Di ko imemention ang pangalan niya hanggat di pa ako sigurado. Mapapahiya lang ako kapag sinabi ko kung sino tapos hindi pala. Masisira ang reputasyon ko niyan. Chars.

Sa kalagitnaan ng aking malalim na pag-iisip, di ko na namalayan na nakarating na ako mismo sa tapat ng room namin. Nandyan na kaya siya? I sighed.

Dahan dahan kong pinihit ang pintuan. At bumungad sa akin ang mga di pamilyar na pagmumukha. Dapaq!

Napatigil silang lahat sa kani-kanilang ginagawa at napatingin saakin.

"Ay sorry, wrong number! Ay e-este, wrong enter! Sige tuloy niyo na lang ang ginagawa niyo. Wag niyo na akong pansinin. Hehe." Nahihiya kong sabi sa buong klase ng kabilang room at ngumiti ng peke. Naku naman! Geez!

Agad kong sinarado ang pintuan at napatingin sa taas nito. Kung saan nakalagay ang name plate ng bawat room. Letse, mali nga ako ng napasukan!

"Oh, Jia. Anong ginagawa mo dyan?"

Napatingin ako sa may-ari ng boses na walang iba kundi si Krisostomo sa umaga at Krystal sa gabi. Nakatayo lang siya mismo sa pintuan ng aming classroom at maarteng nakapameywang. Aba't himala, buhay pa pala ang isang to.

"Ah, wala naman." Sagot ko. Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay at tila pinipilit akong magsalita. Bahala siya diyan.

Naglakad ako palapit sakanya na nakatayo lang sa may pintuan na kung saan sinabi ko na kani-kanina pa lang. Nilagpasan ko siya tsaka dumiretso sa naka-assign sa aking upuan. Sumunod lang siya sakin at nilagay din ang kanyang bag sa katabi kong upuan.

Hinarap ko ang nag-iisang baklita sa Klase. Ewan ko lang kung nag-iisa lang ba talaga siya o may nagtatago pa. Pero wala na akong pakialam dun.

"Bakit umabsent ka nung Biyernes, bakla? At di mo man lang tinext o ininformed? Alam mo bang naabala mo ako habang wala ka ha? " Litanya ko. Now its my turn.

Ako naman ngayon ang nakapameywang sakanya.

Lumapit siya saakin kaya napaatras ako. What is he doing? Pag-eenglish ko sa isip. Well, sa isip lang naman. Wag kayong ano sakin. Hehe.

"May ibubulong ako, gaga! Kung maka-atras  ka diyan, kala mo gagahasain kita! Di tayo talo uy!" Maarte niyang sabi at umirap. Psh. Arte.

Napasimangot ako. Asa naman sya na papatulan ko rin sya no.

Contract Girlfriend Of Mr. Mafia Boss (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon