Page 2

4 0 0
                                    

WEDDING DRESS

08-05-15

--

Napatakbo ako sa kusina at nakita ko ang isang babaeng naka-peace sign, na may hawak na sunog na kawali sa kabilang kamay niya. Napabuntong hininga ako, at agad na kumalma ang sistema ko nang makita kong hindi naman siya nasaktan. Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo ko.

Damn! Pano na lang kung nasaktan pala siya, at wala akong kaalam-alam dahil busy akong matulog? Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masama mang mangyari sa kanya.

Ngumuso lang siya habang nakatingin sa'kin, at lalo siyang nagmukhang anghel sa ipinapakita niyang ekspresyon. Napakaamo ng mukha niya at . . . bwisit. Bigla na lang nawala na parang bula lahat ng iniisip ko dahil sa mala anghel niyang mukha. Lalo lang akong nahuhulog sa kanya!

"Uhm-- ano, Ace, sorry na . . . gusto lang naman kitang ipagluto para makabawi ako sa'yo. I mean, you could have left me sleeping on your sofa, but you let me sleep on your bed instead. Ikaw pa tuloy ang natulog sa sofa." Nakakaawang sambit niya at yumuko pa siya.

Naahugot ako ng malalim na hininga. Meron ba non? Ah basta. Ikinulong sa mga bisig ko at inalis sa kamay niya ang kawaling hawak niya. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang pagsinghap niya. "Sa susunod, 'wag ka ng magluluto ng mag-isa ka lang, okay? Papatayin mo 'ko sa pag-aalala nyan eh," huminto ako saglit sa pagsasalita at ngumisi, "At ilang taon ka na ulit? Nagkaboyfriend ka na't lahat, hindi ka pa rin marunong magluto?"

Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya, at tiningnan niya ko na para bang tinotorture ako sa isipan niya. "Edi ikaw na ang marunong magluto! The best ka eh!" 

Tinawanan ko lang ang pambabara--or let's just say-- ang pagtataray niya sa'kin, at iniligpit ang pinagkalatan niya. My kitchen doesn't even look like a kitchen anymore. She made a huge mess. But I do appreciate her effort. Sapat na 'yon para makabawi siya sa'kin. Sikreto na lang akong napangiti, at tiningnan 'yung kawaling inilapag ko sa may counter top kanina. Hmm . . . pancake pala ang gusto niyang lutuin? At hindi pa naman pala sunog na sunog eh. Matikman nga. Ngunit aktong isusubo ko na 'yon, ay bigla na lang niyang hinatak ang tinidor na ipinangkuha ko sa 'pancake' niya.

Anong problema nito? Titikman ko lang naman ah. 

"A-ano ka ba naman, Ace? Sunog na 'yon! Tapos, titikman mo pa rin? Baka- baka magkasakit ka pa! Kung anu-ano naiisip mong gawin eh!"

Napanganga na lang ako ng bahagya sa paghihisterya niya, lalo na't nahimigan ko na naman ang inis at pag-aalala sa boses niya.

Tss. Aasa na naman ba 'ko?

Tumikhim ako at isinara ang nakaawang kong bibig. This is not the right time for me to fantasize about her. Ako pa lang ang nakakaalam na galing siya sa isang madugong break-up at kailangan kong respetuhin 'yon. Hindi naman yata tamang magtake advantage ako.

Nginisian ko siya para itago ang lahat ng nararamdaman ko, at inagaw ang tinidor na agad ko ding isinubo.

"Hmm. Not bad." 

Nginitian ko siya at inakbayan. At ang akbay na 'yon ay walang malisya. Magbest friends kami at natural lang 'yon.

'Eh bakit ka defensive?  Alam ko na 'yang mga ganyan eh, bes ang tawagan, pero babe ang galawan.' Tsk. Bwisit na konsensya.

"Che!" inis na inis na sabi niya at ibinasibas ang braso kong nakaabay sa kanya. Napakasadista talaga kahit kailan. "Alam ko namang nang-aasar ka lang, so can you please cut the crap, Ace? Alam ko rin na mapait 'yon, kasi kitang-kita naman na sunog na talaga!"

Napahalakhak na lang ako at hindi na sumagot pa. Useless lang 'yon. Bubungangaan lang ako nyan. Mahirap na, beastmode pa naman si ateng. Kaya sinabihan ko na lang siyang umupo sa high chair ng mini bar ko na malapit lang sa kusina.  Ayos na siya diyan, baka kung ano pang gawin eh. Tangna lang kasi, nakakanerbyos. Baka mapahamak siya. Pero lahat ng pag-aalalang 'yon ay dinadaan ko sa biro, kaya eto, nasapak ako. Sabihan ko ba naman na huwag siyang aalis don at ako na ang magluluto. Baka kasi makasunog siya. Tinawanan ko na lang lahat ng pambubugbog niya at nagluto na 'ko.

--

Another short chapter. Kahit na hindi naman talaga chapter hahahaha. Dapat one-shot lang to eh. Pero naisip ko na mas maganda kung hahatiin ko based sa draft ko na handwritten. 

Lul. tinatamad ka lang magtype eh. Pasuspense pa si gaga. 

Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon