KAPAG 'DI MO ITO BINASA, MAMALASIN KA!

197 0 0
                                    

KAPAG 'DI MO ITO BINASA, MAMALASIN KA!

By Ron Sapinoso

Mahirap ang buhay kapag sumapit ka na sa ika-labing anim na taon mo dito sa mundo. Hindi katulad noong nasa ika-sampu ka pa lang. Simple lang ang tingin mo sa mundo. Parang ikaw ang sentro ng mundo noon. Ang mundo ay umiikot dahil sa iyo at para sa iyo. Magagandang laruan lang ang iniisip mo noon na mapasakamay mo. Cartoon sa TV, games sa computer at kung minsan kung takot ka sa teacher mo at sa nanay mo, iniisip mo rin ang mga assignment sa school.

Pero ngayon iba na. Biglang sumabog ang mga bagay sa harapan mo. Mga pananaw na alien dati sa buhay mo. Pilit na pumapasok sa iyong utak. Marami nang mga bagay ang dapat mong intindihin. Bunganga ng nanay mo. Pangaral ng tatay mo. Warning ng teacher mo. Tsismis ng kapitbahay mo. Maraming mga opinion at mga conclusion ang hindi mo na kayang takasan kasama na dyan ang opinion ng mga lalaking may crush din sa crush mo.

Ang lahat ng iyan ay ayoko sanang papasukin sa aking body system. Pero sa araw-araw, sa paglabas ko sa aking kuwarto sila ang nakakabangga ko. Para silang mga zombie na laging humahabol sa akin sa daan. There's no escape. I have to deal with it.

It's a painful process. Everyday para akong nagpapabakuna. Buti na lang sa gitna ng lahat ng ito, naandoon si Leila. Hindi ko girlfriend si Leila. At hindi ko rin siya kaibigan. Pero katabi ko siya sa upuan sa klase. Twain Bernal ang pangalan ko. Leila Bernardo naman siya. Kaya magkatabi kami sa upuan. Siya ang muse ng klase. May nakapagsabi sa akin na buong buhay ni Leila ay nakakabit na sa kanya ang pagiging muse. Sa kinder. Sa prep. Sa elementary. At ngayong sa highschool. Wala namang dapat pagtakhan doon dahil mukha talaga siyang Disney princess o kaya ay isang bida sa well drawn na anime. Super cute, super kinis, super bango, super smile, super ang lahat kay Leila. At naisip ko, napakasuwerte ng apelyido kong Bernal.

Walang may alam sa buong mundo na crush ko si Leila. Kung may nakakaalam man nito ay walang iba kundi ang aking sarili. Bihira kasi akong magsalita. Sa school, sa bahay, sa mall, sa CR. Bihira akong magsalita. Minsan ay gusto kong magsalita pero iniisip ko, no one will ever care. Siguro, kung mayroon man, baka si papa iyon. Pero ang problema ay lagi siyang wala. Nauunawaan ko naman. Para din kasi sa akin iyon. Pero kapag may oras naman ay nag-uusap din kami habang umiinom ng timplado niyang aloe vera juice. At sa mga oras na iyon, nagiging madaldal ako. Hindi dahil sa nakalalasing ang aloe vera, kundi dahil I know the value of talking with your dad.

Isang gabi. Malakas ang ulan. Walang tao sa bahay. Umuwi sa probinsya si mama. Kasama niya si ate. One week daw sila doon. Nagtext sa akin si papa. Hindi raw kumikilos ang traffic kasi tumataas ang tubig sa Edsa. I opened my laptop and I felt the sweetest quiver I felt in my entire life. Nasa inbox ko ang profile picture at pangalan ni Leila Bernardo. I didn't move nor blink for almost a minute. Ang pinakamaganda, pinakamabango at pinakacute na babae sa buong mundo ay nag-message sa akin. Inangat ko ang aking kamay nang dahan-dahan. I needed to read it. I needed to know what was her message. I clicked. And the message was...

"May ipapasa lang ako sa iyo. Isang kuwento tungkol sa isang bata ipapasa mo dapat ito sa dalawampung tao. Pag hindi mo ito ginawa, may mangyayaring masama sa iyo. Sorry, pero ipinasa lang ito sa akin ha. 20 persons lang naman. Eto na...

Kaarawan ngayon ng isang bata na pinatay at ang dugo nito ay inilagay sa tulay na ginawa lamang sa Samar. Ngayon, ang taong di magpasa nito ay mamalasin habang buhay at may mahal sa buhay na mamamatay. Katulad ni Paul Cuwadroso na ipinasa lang sa isang tao at nadelete kaagad at minalas habang buhay. Kaya dapat mo itong ipasa sa 20 persons. Note: Basahin mo man ito o hindi, mangyayari parin ito. : AKO SI CYRIL ROSALES 15 YEARS OLD. PINATAY AKO NG ISANG LALAKI. RINAPE NIYA AKO SA ANGELES. Inilulan niya ako sa sako at itinapon sa ilog... Kung binasa mo ito, magpapakita mamayang 12 sa harap mo... Umiiyak, sumusuka ng dugo. Lalapit ako sa iyo habang dala ko ang ulo ko. WARNING: TOTOO, NANGYARI NA ITO. I SEARCH MO SA FB MYLENE DAVID NAMATAY DAHIL BINALEWALA NIYA ANG MESSAGE NA ITO. 5 DAYS LANG PWEDE MONG GAWIN ITO. BAWAL NANG IPASA SA AKIN . LIGTAS NA AKO."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAPAG DI MO ITO BINASA, MAMALASIN  KA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon