01. Demi

19 1 0
                                    

Square root.....hmmm...divide tas minus......then 3xy cube tas.....5....finished

Tumayo ako at pinasa ung papel ko kay ma'am

"Already finished?" Tanong ni ma'am De Guzman, ngumiti ako at tumango

"Ang bilis mo naman,demi" sabi nung ka klase ko

"Ewan ko kung bat ang bilis ko matapos"

"Sus di pa kayo sanay lagi namang mabilis matapos yan"

Bumalik na ako sa upuan ko at nakita kong chinecheck ni ma'am ung papel ko
"Demi got a perfect score....again" ngumiti nalang ako

Pero biglang sumakit ung mata at ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at kinusot kusot ang mata ko

"Dem, okay ka lang?" Tanong ni ellah na katabi ko sa right

"Oo nga parang lately maga ung mata mo" sabi naman ni Hana na nasa left side ko

"Siguro kakabasa tuwing gabi, pero okay lang ako"

Actually im not

It really hurts lagi nalang ganito kapag kakatapos ko lang mag solve ng mga math questions, napatingin ako kay ma'am bigla pero nagulat ako nung nakatingin din sya saken tapos bigla syang ngumiti at nag basa nalang nang libro

Tumayo na yung iba kong kaklase para mag pasa kay ma'am Ari

"Lahat na ba ng papers nandito na?" Tanong ni ma'am samin

"Opo" sabi namin ng sabay sabay

"Okay, you may now take your lunch, see you bukas guys bye!"

Kalog nanaman sya . Tumayo na kami at pumunta ng canteen. Habang nag lalakad kami malapit sa garden nakita namin si jack, school janitor namin, working student sya. Mag ha-hi sana kami ng bigla nyang minop ung sa gilid namin kaya napausog kami bigla.....then biglang nalaglag yung isang flower pot.

"Mag-ingat kayo lagi" he smiled tapos umalis na sya agad

"That's wierd, pano nya nalaman na malalaglag ung flower pot?"

"Dunno" then pumunta nalang kami sa canteen
..........
"Students don't forget to remind your parents about the parent-teacher meeting tomorrow, 9:00 okay?"

"Opo"

"Okay you can now go"

Bigla-biglang tumayo si hana "bye guys" tsaka sya umalis

"Problema nun?"

"Ako din,alis na ako dem, babay!!"

"Huh? Agad? Ah okay sige,bye ingat" tsaka sya umalis

Nagaayos pa lang ako ng gamit ko ng bigla akong lapitan ni Miss Ari

"Demi, don't forget to remind your mother about the meeting, okay?" She said and smiled

"Opo sasabihin ko po" nginitian ko si ma'am pero nakatingin lang sya straight to my eyes

"Ah bakit po?"

"Huh? Ah hahahah wala wala, uuwi ka na ba? Sige ingat ka, bye" she awkwardly laugh tsaka umalis.

Okay.....what was that? Lumabas na ako ng school at naglakad pauwi. Habang naglalakad ako papasok ng subdivision namin may nakita akong shadow sa likod ng poste

"Sino yan?" Sabi ko at hinanda ung pepper spray sa bulsa ko

"Meow~"

Nakahinga ako ng maluwag, pusa lang pala

Tumakbo na ako papunta ng bahay

"MAMA!!!!!!"

"Ay palaka na kulay pink!! Jusko nak ginulat mo ko!!!"

"Hehehe, sorry po" kiniss ko sya sa cheeks

"Ano po yang niluluto nyo?"

"Adobo"

"HUWAWWWW!!"

"Nak kunin mo nga yung toyo"

Pumunta ako sa drawer pero walang toyo

"Ma~"

"Ano?"

"Wala pong toyo"

"Hala hindi nga? O sya sige bumili ka sa labas......bumili ka na din ng pancake mix, mantika tsaka saging para bukas"

"Ah ma.....walang pancake mix sa palengke"

"Edi dun ka sa mall bumili nak, ang lapit lapit lang nun eh,oh eto pera, mag bihis ka nga muna at ang baho mo na"

Umakyat agad ako at nagbihis

"Alis na po ako"

"Mag dala ka ng payong"

"Huh? Bakit po?"

"Mag so-snow.......ANO BANG GINAGAWA SA PAYONG?"

"Ahehehehehe, sabi ko nga po, sige na nga ma babay!!"

Dinala ko nalang yung payong at umalis na. Nag jeep ako at pumunta sa pinaka malapit na mall. Dumeretso ako sa grocery at hinanap yung toyo. Ayun!! Okay check na ung toyo, pancake mix naman. Pancake.....pancake....pancak----

"Ano ba?!!" May nabangga ako

"Ay sorry po, hindi ko po sinasadya" pag tingin ko sa nakabangga ko nakita ko ang isang babaeng brown ang buhok,matangkad at maganda na naka-earphone

"Watch where you're going, don't you see im doing something important here!" bigla syang sumigaw

Importante, eh naka earphone lang naman sya "I'm sorry hindi ko po talaga sinasadya"

"Rav--- err Madison, tama na yan" biglang may lumapit na lalaki sa kanya. Boyfriend?

"Kasi naman eh, mamaya mawala focus ko kay---teka nasan na un?!"

"What's going on here?"

"Ah!! Miss Ari" si ma'am!!

"Demi!? What are you doing here?"

"May pinapabili lang po si mama"

"Your mom?"

"Opo......si mama"

"Ah right!! Haha.....your mother, im sorry" she laugh awkwardly again

"Hindi okay lang po, ah sige po una na po ako, uhm miss" tumingin ako dun sa babaeng nabangga ko "sorry kanina"

"Whatever you say" inirapan nya ako

"Hey you're such a kid" sabi nung guy na kasama nila

"No, im not......sige apology accepted, now get lost"

I smiled "thanks, bye" tumakbo na ako para hanapin yung pancake mix, mantika tsaka saging.....si mama naman kasi eh

Nung nag babayad na ako....

"AAAAHHHHHHHHHH!!!!!" I heard a loud scream

Nagbubulungan na ung mga tao

"Ano yun?"

"Bakit may sumigaw" tapos biglang nag takbuhan yung mga tao sa likurang side ng grocery yung medyo tagong part

Suddenly my feet started moving on its own towards the place. Habang tumatakbo ako narinig ko yung sabi nung isang lalaki.....

"May nasaksak daw na babae dun"

Pagkarinig ko nun agad akong tumingin sa harap ko at may nahagip na yung mata kong pula

Blood.

Habang papalapit ako ng papalapit sumasakit yung mata ko..

What's happening to me?

*****
Hi!! First story na seseryosohin ko hahahaha what do you think? Wendy from Red Velvet ang gaganap na Demi nga po pala :) wala pong edit to kaya kung may typos....sorry ✌️
-ChocoChip 🍪

LEMPYALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon