02. Lightning

15 1 0
                                    

Paglapit ko sa spot na kumpulan ng tao, may nakita akong babaeng naka handusay sa sahig at kalat yung dugo nya it's like she's swimming in her own blood. May nakita rin akong isang babaeng naka upo sa sahig at parang takot na takot, sya siguro ung sumigaw and from what it looks like she is the one who discovered the victim.Isang saksak lang yung nakikita ko from my view pero bakit ang daming dugong lumabas sa katawan nya?

"Excuse me, ma'am, sir" sabi ng isang officer. Lumapit yung isang officer dun sa babaeng unang nakakita sa victim

Ang bilis naman ata nilang dumating. 5 officers yung lumapit sa babae, nag labas ng cellphone yung isang officer at may tinawagan habang yung iba iniinspect yung body.

"Excuse me!" May narinig akong boses ng babaeng parang iritado ng bonga "i said excuse me!!"

"That's enough,Madison"

Sila yung naka bangga ko kanina

"I thought so" sabi nung babaeng brown ung buhok, madison ata yung pangalan nya

"So they were here,huh?" Sabi nung lalaking kasama nya, hinawakan nung madison yung tenga nya at bigla nalang syang nag salita ng parang may kausap sa telepono.

"Moon, come over to the back part of the grocery, they were here" yun yung sabi nya

"Ma'am, paurong nalang po, i sesecure lang po namin yung crime scene" sabi nung isang officer at pinaurong kami tapos nilagyan nya ng yellow tape na may nakalagay na crime scene yung part kung saan naka higa yung babae. Pero bago pa ako tuluyang mapaalis dun sa crime scene may nakita akong tattoo sa likod ng tenga ng babae

Raven tapos may nakasulat na SC?

Yun yung nakita kong tattoo. Biglang may tumawag sa phone ko.

"Hello?"

"ANG TAGAL NAMAN NUNG TOYO, MANTIKA, PANCAKE MIX, AT SAGING NA PINABIBILI KO, ANO NATABUNAN KA NA NG GROCERY, NAK?" Sabi bigla ni mama

"Aheheheh sorry na ma, eto na po pauwi na"

"Oh sha, sige mag ingat ka, ung payong mo, baka umulan"

"Opo,bye" pinatay ko na yung telepono at umalis na pero lumingon muna ako ng isa pang beses sa crime scene pag tingin ko may kausap na yung madison na isang matangkad na babae at blonde, yun ata yung moon na sinasabi nya.

Lalabas na sana ako ng mall pero bigla akong hinarang nung isang officer

"Uhm, bakit po?"

"May murder po kasing naganap at may order po kami na bawal mag palabas ng sino mang tao"

"Ah okay po"

"We ask for your cooperation, mag hintay nalang po kayo sa gilid"

"Sige po"

"Ah no, officer, you can let her go" sabi nung lalaki na kasama nung madison

"She's not a suspect" nagtitigan lang silang dalawa ng ilang segundo at pinaalis na rin ako nung officer.

"Ah, thank you" sabi ko dun sa lalaki at sa officer agad akong lumabas ng mall

Pero nung papara palang ako biglang umulan. Mabuti nalang talaga pinadala sakin ni mama yung payong. Biglang may dumaang jeep kaya pinara ko na
-----
"MAMA!!!!!"

"Juice colored,nak. Ang tagal mo namang umuwi"

"Sorry na, ma. May nangyari po kasi sa mall"

"Bakit anong nangyari?"

"May nasaksak po eh"

"Nasaksak?! Huh bakit?"

"Ewan ko po, hindi ko na pinakeelaman eh"

"Eh bakit pinaalis ka agad ng mall? Hindi ba dapat suspect ka?"

"Sabi po nung isang lalaking lumapit saken hindi naman daw po ako suspect, kaya pinaalis na ako nung officer"

"Lalaki? Mga anong age?"

"Mga nasa 15 or 16, basta bata pa po eh"

"Ah, o asan na yung mga pinabili ko sayo?"

"Eto po oh, atsaka ma, may Parent-Teacher meeting po pala kayo bukas sabi ni miss Ari"

"Ah si miss Ari, oh sige anong oras ba?"

"9:00 daw po"

Niluto na ni mama yung adobo at tinulungan ko syang mag linis sa kusina.

Habang nag huhugas ako ng pinggan......biglang kumidlat

"Oh matulog ka na, wag ng mag puyat ah. Alam kong kumikidlat, nak"

"Opo, matutulog na po"

Kidlat......one of my happiness. Sabi ng mga tao ang weird ko daw. Normally ang mga tao takot sa kidlat, pero ako? Hindi. Para sa akin nakakatuwa ang kidlat.....

.....like its part of me

******
2nd part hahahaha ano po sa tingin nyo? Gustong gusto ni demi ang mga kidlat.....bakit kaya? Yung tattoo po nasa multimedia and Seulgi of red velvet nga po pala si Madison
-ChocoChip 🍪
Ps: wala nanaman po itong edit kaya kung may misspelled man po....sorry....mianhae 😊

LEMPYALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon