1) the confession

197 8 1
                                    

FLASHBACK

5 years ago..

"Nicco mahal kita!! ang manhid-manhid mo!! Ikaw lang naman ang mahal ko dati pa.. " sabi ko habang nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko

napatulala si Nicco pero agad ding nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

nandito kami sa tambayan naming park. Hapon na at konti na lang ang mga tao dito.

nakapagdesisyon na ako na sabihin na ang nararamdaman ko sa kanya bago mahuli ang lahat.

"Hindi ka pwedeng ma-inlove sa akin Damarie. Hindi pwede--" Nicco

"Nicco huli na para sabihin mo yan. Na-inlove na ako.. at ang masaklap sa iyo pa.. ikaw na chick magnet, cassanova, walang sineseryosong babae! ubod ng yabang! ubog ng gwapo, sobrang hot with oozing sex appeal! Ikaw na nagpapasaya at nagpapangiti sa akin!--" shoot! nasabi ko ba yun.. ang sira ulo ko!!

"Thanks.. but sorry.. kaibigan kita Damarie at tulad ng sinabi mo I'm a cassanova... walang sineseryosong babae... ayaw kitang masaktan dahil kaibigan kita."

Kaibigan lang??

 

"Nicco hindi ba sa pagkakaibigan naman nagsisimula ang isang relationship... mahal kita Nicnic at mahihirapan na akong baguhin itong nararamdaman ko sa'yo. Pwede naman nating subukan diba."  hindi ko na napigilan ang luha ko.. napatungo na lang ako.. 

Huminga siya ng malalim...

"You deserve someone better than me..  Loving me is your worst decision...  You should forget your feelings for me." hinawakan ako ni nicco sa magkabilang balikat

Hindi ko na napigilan. napahagulgol na ako... nakakahiya ako.. ako na nga ang nagconfess ako pa ang nabusted.. Sh*t naman. Minsan na nga lang mainlove sa katulad pa ni Nicco! at nareject pa ako!

"Don't cry Dada,,..  You’re torturing me. Alam kong makabubuti sa ating dalawa ang desisyon kong ito. ”

Saan banda nakabuti ang desisyon mong ito Nicco?? Alam ko mas sasaya ako kung mamahalin mo rin ako!

Gusto ko na siyang sigawan! Suntukin! Sampalin! Yakapin! Halikan! Hubaran! Este tapakan.. 

“Huwag ka ng umiyak.. pangit ka na nga..mas papangit ka pa niyan” kung sa ibang sitwasyon niya sinabi yan baka mabara ko lang siya  =__=

“Kaya ba hindi mo ako mahal kasi pangit ako?.. kasi hindi ako kasing sexy ng mga ex-girlfriends mo?” mas napaiyak ako.. pangit pala ako..  :<    

“Tsk. Ganyan ba kapag depress ... hindi nakakagets ng joke?? Hindi ka pangit.. maganda ka kahit kulang ka sa laman -___-  .. Every woman is beautiful and it only takes the right guy to see it.” Tinitigan niya ako sa mata

Natutunaw ako~~  >.<

“pero bakit?... bakit hindi mo ako mahal?? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?” letcheng luha ito..umaagos na naman.

I love You, Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon