11) I'm coming home

55 3 0
                                    

Sorry ngayon lang ako nakapag-update!!

Sa mga nakalimot na nito, basahin niyo ulit para marefresh kayo ^^

~~~~~~~~~~~~~~

Damarie's POV

"Damarie! Bonjour? Mars to Earth? Tulaley ka nanaman?"

Napapitlag ako sa lakas ng boses nitong si Hans.

Naputol tuloy yung pagfa-flashback ko!

Anyway, Back to reality.

"Bakit ka ba nambubulabog? Any problem?" Tanong ko tsaka inayos yung mga gamit sa desk ko

"Kapag nambulabog may problem agad? hindi pwedeng nagmamaganda lang?" Sabi nito habang nagflip pa ng bangs niya

Kainis naman tong bading na to =___=

"Eh kung sabihin ko sa guard na huwag ka ng papasukin sa susunod na pupunta ka sa building na ito?" Pagtataray ko

Tinawanan lang niya ako. Kaasar!

"Ikaw naman Bes! Sungit ever! Itatanong ko lang kung tuloy na ba talaga yung pagbalik mo sa Pinas?" Tanong nito tsaka umupo sa couch na nasa loob ng office ko

I sighed

"Well, nakapagbook na ako ng flight, i already packed my things and nakausap ko na yung mga magooperate sa mga businesses namin dito, so I think, yeah, tuloy na nga talaga ang pagbalik ko sa Pinas. " Sabi ko at sumandal ako sa swivel chair

"As in?" naniniguradong tanong nito

"Yes Hans. Sigurado akong tuwang-tuwa ka pa na lalayo ako dahil walang magbabantay sa kaharutan mo." I raised my eyebrow

Naging bestfriend ko na rin si Hans kaya naman nagmistulang bantay niya ako. Kusa ko naman iyon dahil nagaalala lang ako sa kanya. Masyado siyang marupok sa lalaki kaya ako ang savior nyan every heart break ngunit subalit datapwat ang tingin niya sa akin ay dakilang kontrabida sa love life! Oh ang sweet niya sa akin, right?

"Sinabi mo pa! Sa wakas, makakapagmahal na ako ng malaya sa lalaking dulot sa akin ay ligaya!" ay feel na feel pa niya ang pag spread ng arms niya!

Binato ko siya ng crumpled paper sa mukha

Napa-irap pa ang bruha.

"Ppsst! Pogi!" tawag ko sa kanya

"Aay! nasaan ang pogilicious?" tanong nito habang palinga-linga sa paligid

Natawa naman ako nung sumimangot ito mukhang narealize niya na siya nga yung tinatawag kong pogi! Hahaha! Eh pogi naman talaga siya beki nga lang.

"Hmmp! Mamimiss kita bakla. Pasalubungan mo ako ng lalaki ha. Kung pwede ko lang iwanan iyong business ng mudra mo, magfla-flylaloo ako kasama mo pabalik ng lupang Sinilangan!" Madramang sabi pa nito

"Hay naku Hans. Ginusto mo ng trabaho kaya panindigan mo iyan. Anyway, Kasama kong babalik si Stephen sa Pilipinas kay--" bigla siyang sumingit

"What? Pati ba naman si papa Stephen iiwan din ako? Iwan mo na lang siya dito kasi marami ka namang lalaki sa Pinas." suhestyon pa niya

"Diba nandoon yung bad boy type na balak ipafixed marriage sa'yo ng papa mo tapos yung first boyfriend mo na ngayon ay ex mo na, nakabalik na rin ba ng Pilipinas?" dagdag pa nito

I sighed.

Minsan gusto ko ng iuntog itong kaibigan kong 'to para magkaamnesia naman!

Sa loob ng 5 years maraming nagbago, maraming nangyari at marami akong pinagsisihan....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love You, Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon