CHAPTER 2 - First Day Of School

167 3 5
                                    

Dedicated sa kanya dahil sa kanyang walang sawang comments and votes. Thanks! ;) Sana ipagpatuloy nyo lang po ang pag'suporta. :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KATH’S POV

Nandito na ako ngayon sa school at naglalakad habang hinahanap ang classroom ko. Kahit na kami ang may-ari nito, hindi ko pa rin kabisado to. Maniwala kayo o sa hindi, first time ko pa lang makatapak dito. Weird no?

Habang naglalakad ako, naririnig ko ang mga bulungan nila.

“Wow, pare! Ang ganda!” Guy 1

Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng kasing ganda ko? Chos.

“Ang hot at ang sexy pa!” Guy 2

Ako pa! HAHA

“Bagong chicks!” Guy 3

Chicks? Ano ako? Anak ng manok?  Psh.

“Mukhang masungit to ha.” Girl 1

Talaga lang. Baka gusto mo ng sample? Joke lang.

“Hindi naman maganda.” Girl 2

Ako? Hindi maganda? Baka ikaw?

“May bago na namang laruan si Papa Daniel.” Girl 3

At sino naman yang si Daniel? Kung gwapo eh di pwede. Joke lang. Ang landi mo Kath!

Oh shoot! ‘yun na ang classroom ng 4th year, section 1. Yeap, section 1 ako at ‘di dahil kami ang may-ari nito kundi sadyang matalino lang talaga ako. Pumasok na ako at umupo sa pinakadulo at may lumapit sa akin na tatlong babaeng magaganda.

“Uhmm? Hi! New student ka dito, right?” Sabi ng isa at umupo sa tapat ko.

“Tinatanong pa ba ‘yan?” Sabi naman ng isa at umupo sa right side ko.

“Obvious naman diba?” “Sabi ng isa pang babae sabay upo sa left side ko.

I just nodded as response and smiled.

“Hi! Ako nga pala si Julia.  Julia Montes.” Sabi ng unang babae at ngumiti sa akin.

“Kiray Celis” Sabi naman ng isa at ngumiti rin.

“At ako naman si Yen. Yen Santos.” Sabi ng last na babae.

“Nice to meet you. Ako nga pala si Kathryn Bernardo. Just call me Kath.” Sabi ko at ngumiti rin.

“Oh? So, kayo pala ang may-ari ng school na ‘to?” Julia

I just smiled and nodded again.

Dumating na rin ang aming teacher. Sya siguro ang class adviser namin.

“Okay, class. Today is the first day of school kaya wala kayong gagawin. It’s free time kaya take your time to know your new classmates. Next week pa magsisimula ang ating regular class. That’s all. Thank you.” Pagkatapos nun, lumabas na sya. Ayun! Ang ingay ng classroom at ang iba lumabas na. Wow! Cool! Walang klase! 

“Kath, you can join us if you want.” Sabi ni Kiray.

“Yeah. Halina kayo, punta tayo sa cafeteria” Sabi naman ni Yen at tumayo na kaming apat.

(CAFETERIA)

Woah! Ang laki ng cafeteria at maraming estudyanteng kumakain. Umupo na kami sa table for four.

“Anong order nyo?” Tanong ni Yen.

“Kahit ano.” Sagot ni Julia.

“Ikaw Kath?”

“Ikaw na bahala.” Sagot ko naman at umalis na silang dalawa ni Kiray.

Nagkwentuhan muna kami ni Julia ng kung ano-ano at dumating na sila at kumain na kami.

Nang matapos na kaming kumain, napagdesisyonan namin na mag stay muna sa garden.

Palabas na kami ng cafeteria ng-

BOOOGSH!

Punyata naman oh. May bumangga sa akin. At, at, at, magkalapit ang mukha namin. Isang maling galaw, didikit na ang mga labi namin. Parang ang pamilyar nya. O.O Natauhan ako ng napansin kong biglang tumahimik at lahat pala ng mga tao sa cafeteria ay nakatingin samin at agad akong umatras. Nang natauhan ako sinigawan ko ang bwiset na to.

“Ikaw na naman?!” Sigaw naming dalawa.

“Magkakilala kayo?!” Tanong nina Julia, Kiray, Yen at ng tatlong lalaking kasama ng bwiset na to.

“Hindi!” Sagot naming dalawa.

“Kailangang chorus?!” Sabi na naman nina Julia, Kiray, Yen at ng tatlong lalaking kasama nito.

“Psh.” Sabi ni bwiset at umalis na kasama ng kanayang mga alipores.

“Uhmm, girls, uuwi na lang ako wala na ako sa mood.” Sabi ko at umalis na.

Tsk. Ako na siguro ang pinakamalas na tao sa mundo. Ako na lang palagi ang binabangga at ang lalaki pa na ‘yun mismo ang bumabangga sakin. Tadhana nga naman oh.

Nandito na ako ngayon sa bahay at nakahiga sa kama ko. Iniisip ko ang lalaki kanina, parang ang pamilyar nya. Parang nakita ko na sya before pa kami nagkabanggaan sa bookstore. Tumingin ako sa side table ko at nakita ko ang picture namin ni JJ. Di kaya-

ZZZzzzZZZzzZZZzZzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZzzzzzzz

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Uso pabitin ;)

Undeniable Love (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon