Nangopya si CRUSH! [♥One Shot♥]

1.3K 60 18
                                    

Again, Another LOVE STORY.

Sana magustuhan nyo ^__^

Dedicated kay itsmehm29napao (Hazel Mikaela M. Napao)

Don't forget to VOTE and COMMENT okay? -.-

-  -  -  -  -  -

" Please class, wag na wag kayong mangopya sa katabi nyo kundi i ze-zero ko pareho ang answer sheet ni nangopya at nagpa-kopya. Remember, you're now a freshmen college. Ok, Spread your chairs so we can start " sabi ni Ma'am.

Sumimangot lahat ng classmates ko habang binubuhat ang mga upuan nila.

" Jhasmin! Tabi tayo ng upuan ha?"

" Hoy . Kanina ko lang sinabi kay Suliva na kami ang magtatabi ngayon!"

"Mintot! pakopya ha?"

Ayan na naman ang ganyang senaryo tuwing exam namin sa Math Calculus. Paulit-ulit nalang.Nagkaka-gulo na naman dahil lahat sila gustong tumabi sa akin. Final Exam na namin ngayon kaya next week ay wala ng pasok.

Bakasyon na next week pero gusto ko, araw-araw akong nasa school.

" WALANG TATABI KAY JHASMIN SULIVA DAHIL ALAM KONG HINDI KAYO MAGPAPAKAHIRAP NG PAG SOLVE NG PROBLEMS SA ORAS NA SYA ANG MAKATABI NYO. JHASMIN DOON KA UMUPO SA PINAKA HULI! "  Sigaw ni ma'am sa classroom. Pumunta ako sa pinaka likod at nakita kong may dalawang upuan ang hindi pa na o-occupied kaya umupo na ako sa isa.

"Oy Mintot pakopya ha?" sabi sa kin ng klasmet kong si Eliza Beth. Tomboy yan kahit babaing babae ang pangalan.

"Ha? eh Baka mahuli tayo ni ma'am" - ako

 Haay, heto na naman tong mga klasmet ko. Pag hindi ko sila papa-kopyahin ay magagalit na sila sa akin. Bakit kasi sa dami namin dito sa klase e ako lang ang hindi mahihilo sa mga numero? Paborito ko ngang subject yon eh kaysa english.

" Ready? Let's start the exam"  sigaw ni Ma'am na nakangiti pa ng mapang-asar na ngiti.

"LORD PAPASAHIN MO KAMI!"

"HUHU Sana hindi mahirap ang exam!"

" God guid us for this Annoying subject!"

HAHAHAHA. Grabe tong mga klasmet ko! kung maka panalangin ang co-corny lang. Departamental exam kasi ngayon ang lahat ng kumukuha ng Math. Hindi naman mahirap tong math kaya lang lagi nilang sinasabi sa sarili nila na mahirap ang math kaya hindi rin kakayanin ng utak nila kasi di pa nga nila ibinibigay ang best nila e inunahan na nila ng negative thought!

 Idi-distribute na sana ni ma'am ang test papers kaya lang..

" Nasaan na naman si Allison?! We will not start this Exam kung hindi pa kayo kompleto" - ma'am

Tumingin-tingin ako sa buong room. Wala si Allison o wala PA dahil palagi yon nali-late sa klase.

Si Allison ang super crush ko kung saan marami akong kaagaw mapa-labas man ng Classroom namin o mapa-loob. Pati mga klasmit ko'y nagka crush sa kanya.

Sya ang dahilan kung bakit gusto kong araw-araw na nasa school ako. Kaya lang, Halos isang taon ko na syang crush at klasmet pero wala paring nagbabago. Ako lang ang hindi nya pinapansin sa loob ng room namin. Take note, AKO LANG. Di ko alam kung bakit. Baka nahahalata na nyang may gusto ako sa kanya kaya sya na ang umiiwas sa akin. Pero paano naman nya mahahalata e ang tahimik ko sa klase tapos wala pa akong sinasabihan sa mga klasmet ko na may CRUSH ako sa KANYA!?

Nangopya si CRUSH! [♥One Shot♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon