Special Chapter 1.1- Misty's Childhood

26 1 0
                                    


"Mama! Mama! Tingnan niyo po tong drawing ko.. maganda po ba?" masayang pagtawag ni Misty sa Mama niya habang tumatakbo ito papalapit dito at may dala-dalang kapiraso ng papel.

"Tingnan ko nga anak.." kinuha niya ang papel at napahanga siya sa kaniyang nakita. "Wow anak, ikaw ba talaga ang gumawa nito? di ka nagpatulong sa Kuya mo? ang ganda naman nito ah."

"Alam niyo mama, balang araw magiging katulad din po ako sa inyo. Mag dedesign din po ako ng mga damit at sapatos." punong-puno ng kagalakan na sambit ni Misty.

Sa murang edad na limang taong gulang ay nangarap na itong maging kasing husay ng ina niyang Fashion Designer. Ang ama naman niya ay isang businessman at meron silang botique at sariling patahi-an subalit ito ay maliit pa lamang bagama't kakasimula pa lang nila sa negosyong ito. Silang magpamilya ay naninirahan sa isang malayong probinsiya sa kabisayaan. Simpleng buhay pero masagana. Ang mag-asawang Richard at Meredith Valle ay biniyayaan ng dalawang anak, ito nga ay sina Misty at ang nakakatandang kapatid nitong si Miguel.

Nakauwi na si Richard mula sa trabaho at may dala2 siyang mga papeles. Makikita sa kaniyang mukha ang lubos na ligaya.

"Ma, tingnan mo to. May mag iinvest na sa negosyo natin. Makakapag expand na tayo."

"Ang laking halaga nito Pa."

"Oo nga Ma, dininig na ng Diyos ang mga panalangin natin. Nakaset na ang plan. Sa lalong madaling panahon, luluwas tayo ng Maynila."

"Hindi ba mahihirapan nito ang mga bata sa paglipat natin?"

"Nakakita na ko ng ma.uupahan muna nating apartment doon, maganda yun kasi malapit lang sa school na lilipatan nila."


__________0**********0_____________


"Kuya, bakit nag eempake kayong lahat ng gamit?" Naitanong ni Misty habang my akap2 itong teddy bear na bigay mismo ni Miguel sa kanya.

"Lilipat na tayo ng bahay, liit. Tatlong araw mula ngayon."

"Ha?! Eh my bahay naman na tayo dito kuya, ba't pa tayo lilipat? Pano yung mga friends ko? yung mga alaga kong halaman? si Princess!" mangiyak-ngiyak nitong protesta. Si Princess nga pala ang alaga nilang dalmatian na regalo pa kay Misty ng ninang niya galing Hongkong.

"Ano ka ba..Siyempre nandito naman sina yaya Bettina para mangalaga ng bahay natin dito at ng mga alaga mo." Sabay kurot sa pisngi nito.

"Aray naman! Ayokong umalis dito kuya. Hmpf." Nakangusong umupo sa kama si Misty.

"Ayaw mo bang makasama kami? Ako."

"Hindi naman sa ganun."

"Alam mo liit, ginagawa ito nina Mama at Papa para din naman sa kinabukasan natin kaya sumunod nalang tayo para di na sila mahirapan. Gusto mo bang mahirapan sila?"

"Hindi po." Mahinang tugon nito. "Pero kuya, pwedeng mag request?"

"Ano yun?"

"Bago tayo umalis, samahan mo ako sa favorite spot natin. Please? Kuya."

"Hmmmmm." Nagkunwari pa si Miguel na tipong ayaw niya. Nang makita niya ang pagpapa cute ng kapatid niya ay bumigay din ito. "Oh siya.. haha Oo na..tama na yan. Natatawa ako sa mukha mo." Asar pa nito habang mahina niyang binatukan ang kapatid.


________________0**********0______________


Madaling lumipas ang mga araw. Ito na ang nakatakdang araw ng pag alis ng pamilya papuntang Manila for a new life. Pero tulad ng naipangako ni Miguel sa bunso nyang kapatid ay dinala niya ito sa paborito nilang lugar, sa puno ng aratilis.

Malawak ang lugar na pagmamay.ari ng pamilyang Valle dahil ito ay minana pa ni Richard mula sa kanyang mga magulang. Sa dulo ng hardin ay mapapansin ang nag.iisang puno ng aratilis. Madalas ditong pumupunta ang magkapatid lalo na't pag gustong magbasa ng libro si Miguel. Uupo lamang ito sa ilalim ng shade ng puno habang si Misty naman ay masiyang nakaupo sa sanga nito.

"Kuya, pag lumaki na ko babalik ako dito. Babalik tayo dito ah.?!"

"Sana nga liit. Hindi natin malalaman kung anong mangyayari sa hinaharap."


____________0********0____________


At dun nagsimula ang pagbabago ng kanilang buhay. Naging matagumpay sa negosyo si Richard at nakapagpatayo pa siya ng malaking company and factories. Nagkaron din sila ng maraming branches at hindi lang sa local kundi pang international na rin. Mula sa apartment ay naging isang mansion ang tirahan nila.

Ang mga bata naman ay nag-aaral sa isang sikat na private school. Hatid.sundo lagi ng kanilang sariling sasakyan.

Kung tutuusin, almost perfect na sana. Nakuha na nila ang matagal na nilang inaasam na mag.asawa. Ang maginhawang buhay at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak. Pero hindi lahat ay maibibigay ng pera.



______________=====_________________


Hi guys! pasilip palang yan sa background ng bida nating si Misty Valle. Kung anong pinanggalingan niya at mga pinagdadaanan niya maliban sa love.

Sana so far na.eenjoy niyo ang binabasa niyo. I would really appreciate it if you have any comments or suggestions for me para mas mapaganda ko pa ang pagsulat ng story. Pasensiya sa ilang tagalog grammar ko.. hahaha

So guyz, stay tuned sa next chapter ah?! I'm still working on it.. trying to find an inspiration. Char! :D

minta_d'Lynx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon