Flashback 1

11 1 0
                                    

VEYN

Ako si Veyn Serrano.
Simpleng babae walang arte. Normal na istudyante sa B.S.U ( Batangas State University)

Taga Batangas ako.
Masaya naman ang buhay ko, lalo na nang dumating sa buhay ko ang lalaking ito na si

Deilan Alcantara

Ang lalaking unang tingin ko pa lang ay napatibok na ang puso ko at nagbigakas ng salitang MAY FOREVER ❤

Pero ang pagiging simple ko ay DATI lamang dahil ako'y nagbago magmula ng pagtaksilan nya ako.

FLASH BACK

"Veyn!! Tulala ka na naman!" Nagising ako sa katotohanan, di ko alam na tulala pala ako.

"Ay sorry naman"

"Hay nako Veyn, Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Fallon ang bestfriend ko magmula pa noong bata ako.

"Iniisip ko lang kung bakit di ko na nakikita si Deilan..." Yep, tama ang nabasa nyo, di ko pa nakikita si Deilan ngayon last week pa nung huling nagkita kami.

"Baka naman may sakit" Ani Fallon.

"Pag may sakit yun tatawag yun sakin" Sagot ko.

"O kaya naman may pinuntahan"
"Pag may pupuntahan yun bago nya puntahan ang pupuntahan nya, pupuntahan muna nya ako at magpapa alam" ( gets?)

"Baka naman lumipat ng school"

"Pag lilipat yun ng school i te-text ako nun"

"Baka naman pinag palit kana"

"Pag pinag pal-----.. HINDI AKO IPAG PAPALIT NUN NOH!!" Sigaw ko sa kanya, never akong ipag papalit ni Deilan NEVER!

"BAKA nga lang diba, wala akong sinabing TUNAY na pinag palit ka nya"

"Kalma lang ok?" Dag-dag nya.

"Hay nako tama na nga itong usapan na to, samahan mo muna ako sa C.R mag aayos lang ako"

"Ok"

Naglakad na kami papuntang comfort room, nang marating namin ito papasok na sana kami ngunit natigilan kami nang maka rinig kami ng isang malambing na boses ng babae mula sa C.R.

"Hmmmm.. Ano ba nakikiliti ako wag! Ano ba!" Isang boses na tila ba ay may ginagawang kakaiba.

"Fallon naririnig mo ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"Oo Veyn, kadiri!!"

"Tara, alis na muna tayo saka na lang" Hinawakan ko na ang kamay nya para umalis pero pumiglas sya at sinilip ang loob ng C.R.

"Uy! Fallon! itigil mo nga yan, baka may makahuli pa sayo eh!"
Nakita kong nanlalaki ang mga mata nya.

"Bakit Fallon?"

"Veyn tignan mo ito bilis!"
Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko ang sinabi nya.

At nakita ko ang lalaking mahal ko na si Deilan kasama ang famous na babae sa school namin si Gwen..

Di nila kami nakikita dahil busy sila sa ginagawa nila.. Bata pa sila para gawin yun pero bakit wala lang sa kanila ang magiging resulta nito..

Di ko maigalaw ang sarili ko sa sobrang gulat at galit. Kulang na lang ay sumabog ako!

"Anong gagawin mo Veyn? Tutulala na lang at papanoorin ang boyfriend mo kasama ang ibang babae?, Wag kang duwag! Ilabas mo ang galit mo!!" Bulong na pasigaw nya sakin.

Di ko na talaga mapigilan ang sarili ko, sumugod ako at pinag sasabunutan si Gwen, at sa sobrang lakas di sya makalaban..
At ang bwisit kong boyfriend heto at inaawat ako.

"Tama na Veyn!"

Di ako nakikinig tinuloy ko ang pagsabunot at bigla namang sumugod si Fallon at pinag hahampas si Deilan ng bag nya na may laman na sandamak-mak na libro.

"Ouch!! Aray! Ano ba?! Tigilan mo nga ako Veyn!!" Sigaw sakin ni Gwen.

"Anong tigilan?!! Ahas ka!! Boyfriend ng may boyfriend aagawin mo pa!! Di ka na lang naghanap ng iba!!!"

"Eh mas gusto ko si Deilan kaysa sa iba at mas gusto ako ni Deilan kaysa sa sayo!" Sa sinabi nyang yun napabitaw na lang ako at tumakbo papalayo habang may mga napatak na luha galing sa dalawang mata ko.

Naramdaman ko din na sinusundan ako ni Fallon. Nakakita ako ng isang upuan kaya umupo ako dun at umiyak ng umiyak.

"Veyn, ok lang yan. Isa lang ang meaning nyan.. Di kayo para sa isa't-isa.." Maiyak-iyak na sabi ni Fallon, yan ang true friend nakiki drama.

"Mabait naman ako diba?" Tanong ko sa kanya.

"Di lang mabait.. Sobrang bait mo Veyn"

"Kung sobrang bait ko, bakit nya ako niloko?"

"Makati lang talaga sya"

"Eh, maganda ba ako?"

"Oo naman"

"Bakit nya ako pinagpalit?"

"Kasi TANGA sya"

"Walang Forever.." Bigkas ko.

"Di mo naman kailangan maging bitter"

"Aalis ako"

"Aalis ka?" Tanong ni Fallon.

"Oo, at pag bumalik ako, sisiguraduhin kong lahat ng lalaking gusto ko ay mapapa hanga ko" Galit sa sambit ko.

"Saan ka pupunta?"

"Sa America makikitira ako dun para kasama ko si ate Vegacee"

"Vegacee? Yung kapatid mo?"

"Oo, sige uuwi muna ako at papa tulong ako kay tita Celyn sa pag aayos ng mga papeles ko"

"Ok, sige"

Sumakay ako ng taxi papauwi at kinausap ko si tita at handa naman daw nya akong tulungan, kinausap ko na rin si ate Vegacee ang nakatatanda kong kapatid na titira ako sa bahay nya sa America.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RETURNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon