Chapter One
"Doray basta walang iwanan ha? Kahit anong mangyari hindi mo ako iiwan mag isa. Alam mo namang ikaw lang ang meron ako kaya di ko kakayanin kung pati ikaw mawawala saken."
Sheeze naalala ko na naman yung gabi ni iniwan ko sya. Yung gabi na pinaramdam nya sakin ang halaga ko para sa kanya. Pero anong ginawa ko? Iniwan ko sya. Pero hindi ko to kagustuhan
"Ou naman hindi kita iiwan hinding hindi. Bestfriends tayo diba? Wala ngang nakakapaghiwalay saten eh. Atska ano bang pumasok sa isip mo na iiwanan kita?" Masakit. Masakit para sakin ang mga salitang binibitiwan ko dahil alam ko sa sarili kong nagsisinungaling lang ako. Masakit kase kelangan ko syang iwan. Hindi ko kayang suwayin mga magulang ko. Pasensya Raven pero kelangan kong gawin ayoko mang iwan ka. Pero kailangan. KAILANGAN
Pang ilang beses naba akong umiyak dahil don? Hindi ko na mabilang kahit pa limang taon na ang lumipas simula nung iwan ko sya. Dahil sa Manila ako pinag aral ng mga magulang. Dahil dun naka destino ang trabaho ni Papa. Alam kong nasaktan ko sya kase hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kanya sa Bestfriend ko. Ang bestfriend kong hindi ko alam kung Bestfriend nga lang ba ang turing ko sa kanya Kahit sa edad ko noong 12 anyos alam ko sa sarili kong may nararamdaman akong espesyal para sa kanya.
"Beh ano? Tutulala kana lang dyan Forever?" Naalala ko nandito ako sa bahay ng kaibigan ko Si Rina
"Gaga walang Forever. Haha sorry naman may naalala lang ako bigla eh" sabi ko sabay salampak sa kama nya
"Si Raven na naman? Yung kababata mong iniwan mo? My Gosh Aira its been freakin' five years panigurado wala na yun para sa kanya. Baka nga hindi ka na natatandaan nun eh" sabi nya sabay kuha ng cellphone nya at nahselfie. Masakit Ou masakit yung huling sinabi nya Baka nga hindi kana nun natatandaan. Oo may posibilidad na pwedeng mangyari yun na Maaring hindi na ako natatandaan ng Bestfriend ko.
"Ang super supportive mo talagang bestfriend *sarcasm please*" sabay batok ko sa kanya Gagang to. Umaasa nga ako sa tao pero tinutulak nya naman ako sa Realidad.
"Ouch! what was that for? Grabe ka babae kaba talaga? Mas malakas kapa sa mga kuya ko mambatok eh" sabi nya sabay pout Haha. Kala mo naman kinaganda nya.
"Eh kase po ikaw masyado kang nega. Namimiss ko na rin kase yung Bestfriend kong yun" nakakalungkot talaga
"Lokaa. May gusto kaba dun sa bestfriend mong yun? Oo alam kong guilty ka sa pang iwan sa kanya 5 years ago. Pero hindi mo na kelangang iyakan yun! Duh bestfriend lang kaya kayo hindi lovers" at nakapameywang pa ang bruha.
"And one more thing may boyfriend kana for pete's sake panigurado masasaktan yang boyfriend mo pag nalamang may kahati sya sayo" again it hits me. Oo may boyfriend ako si Bryan Advincula at hindi nya alam ang tungkol sa past ko. Ang tungkol sa amin ng Bestfriend ko. Ayokong sabihin sa kanya kase ayokong mag doubt sya para sa nararamdaman ko para sa kanya. Oo mahal ko sya pero nararamdaman ko lagi parang may kulang masaya ako sa kanya pero parang may kulang."Huy lukaaa natulala kana naman dyan kanina pa nagba-vibrate yang cellphone mo tumatawag yata yang jowa mo" bigla akong nabalik sa katinuan ng maramdaman ko nga ang pag-vibrate ng cellphone ko at tama nga sya tumatawag nga ang boyfriend ko. I immediately grab my phone and start talking to my boyfriend.
"What took you so long? At bakit wala ka sa inyo?" Halata sa boses nya ang pagka inis dahil nakailang missed call na pala sya bago ko nasagot.
"Sorry Babe nagkukwentuhan kase kami ni Rina hindi ko namalayan na tumatawag ka pala" lumabas na naman pala pagka possessive nitong boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (But there was never an US)
Short StoryThe story of Us? The Fudge Ou alam kong walang tayo pero umaasa parin ako na magustuhan mo ako gaya ng pagkagusto ko sayo kahit alam kong malabo kahit alam kong walang chance umaasa padin ako sayo -Aira Judea Remodaro