Chapter Two

55 3 1
                                    

Chapter Two

Dati iniisip ko kung pano nga kaya magtagpo yung landas natin. Pano kung magkita tayong muli? Ang daming eksplanasyon ang naiisip ko nun. Panigurado isusumbat mo saken yung naging pag iwan ko sayo noon. Kung pano ka iniwan ng kaisa isang mong kaibigan na pinagkatiwalaan mo at nangako sayong hindi ka iiwan. Pero binigo ka bandang huli. May mukha paba akong maihaharap sayo? Siguro Oo. Tatanggapin ko mga panunumbat mo. Kase deserve ko yun. Deserve ko makatanggap ng masasamang salita galing sayo. Kase kasalanan ko naman. Kasalanan ko. Pero please  wag naman sa puntong kinamumuhian mo na ko.

"Doray" hindi ko alam kung imahinasyon ko lang yung narinig ko oh talagang may nagsabi nito pero sapat na para marinig ng dalawa kong tenga. Tiningnan ko ang lalaking nasa gilid ko. Andun parin sya. Andun parin si bestfriend.

"Bayad ho. Paabot" inabot ko na sa kanya ang bayad ko. Sakto napalingon sya sa akin.

Ang laki na talaga ng pinagbago nya ang dating patpatin nyang katawan ngayon ay malaman laman na. Ang dating malalamlam nyang mga mata hindi parin nagbabago. Nakaka hypnotized parin ang pagtitig nya. Para akong nilalamon nito. Walang ekspresyon na mababasa sa mata nya. Nakatitig sya sa akin na parang mga sagot ko sa test namin sa Math blangko. Blangkong blangko.

"Bayad ho. Makikiabot" sabi ko ulet lokong to kanina pa ako nangangalay sa pag abot sa kanya ng bayad ko. Tapos uunahin nya yung pakikipagtitigan nya saken na para bang hindi napapagod yung kamay ko sa pag abot sa kanya ng bayad ko? Kung titigan lang pala ang gusto. Halika sge. Bumaba tayo dito sa jeep at magtitigan tayo Forever. Chos lang wala nga palang Forever.

Anyway kinuha nya na rin ang bayad ko at binayad sa driver. Naramdaman ko biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Si Bryan tumatawag.

"Hello Babe? Oh napatawag ka?"
sabi ko ng medyo mahina. Syempre ayoko namang magpaka center of attraction! Charot

"Ah Babe nakauwi kana ba? Daanan kita dyan pag nakauwi kana. I have an surprise on you" sabi nya. Panigurado kumindat pa yan

"Pauwi palang ako Babe. Excited ako para dyan sa surprise mo" sabi ko na hindi napigilang mapangiti

"Sige babe ingat ka dyan sa byahe i Love you"

"I lo-" naputol ang sasabihin ko ng tumayo ang katabi ko. Specifically Si Raven bababa na pala sya.
Paandar na ulit ang jeep ng makita ko sa tabi ko ang isang puting panyo na may nakaburdang MAUI. Kanya yata to? Pinulot ko ang panyo at dali dali akong bumaba ng jeep para sana isauli ang panyo nya. At buti na lamang hindi pa sya nakakalayo.

"Ahmm kuya wait lang" sigaw ko pero hindi nya yata ako narinig o nagbingi bingihan lang sya? Papalapit na ako ng makita kong may sumalubong ng yakap sa kanya na isang maputi at magandang babae. Ito siguro yung Maui.

"Yes Miss ano kailangan mo sa boyfriend ko?" Nakataas ang kilay nya. Nakayakap parin sya kay Raven kaya hindi ako nakikita.

"A-eh kase sasauli ko lang sana yung panyo na naiwan yata ni Kuya" sabi ko sabay abot ng panyo. At buti naman binitawan nila yung pagyayakapan nila. Nakakairita kaya! Chos

"Ah sge salamat" kinuha ni Raven saken ang panyo.

"Baby yan yung binigay ko sayong panyo ah? Bat hindi mo iniingatan?" Baby daw? Bakit amoy lungad ba sya?

"Maui wag kang OA panyo lang yan. Sige Miss salamat sa pagsauli ng panyo" sabi nya sabay talikod saken. OUCH Miss? Hindi nya ba ako naalala? Oh sadyang malamig lang ang pakikitungo nya saken dahil sa nagawa kong pag iwan sa kanya?
Sumikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako Oo masakit kase ang inaasahan ko kapag nagkita ulet kami ay isusumbat nya saken yung ginawa kong pag iwan o kanya o di kaya'y mag iiyakan kami at magkakapatawaran pero. Anyare? Isang malamig na pakikitungo na parang tingin nya sa akin ay hindi kilala? Parang isang estranghero lang ang tingin nya saken. Isa pa nasasaktan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story of Us (But there was never an US)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon