AUTHOR's NOTE:
Oh well papel. Unang una inuna ko talaga tong Author's note dahil may importanteng mahalaga akong sasabihin sa inyo. Pangalawa, nagpapasalamat ako at napadpad ka dito sa istoryang ito na umagaw ng atensyon mo. Actually, wawarningan na kita kung sino ka mang nagbabasa ngayon. Ang istoryang ito ay MEMA lang. MEMA??? MEMAsulat lang. Bakit kamo? Dahil ito ay isang rush na gawa. Ipapaliwanag ko, dalawa kami ng classmate ko na sumulat nito dahil ito ay assignment namin sa school at kelangan naming gumawa ng isang story by partner. At dahil masipag kaming estudyante e isinulat namin to ilang oras bago ipasa kahit na one week ang inilaan sa amin. At aminin nyo na ganyan din kayo. Wag mapagpanggap. Kaya ayun. Pagpasensyahan na kung may typo error. Rush nga kse. At nakakatamad din mag edit. At kung nagtataka kayo sa format. Ganyan daw kse sabi ng prof nmen. Base po yan sa book. As what I've said, ayoko na mag edit pa dahil ako nga po ay dakilang tamad. So yun lang naman ang concern ko kaya sumulat ako ng Author's note. Sige, basahin nyo na. Comment lang kayo at Vote na din kung feel nyo. Kung hindi, edi wag. At kung gusto nyo, grade-an nyo na din kunwari kayo yung prof ko. 5 is lowest, 1 is highest. Okay? Thankyou.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SCENE A
LRT Line 2 Santolan Station. Maraming taong nag aabang. Naghihintay ng train papuntang Legarda Station dahil papasok na sa school si Anne Canueva. Habang naghihintay din ang isang lalaking naka kulay pulang polo shirt na mukhang estudyante din. Mapapansing kanina pa pinagmamasdan ng lalaki si Anne.
ANNE
(SA SARILI) Sa buhay, meron sa ating dumarating at meron din namang nawawalang parang bula. Akala mo yun na pero mapapadaan lang pala. Minsan mahirap din ipagsiksikan ang sarili mo sa lugar na wala namang space para sayo. Aasa ka at masasktan. Dapat talaga matuto tayong maghintay kasi may darating pa naman na mas tatanggapin ka ng buong buong buo, di mo na kailangang sumiksik at masaktan dahil para sayo na yun...
LALAKING NAKA PULA
(KINALABIT SI ANNE) Ate, pang limang tren na yan ah? Di ka pa ba sasakay?
NAGULAT SI ANNE NANG BIGLANG MAY NAGSALITA AT MANGALABIT SA KANYA.
ANNE
(LUMINGON) Puno pa eh. Di pa ko para dyan. Maghihintay na lang ako.
LALAKING NAKA PULA
(PANGUNGULIT) Ayaw mo talaga? Mukhang malelate ka na.
ANNE
(SA SARILI) Feeling close naman tong si kuya.
TINIGNAN LANG SYA NI ANNE.
LALAKING NAKA PULA
Ang sungit mo naman ate. San ka nag-aaral?
ANNE
Bulag ka ba kuya? Kitang kita na sa ID lace ko o.
LALAKING NAKA PULA
(NAPATAAS ANG KILAY AT NAPAATRAS) Sorry na sorry na. Sungit mo naman.
BINABASA MO ANG
Twist of Fate (one shot)
DiversosThis is a one shot story. Thanks if this catches your attention and make you tap/click the read button. Tagalog po ito ha. Feel ko lang mag english dito sa description para totyal. Maraming salamat kung pagtutuunan mo ng sandaling oras ang istoryang...