Prologue

121 7 1
                                    

Nag-iba ang takbo ng buhay ko ng una kong masilayan ang mukha niya...

Naging makulay ang bawat araw ko ng dahil sa kanya...

Maganda ang bawat gising ko kapag siya ang una kong naiisip at nakikita sa bawat sulok ng kwarto dahil sa mga larawan niya

Nagiging matibay ako sa bawat problema dahil alam kong siya ang inspirasyon sa bawat solusyon sa mga iyon...

Nakakailang tungga na ba ako ng droga nang dahil siya na lang lagi laman ng utak ko?

Makita ko lang siyang nakangiti, e ngingiti na din ako...

Makita ko lang siyang masaya kasama ang mga kaibigan niya e masaya na din ako...

Naramdaman mo na ba ang feeling na kung hindi mo lang siya nakita ng isang araw e malungkot ka na???

Naramdaman ko na iyon ilang beses na...

Naramdaman mo na din bang sa bawat taong umaaligid sa kanya e nagagawa mong magselos kahit hindi naman kayo magkakilala???

Oo, ganyan ang mga nangyayri sa buhay ko

Naramdaman mo na rin bang sumugal makita mo lang siyang sumaya sa piling ng iba?

Yung tipong hahayaan mo na lang siyang maging masaya sa taong mahal niya sa kabila ng sakripisyong ginawa mo

Hindi ko pa naman naramdaman yan, siguro sa tamang panahon pa na kailangan ko na talagang isakripisyo ang nararamdaman ko at iiyak na lang sa isang tabi

Ako si Sue Steffi "Tiff" Ramirez, isang simpleng babaeng hangad ay makahanap ng totoong pagmamahal hindi lang sa mga panaginip kundi sa totoong buhay

ABANGAN...
Follow me here! Cirej_16

Bigay ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon