C13 Rumors

8 1 0
                                    

Sue POV

Ilang months na din pala after nung celebration namin sa resort. Nakailang monthsary na din kami ni baby McCoy. Grabe ang sweet niya. He always surprise me every monthsary namin. May dinner date, may paflowers, may panonood ng sine, tas yung recent ay yung pumunta kami ng park to watch the night sky show (fireworks) na siya ang nagpasimuno non.

Nga pala. Been here at school. Hay! Nakakaantok talaga kanina sa klase. Nakakapagod makinig sa pangaral ng prof namin. Imbes na yung lesson napunta sa sermon na. Kasi naman nakita yung mga kaklase kong gumagawa pa lang ng assignment niya na ipapasa ngayong araw. Ang hirap kasi e, buti na lang alam ko konte. Char

Vacant ko ngayon. Wala si bestie, may pinuntahan siya. I dunno din sa babaeng yun lagi na lang di nakakasabay sa akin lately sa recess and lunch. Siguro may pinagkakaablahan nang iba.

I just ordered my usual food for recess ang forever love kong burger asado and glass of iced tea. Mmmmm yum

Wala din sina McCoy at mga kaibigan niya dito sa cafeteria, san kaya sila? Bakit ba ang bBusy ng mga tao ngayon? Anong meron?

About naman samin ni McCoy, medyo di na kami masyado updated sa isa't isa. Busy kasi kami sa studies, siya thesis ako field study. I never thought college would be this hard. Kala ko non, college would be the best years to enjoy kaso baliktad pala.

Makakain na nga lang. lahat busy. Oo na sila na busy ako na ang hindi.

As I am eating my food may dumaang dalawang babaeng nag-uusap na dumaan sa harapan ko to the point na narinig ko yung bulungan nila.

"Diba siya yung malanding GF kuno ni baby McCoy? Asa siya. Di niya alam binobola lang siya" is she talking to me?

"Oo, how pathetic. Hindi niya alam na dahil lang sa isang Bet naging sila ni McCoy" isang bet? Anong bet yun???

And then they left laughing.

Tama ba yung narinig ko. I don't know kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi nila o hindi

Baka naman sinisiraan lang nila ako kasi inggit sila sa akin.

Oo, tama! Baka ganun nga! Hindi naman magagawa yun sa akin ni McCoy diba? Ang bait at sweet kaya niya sakin. Di niya magagawa yun. I trust him naman
—————————
I just texted McCoy kung kumain na ba siya ng lunch. Pero ni isang reply wala e. Siguro busy talaga sila. Last subject na before lunch kaso di ako makaconcentrate sa lesson dahil sa sinabi nung mga babae kanina. Pwede bang mangyari yun?

Siguro pwede kasi nga di naman ako kagandahan. Baka nga totoo yung sinasabi nila.

Hindi ko pa din matiis na hindi itext si McCoy para kumustahin kaya nagtext ulit ako kaso ganun pa din. Wala akong napalang reply.

Dati kasi, oo na ikokumpara ko dati sa ngayon. Dati pag nagtext ako reply agad siya kahit busy siya. Mabilis siya non magreply ganyan siya nun

"...and class dismissed. You may now have your lunch" That's the only last thing I heard clear from my prof. Tulala ako the whole time e

"Bestie, where do you want to eat ba? My treat. Pambawi lang nung di kita kasama this few days" Bestie Sette

"Kahit saan na lang. di din ako gutom pa e. Samahan na lang kita"

"Huh? Ano? Tinatanggihan mo na ako. No bestie! You have to join me eat lunch or else. FO na tayo"

"Okay"

"Saan ka um-okay sa pagjoin sa food o sa FO? Huhuhuhuhu. Not the second option please!"

"hahaha. Baliw ka talaga no, oo na sasamahan na kita. Kakain na din ako, chararat na to"

We ordered buttered chicken and lechon chopsuey as I requested. Yung pangalan kasi nakakatakam.

"Kumusta naman ang buhay may jowa?" Sette said

"Okay naman" Me

"okay naman???? Tell me. Nag-away ba kayo?"

"Hindi naman. Its just that, di na siya lagi nagtetext sa akin. Tingin mo ba ayaw na niya? Sawa na ba siya sa relationship namin?"

"Bestie, don't say that. Baka lang busy yun. Ano ka ba"

"Sana ganun lang" I don't want to tell muna kung ano yung narinig ko sa mga babae kanina kay Sette. Prove ko muna bago sabihin yun.

"Kain na nga lang tayo, ikakain ko na lang to kaysa naman sa magdramahan pa tayo. Edi mas lalong di ka makakain" "basta andito ako susuportahan kita at dapat ganun ka din sa akon. Okay ba?" Sette

"Oo naman, kung hindi FO na tayo" as if kaya kong wala ang bestie ko
——————

Uwian na pero di pa rin ako tinitext ni McCoy. Bakit kaya???? Busy kaya siya??

Lagi kasi niya akong hinahatid sa bahay pag hapon. Bat ngayon wala siya???

Tama kaya yung sinabi nung mga babae kanina. Tama ba ang sinabi nila na Bet lang yung samin ni McCoy? Ayoko maniwala.

No. Erase that thought!

Mahal ka ni McCoy. He'll never do that. You know naman na mabait siya e. Wag ka maniwala dun Sue.
Trust McCoy

Habang patuloy akong napatulala sa akong naiisip. Narinig ko na yung boses ng taong nagpatibok ng puso ko

"Sue!" Wow... sue na pala ngayon, wala na endearment. Hala, praning na ba ako?

"Babe! Anjan ka na pala. Hinihintay kita dito" ako

"Matagal ka na ba dito?"

"Hindi naman, medyo 5 minutes lang"

"Okay"

"May sakit ka ba?"

"Ha? Ako? Wala! Medyo pagod lang. Tara hatid na kita"

"Okay. Siguro nga pagod ka lang" nakakapanibago parang di siya masaya na ihahatid ako bakit ganun?

Sa buong biyahe, di na ako umimik pa. He never insist to ask me kung how's my day or something like that. Kasi ganun naman siya lagi dati. But now, alot of changes happened. Parang nanlalamig na talaga siya sa akin. Pinanghahawakan ko na lang na sana, minahal niya ako dahil mahal niya talaga ako at hindi dahil sa sinasabi nilang bet lang ang relasyong to...



A/N: Hello mga friends! Sorry! Tagal ng update no. Looking forward sa mga nagbabasa pa din nito kahit matagal ako mag-update. Super busy ako sa work. Ngayon lang ulit ako mag-uupdate kasi Vacay!!! Yuhooo.

Thank you for reading! Please Like, Share and don't forget to vote a. Love you guys!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bigay ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon