Simula ng Forever

102 4 0
                                    

Tiff's POV:
- - - - - - - -

"Hoy!!!! Lumabas ka diyan babae ka!!! Napakalandi mo talaga! Mang-aagaw! Hayop! Wala ka na bang magawa sa buhay mo maliban sa pagsusulot ng may asawa???" ani ng isang ale sa harap ng aming bahay. Kay aga-aga!!!

Sabado ngayon at kasalukuyang nakahiga pa din ako. Sino naman 'tong sigaw ng sigaw na'to??? Hindi ko naman kilala. Grabe naman kung mangTrash talk si Ale -.- Psssh

Agad naman akong dumungaw sa bintana ng kwarto ko. Typical house na 2 storey. Yung vintage type na parang sa Calle Crisologo sa Vigan. Oo, Imagine niyo na lang. Ganun iyon!

"Sino po sila??? Ale! ang aga-aga lakas ng speaker natin jan a!" Pagbibiro ko sa aleng ubod ng lakas ng bunganga na para talagang speaker. Sarap batuhin ng Capiz shell! Kaimbyerna!!!!

"Ay!!! Sorry! Practice lang neng! Sa iba palang bahay dapat ako nagsisisigaw, Pasensya ha *Peace sign*" Hay nako! tao nga naman. Magsisigaw ba naman sa maling address. Dapat kasi ginoogle map na lang, Para di na siya mahirapan. Lol!!!!

At!!!! nakakatawa yung reaksyon niya. Yung masungit kanina naging mahiyain. Dami kong tawa mga tatlo. Ha Ha Ha...Alam na this!!!

Pero kung tutuusin, pwede ba kayang one time parang ganun din ang mapapasok kong relasyon?.... Erase erase!!! Mali!!! Ang deep ko talaga mag-isip.

Mmmmmm. Mukha ba akong nanunulot ng lalaki??? Hahaha. Duh!!! Wala pa nga akong boyfriend e. Sugar daddy pa kaya. Duh!!!

Ako nga pala si Sue Steffi "Tiff" Montelo... They usually call me TIFF... Hindi STIFF NECK, Hindi STIFFLER o STIFFLE WIRE :* TIFF lang talaga...

Isa akong Education student. Medyo may hitsura sabi ng nanay at tatay ko. Oo! Sila lang naman nagsasabi niyan sa tanang buhay ko e, mahiyain kapag papalapit ang crush ko (naman!), tahimik lang sa klase(siguro), may mga kaibigan din at siyempre di mawawala ang asset kong salamin sa matang pagkalaki-laki(para naman studious effect) Hahaha

At heto! Third year na pala ako. Grabe! Ang bilis talaga ng araw. Nung hapon infant lang ako tas ngayon Teenager na. Edi wow

Palapit na pala ang Finals!!! Karaniwang eksena ng mga estudyante ng Education. Gawa ng requirements na nakakabebang. FS na kay tagal-tagal sagutan dahil sa ang hirap!!! Asenas!

Hay!!! Paano 'to? Wala pa akong nasasagutan sa Field Study ko? Ipapasa na yun bukas makalawa. Waaaaah!!!!

Ramdam ko na naman ang pagkastress! Kailangan ko na ata ng katuwang sa buhay! Lol! Char lang. Hahaha

Inopen ko yung laptop ko at nag-internet. Nagsearch ng maaring maisagot sa FS ko.

Search. Search. Search.

Ilang sandali pa ay tapos na ako magresearch.

Tantananan! FB time na!!! :* Yes! Mag-e-stalk nga ako ng boylalu. Pampabawas stress :) Oo ganyan ako e. May pagkamalandi ako minsan. Pero tago lang. Ako lang nakakaalam at kayo. Kaya secret lang natin to a!

Nagtype ako ng mga panga-pangalan, and apparently for my last attempt of searching. Like O M G...Saktong yung Picture ng crush ko talaga unang lumabas.

Ngayon ko lang nakita FB account niya. Iba kasi pangalan niya dito dun sa real name niya! Oh! MY CRUSH! MY LOVE! MY INSPIRATION! MY EVERYTHING!...De joke lang yung My Everything... Di naman niya ako kilala e, hindi nga niya alam na nag-e-exist ako para lang stalk'in siya, o di kaya para mahalin siya ng palihim.

Bigay ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon