Pits
Nabubuhay ang demonyo sa kalooban ko. Gustong gusto kong yakapin ang babaeng nasa harap ko pero di ko magawa. Itinali nila ko sa upuan at mahigpit ang pagkakatali nila rito. Kanina pa ko nagpupumiglas at alam kong nagsugat na ang mga braso ko at paa ko dahil sa hapding nararamdaman ko. Di ko to alintana dahil sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko.
Nanginginig ang kamay nyang may hawak na baril at nakatutok ito sakin.
Tinitigan ko ang mata nyang punong puno ng luha. Nakikita ko ang galit at pagkamuhi sa mga mata nya.
Parang sinasaksak yung puso ko. Her stare makes me feel like I'm in hell. It tears me up inside. Parang ibang tao ang kaharap ko at hindi ang babaeng minahal ko.
Nag iinit ang sulok ng mga mata ko kaya iniwas ko ang tingin sa kanya at yumuko. Ayokong ipakita sa kanila na mahina ako. Ayokong ipakita ang gusto nilang makita sakin sa oras na 'to.
"Ano Zoey? Di mo kaya? Ako na lang ang gagawa para sayo." Natatawang sabi ng lalaking may dark green na maskara na kakapasok lang sa loob.
Napaangat ang tingin ko sa lalaking nagsalita.
Hayop ka talaga Kizaru!
Pero anong sabi nya?
Zoey?"Hindi ko alam!! Hindi ko magawa!!!" hiyaw ng babaeng mahal ko na lumingon kay Kizaru. "Ayoko na, hindi ko kaya"
Tinignan nya kong muli ng masama saka binitawan ang baril at tumakbo na palabas.
Nabingi ng halakhak ni Kizaru ang buong silid. Lumapit sya sakin saka umupo para magpantay kami.
"Anong masasabi mo? Masakit ba?" nakangising tanong nya.
"Bakit Zoey?" sagot ko sa tanong nya.
Ngumisi lang sya bilang sagot.
Tangna ano bang nangyayari?!
Tumayo na si Kizaru at lumakad na palabas. Bago tuluyang lisanin ang silid na ito ay huminto sya.
"Umpisa pa lang to Pits. Maghanda ka sa poot ko!" at tuluyan na syang umalis.
BINABASA MO ANG
OVER AGAIN (On-going)
Teen Fiction"MAHAL KITA ALAM MO YAN! Hindi, hindi naman nawala eh. Pero siguro nga hanggang dito nalang. Sana palagi ko pa ring makita ang mga ngiti mo kahit wala na ko sa piling mo." Napangiti na lang ako ng mapait. "I think, it's OVER. AGAIN" -Yuhi Montaner