1. First strike

150 3 19
                                    

Yuhi


Nagising akong mag isa sa maliit na kama. Gamit ang matinis kong boses ay pasigaw kong tinatawag ang taong katabi ko bago matulog.

'Ma!' 'Mama ko!'

Sa namamaos kong tinig ay pilit ko pa ring isinisigaw para lamang umasang may dadating para yakapin at patahanin ako. Ngunit wala. Gamit ang maliliit kong kamay ay pinunasan ko ang mga luhang kumakawala at ayaw nang tumigil pa.

"Anak gumising na, alas singko na. Malalate ka nanaman nyan". Rinig kong boses ni papa.

Jeez! I hate Mondays.

"Hmmmm inaantok pa ko Pa, tulog muna ko saglit, 5 mins." Sabi ko nang di man lang dinidilat ang mata.

Ilang oras pa lang yata ako nakakatulog at ang bigat bigat pa din ng mga mata ko.

"Anak di ka paba babangon? 5:30 na!"

Agad agad naman akong napabangon at inabot ang cellphone na nasa lamesa sa gilid ko. Pagbukas ko ay tumambad sakin ang mukha ng iniidolo kong Kpop idol na si Do Kyung Soo habang ang oras na nakasulat ay 5:05 am.

Hay nako! Si papa talaga ang oa lagi sa oras. Alas-sais kase ang pasok ko at alam nyang hindi lang isang oras ang naigugugol ko sa paghahanda sa pagpasok. Medyo makupad pa naman ako kumilos.


Bumangon na ko dahil ayokong malate. Kinukuha ng guard yung ID ng mga nale-late at pahirapan yun makuha sa Guidance Office dahil parang pang blockbuster movie ang pila. Nakakaloka.

Di kami mayaman at di rin malaki ang bahay kaya hindi ko na kailangang lumakad ng malayo para makarating sa kusina. Simula kasi nang mawala si mama ay hindi na sya nag abala na palakihin pa ito tutal kaming dalawa lang naman ang umuokopa dito.

Pagkaupo ko sa lamesa ay may nakahanda na agad na pagkain na hindi ko naman na ipinagtaka dahil araw araw ay ganoon na. Sa umaga ay ipinagluluto nya ko bago sya umalis para magtrabaho. Yes, my father is a loving and caring man kaya hindi ko malaman pano sya nagawang iwan nung babaeng yon. Still I salute my Papa.

Kumain ako, nagsepilyo, naligo at nagbihis. Pinagmasdan ko ang sarili matapos kong maayos ang aking kurbata na kulay berde, pinagpag ko ang ilang hibla ng buhok sa aking puting uniporme at bahagya kong hinila ang palda kong mas mataas sa aking tuhod na checkered green din tulad ng necktie nito. Hindi naman ako mahilig maglagay ng koloreta sa mukha at buhok kaya nang matapos na sa pagbibihis ay humingi na ako ng baon kay Papa at inabutan naman nya ko ng singkwenta. Sapat naman na sa akin yon dahil hindi naman ako namamasahe papasok at pauwi. Hinalikan ko muna sa pisngi ang aking ama saka binigyan ng matamis na ngiti bago nag paalam. Bakas naman sa mata nitong masaya sya na makita akong masaya matapos ang ilang taon naming paninibugho.


Habang naglalakad ako ay nakikita ko ang ilang bulinggit na estudyanteng kasakasama ang kani kanilang magulang sa pagpasok sa eskwela. Ni sa hinahap ay di ko matandaang naranasan ito kahit nung akoy nasa ika unang baitang. Napangiti ako ng mapait. Buti pa sila. Swerte sa nanay.

Buzzer beater ang pagdating ko sa gate ng school namin. Di ko namalayan na napatagal pala ang pagtitig ko sa nadaanan kong private school kanina kaya naman hinataw ko ng takbo ang daan patungo sa aming paaralan.

"Good morning po." Hinihingal kong bati sa bantay sa gate.

"Aba ang swerte mo day at kaka alas sais palang. O sya pumasok ka na sa klase mo" Natatawang sabi ni manong sa halos pauwi ko nang itsura.

OVER AGAIN (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon