Vince Allen
Kanina pa ko nasa likod ni Yuhi pero di nya man lang maramdaman ang presensya ko. Gusto ko sanang itanong kung sino ba yung tinutuloy nya kagabi at kung may ibig sabihin ba na sa akin nya iyon sinabi.
Habang nagtitingin ako ng meme bago matulog ay bigla na lang nagpop ang chat head ni Yuhi Montaner
Yuhi: Yow. Tulog ka na?
Himala yata at chinat ako neto.
Bagaman gulat ay di ko maiwasang mapangiti at agad sumagot ng Nope. Bakit?
Kahit ang meme na nasa harap ko na tungkol sa lalaking kilala sa linya nyang 'Mga Bobo' ay hindi ko na magawang tawanan sapagkat naiinip akong maghintay sa reply ni Yuhi.
Yuhi: ahh yung sagot sa #3 sa science, alam mo ba?
Agad agad naman akong napabangon at hinalungkat ang science notebook ko.
Ako: Ahh. Oo eto. IODINE, AMERICIUM,INDIUM, LIVERMORIUM
Yuhi: Eh di ba yung Symbol daw yung hinahanap?
Ako: Baka lang kasi kailangan mo rin nung buong meaning nila. Heto sagot ko, I Am In Lv.
Napakamot nalang ako sa aking kilay. May internet naman sila Yuhi kaya imposibleng hindi nya to masagutan.
Yuhi: me too ;)
Anong me too? Ganon din sagot nya?
Ako: huh? Anong me too?
Dalawang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring reply si Yuhi. Hays. Akala ko ay magkakausap na kami nang matagal.
Bago ko patayin ang aking cellphone ay biglang lumabas ang kanyang chat head.
Yuhi: I am inlove.
Bumangon ang kyuryosidad sa akin kasabay ng pagkawala ng aking antok.
Ako: Ha? Kanino naman?
Wala pang isang minuto ay nakapagtipa na sya.
Yuhi: Joke lang! Peace. Goodniiiight!
Yuhi Montaner active a minute ago.
Di agad ako nakatulog at inisip ang sinabi nya.
Di naman kaya... Shit hindi pwede!
1am na ko nakatulog kaya nalate ako kanina, kakaisip kung sino ang tinutukoy nya at kung ako man yon, sana ay huwag naman.
Kaya naman kinalabit ko nalang sya. Nagulat ako nang bigla syang umubo at parang di makahinga kaya naman inabot ko ang nakalahati kong tubig dito na agad naman nyang inabot saka ininom. Masama ang tingin nitong nilingon ako. Napaatras ako bahagya dahil akala ko ay susuntukin nya ako. May pagkabrutal pa naman to minsan. Naalala ko nung grade 10 kami at talaga namang close pa sa isat isa.
Sinubukan kong agawan sya ng paborito nyang french fries na binili nya sa canteen. Sampung piso lamang yon kaya naman kakaunti lamang ang bigay.
"Grabe luging lugi naman sampu ko dito. Di pa yata aabot sa lalamunan ko to e." Reklamo ni Yuhi habang ngumunguya at papalabas na kami ng canteen.
"Ganon ba? Sige paabutin natin hanggang dila mo nalang." Sabi ko sabay dukot nang halos kalahati sa fries nya.
Dahan dahan pa niya kong nilingon non then she glared at me. Sinubukan kong pigilan ang tawa ko dahil baka lalo lang mainis. Mukha na kasi syang umuusok na biik kaya di ko na rin talaga napigilang matawa.

BINABASA MO ANG
OVER AGAIN (On-going)
Teen Fiction"MAHAL KITA ALAM MO YAN! Hindi, hindi naman nawala eh. Pero siguro nga hanggang dito nalang. Sana palagi ko pa ring makita ang mga ngiti mo kahit wala na ko sa piling mo." Napangiti na lang ako ng mapait. "I think, it's OVER. AGAIN" -Yuhi Montaner