I'm interested

82 4 2
                                    

Entitled: Past

=============================================================

Ilhoon's Pov

" Hello :D " bati ko kay Hime

Math class namin ngayon  . 

well tulala ang ate niyo . 

Nilingon niya ako

" Baket? " tanong niya sakin

" bakit ka tulala? " tanong ko sa kanya

" Wala lang . . " malungkot  na sagot niya

" weh ? " bigla namang sabat ni Sungjae habang naka akbay sakin

" >____> kulit niyo ! . . . kung gusto niyo talagang malaman wag kayong mag-iingay ahh! " sabi ni Hime

nag nod lang kaming dalawa ni Sungjae

" Nag-aalala ako kay ate, kasi -" 

Hime's POV

" Okay bring out your books and turn it to page 24 " YahT___T

 ... biglang dumating si Sir kaya hindi natuloy yung sinasabi ko kila Sungjae at Ilhoon

binulungan ako ni Sungjae na nasa likod ko lang

" mamaya mo nalang ikwento samin pag wala na si Sir ^_^ " sungjae

nagnod ako at tinuon ang tingin ko kay Sir. Haaay~~ buhay nga naman  napaka matago kasi ng kapatid ko pati kuya at magulang namin di na alam kung anong gagawin.

(King A/N: YOW! fast forward)

    Pagkatapos ng klase namin kay Sir nilapitan ako agad ng dalawa. Kumuha pa nga sila ng upuan at tinabihan ako ehh.

 " Okay game !! ano na? ituloy mo na kwento mo :DD " parang  batang tanong sakin ni Sungjae 

Excited silang dalawa ni Ilhoon.

Nag sigh muna ako  at nagsimulang magkwento.

" Ang totoo kasi nung 1st year college si ate tasha siya ang ginawang vice captain ng Morton Academy Womens Basketball team. Siya ang tinatawag na strategiest and over all position ng team. Magaling si ate kahit anong possition kaya niya at hindi mo siya mapipigilan sa pagshoot ng bola lalong-lalo na kung malakas ang kalaban nilang team. Ang captain nila ay masmalakas pa kay ate ng mga panahong ito.

Ang tawag nga sa Captain nila ay The 3rd Queen dahil siya ang pangatlo sa pinakamalakas at pinaka magaling na babaeng Basketball player ng Pilipinas sa lahat ng universities. Fourth year college na ang Captain nila at malapit ng grumaduate kaya kinailangan nilang pumili ng bagong papalit na Captain. Lahat ng may kakayahang maging captain ay nakipag one on one sa captain. Sa limang nakipag one on one sa captain si ate tasha lang ang nakatalo dito. 

May time limit kasi sila 5 minutes at kailangan makalamang ka ng 10pts sa captain.

Never pa kasing nakipag laban si Ate sa mga team mates niya dahil palagi syang wala sa practice. Huling nakipag one on one si ate tasha. Eto ang score ng bawat laban

First game: captain: 52pts , Unknown: 29pts

Second game: Capatin: 57pts, Unknown: 30 pts

Third game: captain: 49pts, unkwon: 20 pts

Fourth game: 66pts. Unknown: 50 pts

Fifth game: Captain: 50 pts Tasha: 110 pts

That time natakot ang captain kay Ate dahil sobrang galing pala nito sa basketball at mas malakas pa sa basketball players ng mga boys.Pagkagraduate ng Captain nila agad ipinasa kay Ate tasha ang position na Captain. That time naging coach nila si Rain Perez ang lalaking sumira sa pangarap ng ate ko. 

Na---"

Naputol ang kwento ko dahil nagtanong bigla si Sungjae

" That reminds me. May nabalitaan ako tungkol sa womens basketball. Matagal na to bago magsimula ang laro sa World cup. Diba 13 divisions ang team name? nandoon lahat ng magagaling na players. sino doon ang ate mo? "    si Sungjae

T_T di pa kasi ako tapos magkwento ehh

"Teka lang excited? . .  Pangarap ni ate makasama sa WNBA o Womens National Basketball Association para iangat ang mga pilipino kaya pinag-igihan niya ang pagpapractice at pagpapalakas para sa pangarap niya. Dahil sa lakas ni Ate at ng team natalo nila ang dalawang pinakamalakas na team ng bansa.Nakilala ang Ate ko sa pangalang Silent Destroyer ang Captain ng 13 Divisions. 

Bago nabuo ang 13 divisions nanalo ang team nila ate sa Inter high at winter cup.Nakatanggap ng tawag si ate tasha galing sa WNBA para sumali sa World cup. Sa tuwa ni ate agad niyang ipinaalam sa lahat ang balita at sinimulan ang training at isang linggo ang nakalipas nabuo ang 13 divisions. Tinawag na 13 divisions dahil bawat school dito sa pilipinas ay may kinikilalang  3 greats, 4 queens, 5 beastat 1 silent destroyer. That makes them 13. Naging Silent Destroyer si Ate dahil hindi namamalayan ng kalaban na tinatalo na pala sila ni ate. 

5 days before magsimula ang opening ng world cup, pumunta na ang team ng 13 divisions sa America at ang coach nila ay si Rain Perez. Nung magsisimula na ang first game naging maganda ang laro. Malaki ang lamang ng 13 divisions kaya sinunod na nila ang 2nd, 3rd 4th na ganon din ang lamang hanggang sa nag-advance na sila sa championship. 

3 days before championship.

.

.

Nakarating kami ng America. Kasama ko ang kuya at mga magulang namin dahil sa nabalitaan namin. Sinugod sa ospital si Ate Tasha. " ako

Gulat naman ang expression na nakita ko sa mga mukha nila ilhhon at Sungjae

"O-ospital? Bakit? " nag-aalalang tanong ni Ilhoon

  " Nung binisita namin ang ate ko sa Ospital kritikal ang kondisyon niya. Nagtamo ng matinding bali ang right joint niya sa tuhod,Matindi din ang sugat ni ate sa ulo kaya nacomatose siya ng 2 weeks. Nung nagising si Ate tapos na ang laro sa world cup. Iyak ng iyak si Ate dahil sa nangyari. Kinuwento din saamin ng mga team mates niya ang nangyari. Sabi nila, Yung perang hawak ni Ate tasha na $400,000 ay ninakaw ni Rain Perez para ipangpusta sa laban. Nung nalaman ni ate yun hinabol niya sa casino si Rain Perez. Naabutan ni Ate doon si Rain Perez kaya kinausap niya ito pero ang ginawa ni Rain Perez ipinatawag niya ang security at ipinatapon si ate sa labas ng casino. Sa may kalsada iniwan si ate. Sakto namang may paparating na sasakyan na mabilis ang takbo  ayun nasagasaan si ate na kakatayo palang mula sa pagkakaupo sa kalsada nung iniwan siya doon.

Win by default ang nangyari sa world cup. Hindi kasi pwedeng makapaglaro ang isang team lalo na kung kulang sila ng player."

" What the! ilang taon na ang nakalipas matapos ang aksidente? "  tanong ni Ilhoon

" Six years na ang nakalipas mag se-seven years na" ako

" Kumusta na ang tuhos ni Ate? still recovering pa ba? " tanong ni Sungjae

"nope. Magaling na si ate" ako.

" Buti naman. sayang naman pangarap ni ate. Mabisita nga sya mamaya" si sungjae

" SHH! oi! wag mong mababanggit ang tungkol dyan sa past niya ahh ! magagalit sakin yun! " ako

Nag shh sign siya tapo ngumiti sy asakin.

mapagkakatiwalaan ko naman siguro sila :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One (A BtoB Fan fiction ) [ on hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon