Chapter06 : Advice

7.7K 309 60
                                    

Dedicated sayo :D

_

Baekhyun's POV

Kanina pa wala Chanyeol dahil sa date nila ni Sandara. 9 o'clock na ng gabi pero wala parin sya. Tulog na si Jesper at ako naman ay nakatunganga dito sa loob ng kwarto ko. Hindi pa ako natutulog kasi hinihintay ko pa si Chanyeol. Habang nagiisip ng kung ano-ano, naalala ko yung singsing na binigay ni mrs. Park kay Chanyeol noong buntis pa 'ko. Nasan na kaya 'yon? Tinago nya kaya?

Lumipas ang ilang minuto at narinig ko na ang sasakyan ni Chanyeol. Tumayo ako mula pagkahiga at bumaba ako para salubungin sya. Binuksan ko ang pinto at nakita ko syang paparating na. Pumasok sya na para bang walang nadatnan na Byun Baekhyun. Napakunot ang noo ko at nilapitan ko sya.

"Kamusta ang date nyo nung kalans-- si Sandara?" enebe? kung natuloy ko 'yon siguro nasapak na ko. Tumingin sya sakin "You don't have to ask, it's none of your business" sabi nya. Ano to? kanina ang bait-bait nya tas ngayon biglang sumungit T_T. Lumapit ako sakanya at nakita ko sa kamay nya 'yung singsing na binigay ni mrs.Park.

"Bakit suot-suot mo 'yan? Nasaan na yung isa?" tanong ko. Umiwas sya ng tingin sakin "Ba't ba ang ingay mo,ha? Matulog ka na nga!" sabi neto at pumunta na doon sa hagdanan. Lumapit ako sakanya "Mahalaga ang singsing na yan,Chanyeol! hwag mong sasabihin saking nawala 'yon!" sigaw ko dito. "Ba't ba kailangan na kailangan mo 'yon, ha?! Pwede ba, layuan mo na 'ko! Pagod ako,Baekhyun! 'Wag mo akong inisin!" sigaw nya.

Agad akong tumakbo papunta sa harap nya "Chanyeol, nasan na ba kasi?!" . Akala ko sasagot sya pero nilampasan nya lang ako. Pumasok sya sa kwarto nya. Pumunta ako sa harap ng pintuan ng kwarto nya "Chanyeol, 'pag hindi mo sinabi kung nasan na 'yon, isusumbong kita kay mrs.Park!" pasigaw kong sabi. Nilapitan nya ako "Nakay Dara! Sinabi ko na! Oh, masaya ka na?! Mahal ko sya kaya sakanya napunta ang singsing na 'yon! Lumayo ka na nga sakin,Baekhyun!"

'di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa mga mata ko. Sinarado nya ang pintuan nya sabay ng malakas na 'bang'. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang biglang marinig kong umiyak si Jesper. Agad akong tumakbo papasok sa kwarto nya.

Binuhat ko sya at pinatahan ko sya pero hindi parin sya tumigil sa kakaiyak. Napahikbi na rin ako kasabay ni Jesper. Bakit ba ganito? Ang hirap.

Tumahan na si Jesper sa pag-iyak kaya binalik ko na sya sa higaan nya. Nilagay ko na rin yung ibang unan sa gilid nya para hindi sya mahulog. Lalabas na sana ako ng kwarto pero nakita ko si Chanyeol sa may pintuan ng kwarto ni Jesper. Hindi ko na sya pinansin at nilagpasan ko nalang sya. Pumasok ako sa kwarto ko at sinarado ko na ang pintuan ito. Humiga na 'ko sa kama at dun ako umiyak.

Ba't ba kasi kay Sandara nya pa iyon binigay? Pano 'pag nalaman ni mrs.Park?

Lumipas na ang ilang oras at 'di ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako.

_

Nagising ako sa liwanag ng sinag ng araw. Agad akong tumayo sa higaan ko at nagunat-unat. Niligpit ko na rin ang higaan ko tsaka lumabas ng kwarto. Pumasok ako sa kwarto ni Jesper pero wala na sya doon. Nag-panic ako nung una kasi 'di ko alam kung nasaan na  sya. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto nya pero nung makarating ako sa harap ng kwarto ni Chanyeol ay nakita kong sakanya pala nakatabi si Jesper. Gumaan ang loob ko sa nakikita ko pero 'di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot.

Bumaba na ko at pumunta sa kusina.  Maya-maya ay nagring ang cellphone ko. Sinagot ko eto.

[Baekhyun, mag-usap tayo, please? meet me at our first dating place. I'll wait for you. Kapag hindi ka pumunta, hindi parin ako aalis! Mag-hihintay ako.]

Inend nya na ang call. Pupunta ba 'ko doon? Kailangan ko pa bang kausapin si Sehun?

Pumunta ako sa kusina at nagluto ng breakfast and after that I prepared it on the table. I sat down thinking of what Sehun said earlier.

Lumipas ang ilang minuto ay nakita kong bumaba na si Chanyeol habang karga nya si Jesper. Umupo sya sa harap ko habang  nakalong sakanya si Jesper. Kumain kami ng sabay sabay pero walang umiimik, tanging ingay lang ni Jesper ang maririnig mo. Natapos na kaming kumain at pinaligpit ko nalang 'yon sa mga kasama namin. Wala kasi ako sa mood.

Chanyeol prepared for his work. Umalis sya ng 8:30 ng umaga. Naisipan kong pumunta muna sa bahay ni Kyungsoo para humingi ng advice para sa kung ano ang gagawin ko mamaya. Sinama ko si Jesper papunta sa bahay nila Kyungsoo.

Pinindot ko yung doorbell sa bahay nila Soo, ang taray T_T may pa-doorbell-doorbell pa. He opened the door tas agad nya akong niyakap. "Baekhyun! Ang tagal nating 'di nagkita!" ano daw? Eh, last week pumunta kaya ako dito! "Jesper!!! Parang tumaba ka?" napakunot nalang ang noo ni Jesper nang marinig ang pangalan nya.

Pumasok kami sa loob ng bahay nya at umupo sa mahaba nilang sofa. Binigyan nya ako ng juice at si Jesper naman ay binigyan ng malambot na cookies. "Ba't nga ba kayo nagpunta dito?" tanong nya. "Hihingi lang naman ako ng advice sayo." ani ko.

Nagulat nalang ako nang bigla syang tumayo at kumanta . "Madam Kyungsoo, ako naman po please ang inyong payuhan sa pag-ibig o kasaysayan at nang buhay ko naman ay gumaan~" patuloy nya paring kinanta yung kanta nya na ewan ko ba kung ano tawag dun T_T

"Si Madam Kyungsoo ay may taglay na kagandahan~ Madam Kyungsoo!" napapoker face nalang ako. Gusto ko syang tusukin ng eyeliner ko! Mas maganda pa 'ko sakanya eh!

Napaupo naman sya sa harap ko habang nakangiti, yung ngiting abot tenga. "Oh, ano ba yung problem mo?" tanong nya. I bit my lips. Bakit ba sakanya pa 'ko hihingi ng advice? "Kasi Soo.. May---"

"Buntis ka nanaman?! emeghed! Ang lakas nyong dalawa! wet- yung problem mo alam ko na! Hindi mo alam kung ano yung ipapangalan sa anak nyo 'noh? BWAHAHAHAH"

Pigilan nyo ko! Pigilan nyo ko! T_T

"Soo, hindi ako buntis litsi! Yung problema ko.. uhmm.. Sehun is.. uhmm.. Sehun wants.. uhmm.. may dictionary ka ba? Ano ba english nung--" napatigil ako nang binigyan nya ako ng isang set ng makakapal na libro. I gave him a 'gagu-ka' look. Pano ba naman kasi! Dictionary hinihingi ko, hindi encyclopedia.

"Seryoso na 'ko! Inaaya ako ni Sehun na lumabas mamaya kasama nya! Gusto nya na ring makipagbalikan sakin!" sigaw ko. Naiinis na talaga ako,woo! Napakagat naman sya sa kuko nya habang nagiisip ng maisasagot. "Uhm. Ano ba baek yung nararamdaman mo para kay sebulge-- I mean Sehun na 'yon. Mahal mo pa ba sya?" tanong neto. Umiling ako para sa sagot. "Kung hindi mo na sya mahal.. pumunta ka parin doon at sabihin mo ang totoo mong nararamdaman. Sabihin mo sakanya na hanggang friends nalang kayo dahil 'yon ang totoo.. hindi ka nya pwedeng pilitin." tumango nalang ako.

"Tell him na -- asdfghjkl--" nagsuka si Kyungsoo sa harap ko. Hala?! anong nangyari sakanya?! Agad naman akong lumapit sakanya at hinimas-himas ko ang likod nito. "Soo! Na food poison ka ba?!" tanong ko. Umiling sya.

"Juntis ako"

_

T B C

Walang kwenta ang chapter na itu *^* lufet ng advice ni madam soo xD

well, let see if mader Soo's advice will help ;)

Why so cold, Daddy?  {MPREG} [ChanBaek]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon