Chapter 1

58 1 2
                                    

Kaitlin's POV

"kuya, dun muna ako sa rubber shoes section ah! itext or puntahan mo nalang ako dun pagtapos ka na diyan"

"sige!"

Nandito kami ni kuya ngayon sa Mall para bumili ng sapatos niya para sa bagong work niya. Kakagraduate lang kasi nya ng college at gusto ni mommy na paghandaan ng bongga ang unang trabaho ni kuya.

Ako nga pala si Kaitlin, Kaitlin Richards. Fil-Am. Pinay ang mommy ko. Mayaman kami pero hindi kaming pinalaking spoiled ni mommy, kaming dalawa ni kuya kasi kahit daw hindi kami pure filipino, gusto nyang gumalaw kami as filipino not like those kids in states na kung umasta eh ang siga siga. May sarili kaming company at dun magtatrabaho si kuya na magsisimula na sa lunes (setting: friday)

Kung napansin nyo kanina na sinabi ko kay kuya na pupunta ako sa rubber shoes section, yes! mahilig ako sa rubber pero hindi ako boyish sadyang trip ko lang ang rubber shoes kesa mga matakong nga sapatos. Bakit ba gusto ng iba ang matakong eh ang hirap ilakad nun buti pa ang rubber shoes comfty pa.

*****

Pagdating ko sa rubber shoes section, may nakita akong isang cool na sapatos! kulay violet na parang galaxy ang design! (see the picture) kyaahhh! i want it so bad kaya nilapitan ko ang sapatos at limited edition pala to tapos may last pair na! hala! I need to get this last pair! Tiningnan ko yung size at sakto na size 8 kaya kinuha ko na at papunta sa counter para bayaran. Hindi ko nalang hihintayin sila kuya kasi baka makuha pa to ng iba, last pair na kaya to! then suddenly, natapilok ako! para hindi ako matumba, sinuporta ko ang aking dalawang kamay na naging dahilan para mabitawan ko ang sapatos na dala ko.

Nang makatayo na ako, nawala ang ang sapatos na hawak ko kanina

"hala ka! nasaan ang sapatos?"

hinahanap ko kung saan possibleng nandoon ang sapatos pero wala. Tapos may nakita akong isang lalaki na hawak yung sapato at malapit na siya sa counter. hindi pwede to! akin yun! ako ang naka una nun! Pero bakit ang bilis nya? nabitawan ko lang saglit, nakuha na nya agad at hindi ko pa yun napansin. Grrr! leche flan naman oh! 

"Hoy! Hoy! lalaki!" sigaw ko! pero hindi pa rin humihinto o lumilingon! nako naman! hindi pwede to! wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao dito basta ang importante sa akin eh yung sapatos!

"Hoy! Lalaking matangkad na naka kulay blue na may dalang sapatos!" sigaw ko habang tumatakbo patungo sa lalaki. medyo malayo na kasi siya! sigaw ako ng sigaw pero ganun pa rin! hala ka! malapit na siya kaya binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa naabutan ko siya at kinalabit. kaya pala hindi niya ako marinig kasi naka headphones! grr!

"Akin na yung sapatos ko!" sabi ko na hinihingal

"ano?" 

"sabi ko akin na sapatos ko!" hinihingal ko pa rin na sabi pero nakatayo na ako ng maayos.

"ano?" sabay tanggal sa headphones niya. Buti naman naisipan nyang tanggalin yun para naman makapagusap kami ng maayos.

"SABI KO, AKIN NA YANG SAPATOS KO!" sigaw ko. kainis siya ah!

"ito?" 

"malamang! sa tingin mo hahabulin kita kung hindi yan ang tinutukoy ko?" sabi ko na medyo naiinis

"I saw this first so, this is mine. so, ityou'll excuse me, aalis na ako at babayaran ko to"

pagtapos niyang sinabi yung ay naglakad siya. aba't sino nagsabing siya ang unang nakakita nun? porket nabitawan ko lang? hindi pwede to!

"excuse me mister, ako ang unang nakakita ng sapatos na yan! nabitawan ko lang saglit tapos kinuha mo na! " sabi ko at hinili ang pares ng saptos sa mga kamay nya pero hindi niya binitawan sa halip at mas hinigipitan nya ang pag hawak sa sapatos. Patuloy ko pa ring hinila hila ang sapatos pero sadyang malakas siya.

"bitawan mo nga! akin to sabi eh!" sinigaw ko sa kanya. alam ko pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pero wala akong paki alam.

"don't make a scene here! pinagtitinginan na tayo oh! nakakahiya na! as I said, sa akin na to! kaya hindi ko to bibitawan. kung gusto mo, ikaw ang bumitaw!"

"lampake kung nahihiya ka na! tsaka ako bibitaw? never! hangga't hindi napupunta sa akin ang sapatos na yan! kaya bitawan mo na!"

"ayoko! akin to!"

"hindi! akin to!"

"akin nga to sabi eh!" 

nagsisigawan pa rin kami dito pero walang gustong bumitaw.

"ate ganda! kuya tangkad!"

may narinig akong boses, dahil sa curiosity ko, nilingon ko yung may ari ng boses na yun. ganun din tong lalaki sa tabi ko. so, kami nga ang tinatawag nya. babae siya. maganda, maputi nasa 13-14 yrs old siguro ang edad nito. ano naman kaya ang kailangan nya?

"hihihihi! alam nyo...." habang papalapit sa amin tapos hinawakan ang sapatos."hihihi! bagay kayo! :))" nashock kami sa sinabi nya! yes! kami! kasama tong lalaking nasa harapan ko. Dahil sa pagkashock, hindi namin namalayan na lumuwag yung paghawak namin sa sapatos at kinuha na pala yun ng bata. 

Tsaka ko nalang, no NAMIN napansin na pareho kaming nakatulala. pareho kaming nagulat sa sinabi ng batang babae.  Nung nakabalik na sa kami sa katinuan, tapos na! nakapagbayad na yung bata. hay nako! useless rin pala pakikipagaway ko! aish! maka alis na nga! tapos nag lakad na ako palayo!

"hoy! ano? iiwan mo ako dito? pagtapos nang gulong ginawa mo?" 

napahinto ako sa sinabi nya at lumingon sa kanya

"malamang! ano gusto mong gawin ko sayo? tsaka gulong ginawa ko? eh kung hindi mo inagaw sa akin yung sapatos, wala sanang gulong nangyare at nasa sa akin ang sapatos KO!

Nakatingin lang siya sa akin na naka poker face habang sinisigaw ko yan!

after ng nun, naglakad na ako palabas ng department store at pumunta sa chowking para kumain ng halo halo at magpalamig.

"grabe! nakakbwisit talaga yung lalaking yun! argh!"

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ng halo halo at noong naubos ko na yun, tsaka ko lang naalala sila kuya!

"hala ka! patay nakalimutan ko sila kuya! nandoon nga pala sila sa department store!"

kinuha ko ang phone ko at tinignan ito, may 8 misscalls galing kay kuya at mommy.

tinawagan ko na lang si kuya.

PHONE CONVO

me: hello! kuya!

kuya: kate! (nickname short for 'kaitlin') nasan ka na ba? kanina ka pa namin hinahanap!

me: nandito ako sa chowking nagpapalamig!

kuya: hay nako! di ka man lang nagtxt! kanina pa kami nag aalala kung nasan ka. bumaba ka na dito sa parking lot nandito na kami ni mommy

me: oo eto na pababa na.

then binaba ko na ang phone

*****

"hay salamat! dumating din! tara na! dun daw yato kina lolo magdidinner. May announcement din daw sila" sabi ni kuya

napalunok ako noong sinabi nyang kila lolo. bakit? kasi natatakot ako kay lolo. strikto kasi siya eh. pero magkavibes sila ni kuya! hay! 

"ok" yan nalang ang nasabi ko

Who's the Cupid?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon