Isang bagong umaga. Kasiyahan ng mga tao ang aking nakikita sa pagkat ang araw na ito ay ang araw ng graduation day ng kapatid kong si Aida.
Habang nag-iisang nakaupo sa bleacher sa loob ng gymn, may biglang ala-ala na pumasok sa aking isipan. Mga masasamang ala-ala na pilit kong kinakalimutan sa pagkat ayokong magtanim ng galit kaya gusto ko ng ibura ang ala-ala na yun at ang tao sa loob ng mga ala-ala na yun. Naganap ang pangyayari na yun sa araw ng graduation ng ate ko sa kolehiyo.
Araw ng Biyernes sa Marso, 2009, abala ang lahat sa paghahanda sa magaganap na okasyon. Inutusan ako ni mama na tawagin si Kuya Billy sa pagkat sya ang magdadrive sa aming kotse sa pagkat wala pa si ama sa mga oras na yun kaya si Kuya Billy muna ang magmaneho sa kotse namin.
Alas siete na ng umaga, nang may hinintay kaming ibang kasama na sasakay sa aming kotse, yun ang aming kapit-bahay. Subalit, kay tagal nilang dumating, hindi sila tumupad sa oras na aming pinagkasunduan kaya umalis kaming wala sila kasi baka mahuli pa kami sa programa.
Pagdating doon, tinawagan namin si papa sa cellphone upang tanongin kung saan na sya. Pero bago pa nya nasagot iyon, nakita na namin sya, palapit samin.
Bago nagsimula ang programa ng graduation day ni ate, may kutob akong hindi ko naiintindihan tila bang kinakabahan ako at wala ako sa modo. Dahil sa kakulitan ng kuya ko, palaging nangunguha ng picture na walang paalam sakin, siya ang nabuntongan ko sa aking saluobin na hindi ko naiintindihan, nasigawan ko sya ng di oras.
Natapos ang araw na hindi ako masaya kasi nasimulan kasi ito ng pakiramdam na mahirap sabihin sa pagkat hindi ko nga naiintindihan. Pagdating sa bahay, pumasok sa bahay namin si Janice, ang aming kapitbahay na sasabay sana samin kanina subalit hindi sila nakasama sa pagkat hindi nga sila nakarating sa oras ng aming pinag-usapan. Lumapit sya kay ate tapos nagcongrats at nanghiram ng cellphone para makitext.
Lasing si papa sa mga oras na yun, lumapit sya sa min tapos pinapakain na kami sa kusina. Tumanggi si Janice dahil uuwi muna sya.
Maya't mayay, habang nanood kami ng TV, kumatok sa may bintana ang ina ni Janice at si Mama ang tinawag nya. Lumabas si mama, at napansin kong malalim ang pinag-uusapan nila. Tinawag ni mama si papa, pagkatapos nun, may sigawan na ang nagaganap na hindi ko naiintindihan.
Pagkaakto, nakita ko si mama na sinampal si papa at sabay tinanong, “gaano katotoo ang sinabi nila?”
Nakita ko sa mukha ni papa na nagugulohan at walang malay at alam sa pangyayari. “ano bang nagawa ko?”
Sa mga oras na yun, binintangan nilang rapist ang ama ko.
Ang sinabi na lang ni papa sa sinabi nilang pagbibintang, “tawagin nyo ang babae at linawin natin ito ng harap-harapan para mairesolba ang problema nato.”
Umalis na lang bigla ang ina ng babae at nagsigaw-sigawan sa malayo upang pahiyain ang ama ko.
Dahil sa hindi makayanan ng ina ko, napaluhod ito at nagdasal kay Sto. Nino na sya na ang bahala sa lahat. Nais nyang hingin kay Sto. Nino, ang katotohanan ang dapat ang mananaig.
Gusto sa ina ni Janice na sa korte agad mapunta ang kaso. Nagsampa sila ng kaso ng rape. Tapos sinabi ng ina ng babae na hinawakan daw ng pribadong parte ng katawan ng anak nya. Sabi pa, “kaya pala nais mong bigyan ng pera ang anak ko ng pamasahe dahil may intensyon ka na sa kanya”.
Sinagot naman ni mama, “kaya nga binigyan na ng anak mo ng pamasahe para hindi na sya sumakay sa motor namin at sa sinabi mong posibilidad na sitwasyon, paano mangyayari yun, nakaupo sya sa motor sa likod ng asawa ko tapos may dala pang malalaking bag at carton ng libro ang asawa ko at isa pa nandon si Billy ang driver, nakakaalam sa nangyari.” dahil sa prangka ang mama ko at madaling uminit ng ulo, napagsabihan sya ng, “yang anak mo may tamang pag-iisip na yan, college na kung totoo man na nagawa yan sa asawa ko sana tumanggi sya at bumaba sya sinasakyan nya”. Pagkatapos nun, tumahimik ang ina ng babae.
Pagdating sa korte, tinanong ang babae sa buong pangyayari kung ano ba talaga ang totoong naganap. Mabuti na lang inamin nya ang totoo na walang nangyari. At sa mga oras din yun, wala rin silang ebidensya na makapagpatunay sa ginawa nilang mga kwento laban sa papa ko.
Hindi sila humingi ng tawad samin pero pinatawad pa rin sila ng papa ko dahil para kay papa, napagpatawad nga ang Diyos, tayo pa kaya mga tao lamang.
Nalaman ko rin na gusto pala nila, sila ang hingan ng tawad kaya si papa humingi ng dispensa sa kanila pero sila na naman, ang ayaw tumanggap. Napaisip akong bigla, may deperensya ba ang kanilang utak o sadyang pride lang talaga yan. Wala ba silang konsensya? matapos sirain nila ang papa ko, sila pa ang gustong hingan ng kapatawaran?
Nagpapasalamat din ako sa mga tao dahil hindi sila agad naniwala sa mga paninira ng taong ito. Ginamit pa nila ang antas namin sa buhay kung bakit ang mga tao ay kami ang kinampihan. Hindi ko malimot-limot ang katagang sinabi nya, “salig kay datu mo!” na nakapaapoy sa aking kalooban at tenga na tila bang gusto kong manuntok at mansabunot ng buhok.
Sa huli ngang napagtanto namin na pera ang pakay nila at bukod pa dun, may bangayan rin pala ang pamilya nila, sa pamilya nila Kuya Billy. Kaya pala hindi sila dumating sa oras ng pagbyahe papunta sa campus sa pagkat ang driver namin sa oras na yun, kaaway nila.
Yan tuloy, imbes sila ang makakuha ng pera samin, bumaliktad pa ang nais nilang mangyari. Napilitan silang magbayad sa utang nila samin. Salamat ng Diyos, ang katotohanan at katarungan ang pinanalo.
Doon ko napatunayan, may mga tao talagang hindi marunong tumanaw ng utang na loob at kung darating ang araw na hindi sila mapansin, gagawa at gagawa ng paraan para ikay sirain. Doon ko rin na mapagtanto, kahit pamilya pa man at malapit pa yan sa puso mo, wag magtitiwala agad at mag-iingat dahil nabubuhay pa rin ang salitang traydor sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
Mga Puot na Ala-ala
Historical FictionIsa sa pangit na ala-ala na nangyari noon sa buhay ng pamilya ko. Sana sa bawat pagbasa nyo nito, sana mabigay po kayo ng iilan na komento o payo para sa akin.. Maraming salamat mambabasa.