Post 29: What will Happen...

4 0 0
                                    

Hindi mo malalaman kung hindi mo naman

SUSUBUKAN!!! – SaMi

(TT______________TT) naiiyak na ako!!!

April 18, 2013

Thursday, 11:11 PM

My last NIGHT…

My one and only…

49 FAITHFUL MINUTES REMAINING!!!

“SaMi…walang break yun ah ingat na lang tsong!!!”

Paalala ni vhenz sa akin.

Alam kong may oras pa…katangahan na kung katangahan pero susubukan ko pa rin.

Hiniram ko yung dalang bike ni vhenz, kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahit walang break at sobrang dilim ng daan –ZERO VISIBILITY. Gawa ng brownout sa lugar namin, may nasira kasing transformer dala ng init ng panahon kaya lahat, damay damay na. Kahit pwede akong mapahamak sa ginagawa ko wala akong pakialam dahil ang nasa isip ko lang yung mga oras na yun ay ang makapag-online. Mabigay ang number ko at wag SUMUKO habang may oras pa na natitira. Wala man akong mapala, bigo man o luhaan. Ayokong sumuko at magsisi sa bandang huli.

Nandito lang ako

Naghihintay sa iyo

Na mapansin ang aking damdamin

Na para lang sa iyo

Ngayong gabi gusto kong manalo para sa taong minamahal ko…

Kahit mahirap aabutin kita.

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko

Ikaw ang nasa isip ko

Ang nais ko ay malaman mo

Naghintay na ako…

Nahirapan at sumuko na rin…

Sapat na yun kung hindi pa gagawin ko ang lahat,

Dahil ayokong mawala ka sa buhay ko.

Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay

Pag-ibig ko sa iyo ibibigay

Nais ko ay malaman mo

Na mahal kita

Ayoko ng maging malungkot…

Gagawin ko na lahat para maging masaya…

Sana'y pagbigyan ang nadaramang ito

Sana masabi mo na mahal mo rin ako

Gagawin ko yun dahil MAHAL KITA…

After kong mag-bike kung saan saan,

Sa wakas pinalad rin akong makakita ng com shop…

Yun lang pasarado na to ng naabutan ko.

“Kuya saglit lang…5 minutes lang please!!!”

“Dre sarado na kami e…pasensya na!” angal sa akin ng bantay.

Wala ng ibang comshop na bukas sa oras na yun,

Kaya kahit anong tanggi niya pinilit ko pa rin siya.

“Kuya kahit rentahan ko yun ng isang daan…importante lang!!!”

“Wala na talaga e…sarado na e! magagalit na sa akin ang may-ari dre!”

Ipinaliwanag niya rin sa akin na hinihintay na siya ng pamilya niya at mahigpit ang may-ari ng comshop. Mga dahilan na tuluyan ng magpapaalis sa akin. Kaya lang nung mga oras na yun…alam ko na wala ng mas papantay sa isang dahilan na buong puso at hirap kong pinanghahawakan.

Kahit punong-puno ako ng pride sa katawan ko…

At kahit sa panaginip hinding hindi ko gagawin ang bagay na yun!!!

Ginawa ko pa rin,

Lumuhod ako at nagmakaawa sa bantay na parang isang taong mawawalan na ng buhay…

“Kuya maawa ka na…

Importante lang talaga to sa akin…mas mahalaga pa to sa buhay ko!!!”

Sa ginawa ko wala ng nagawa ang bantay at napakamot na lang sa ulo…

Pinagbigyan niya rin ako.

“5 minutes ka lang ah…saglit lang dre ayusin ko lang!”

“Salamat kuya…” gusto ko na sumigaw sa saya,

 Kaya lang biglang tumulo ang luha ko sa narinig ko.

“Kuya wag na lang po…

Salamat na lang po…ito po yung isang daan, pasensya na po sa abala!”

Nakayuko akong inabot ang pera sa bantay dahil hindi ko na siya maharap sapagkat hindi ko na mapigil ang pagtulo ng luha ko.

Alam kong nagtataka na si kuya kong anong nangyari…

Pero mahalaga ba yun sa akin, lalo ng nalaman kong 12:00 AM.

GAME OVER na…tumunog na ang alarm ko!!!

APRIL 19, 2013 ng oras na yun.

Gravity is working against me

And gravity wants to bring me down

“Badtrip…hindi naman ako iyakin pero bakit ganito!”

Ang hirap kasi pigilan ng pagluha ko…

Oh I'll never know what makes this man

With all the love that his heart can stand

Dream of ways to throw it all away

Bakit kong kailangan nagsusumikap ka doon ka pa nabibigo?

Oh Gravity is working against me

And gravity wants to bring me down

Bakit kung kailan nahanap mo na at masaya ka na…

Kailangan mo pa siyang iwanan?

Oh twice as much aint twice as good

And can't sustain like a one half could

It's wanting more

That's gonna send me to my knees

Bakit ba ang sakit sakit…

Mabilis akong umalis at nag-bike paikot-ikot kung saan-saan ni  hindi ko nga alam kong anong oras na at kung gaano ko na katagal ginagawa yun…wala rin akong kung alam kung saan na ako napadpad. basta napagod na lang ako at Bigla na lang huminto, nasa floodway na pala ako.

“BAKIT GANUN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

At isinigaw ko ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko sa lugar na yun.

3:48 AM na ng nakauwi ako.

Tulog na si vhenz sa kama ko at may kuryente na rin nung mga oras na yun.

Kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko sa ginawa ko…

But still hindi pa rin ako makatulog kaya I decided to went upstairs at tumambay muna sa rooftop.

Doon NAG-ISIP ako at nagpahangin.

Kahit parang ordinary lang yung place at oras na yun.

I felt peace and there I experience the most silent time of my life.

I prayed and thank God for the wonderful opportunity na binigay niya sa akin.

And then I smiled!

I don’t know what made me smiled but I know in the depths of my heart I have no regrets and no what ifs…Hindi ko nalaman ang mga  sagot sa mga tanong ko pero sa oras na yun wala na akong mga tanong sa isip ko.

Nabigo man ako pero alam ko hanggang dulo ginawa ko ang magagawa ko.

Ang Facebook Status Ko:

THANK GOD IT’S FRIDAY…

What Happen When You WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon