CHAPTER 26 ~ One ~

102K 1.5K 77
                                    

CHAPTER 26

QUIN'S POV

Napabangon ako bigla. Nagpalingon-lingon ako...hindi familiar sakin yung kwarto kung saan nandoon ako. Kwarto ni Hade.

May mga braso na pumulupot sa katawan ko na nakasuot na ng pajamas. Malamang pinalitan ako ng damit ni Hade kagabi. Hindi ko nga alam kung anong nangyari ang huli kong natatandaan sinabi kung sino yung mga suspect sa mga nangyayari sa amin ngayon.

"Go back to sleep, maaga pa."

Nilingon ko si Hade na nakapikit pa ang mga mata at hinila ako pabalik sa pagkakahiga. Sumiksik siya sakin at hinapit ako palapit sa katawan niya. Its really comfortable here in his arms. Pero marami pa kaming kailangang gawin.

"Kailangan nating magtrabaho."-me

"Craige said we could take a break today. No..ikaw lang pala. May mga gagawin pala ako mamaya. Ikaw..magpahinga ka muna, mag shopping. I know you're already stressed out kaya kailangan mong mag relax-"

"How can I relax? Mag re-relax ako samantalang may gustong pumatay satin. Do you want me to accept that killer with open arms?"

Nakapikit parin si Hade ng hinalikan niya ang tunki ng ilong ko. Sumubsob siya sa leeg ko and I felt him kissed my neck. Namula ang muka ko sa ginawa niya.

"I dont want you to worry too much. Maayos nating lahat to. Mas lalong hindi tayo makakapagconcentrae kung lahat tayo stress na sa kakaisip sa mga nangyayari."-hade

Tinitigan ko si Hade. Tama naman siya. Wala kaming magagawang matino kung lahat kami kabado at stiff. Siguro nga kailangan kong mag shopping. Afterall...its the best way to loosen up.

"Tatanungin ko si Lyly kung gusto niyang sumama sakin. Ang tagal narin naming hindi nagkikita. Baka sakaling sumama yung mga girls."-me

"Good. Who's Lyly?"

"Kaibigan ko sa Yoga Class na sinalihan ko ng mga panahong gusto ko ng baliin lahat ng buto sa katawan mo. Palagi kaming nagkikita non kasama si Jessica at si Fiona na naging kaclose ko din."

The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon