CHAPTER 20
QUIN'S POV
I gritted my teeth. Hindi biro ang lamig dito. Pero hindi ko pwedeng ipahalata kay Hade kung gaano ako nilalamig ngayon. Unang una..sigurado akong ibibigay niya sakin ang jacket niya kahit may suot na ako. Doble kasi ang suot ni Hade ngayon.
"Quin...here-"
"Hindi ako nilalamig. Naiinitan ako..nakakapagod din yung tinakbo natin kanina no." Ngumiti pa ako sa kaniya. Medyo kinakabahan na ako sa kinaroroonan namin. Madilim na kaya hindi namin makikita kung may bangin o kung ano mang hayop ang meron dito.
Natural sakin ang pagiging maarte pero marunong naman makisama ang kaartehan ko ngayon. Kaya ko namang magsindi ng apoy dahil may nakita pa kong lighter sa bag. But I cant risk it....baka makita nila. Gabi pa naman..ang daling sundan kapag may nagsindi ng apoy dito.
Hinawakan ko yung mga kamay ni Hade at kiniskis ko yon sa kamay ko bago ko pinagsalikop at inilagay sa bulsa ng jacket niya. Halatang pagod na pagod na si Hade...pero nananatili siyang gising.
Tumayo ako pero pinigilan niya ako.
"Saan ka pupunta?"-hade
"I'll just run the perimeter."
"No, stay here. Ako na."
Akmang tatayo siya pero marahang tinulak ko lang siya paupo ulit. Mas malakas parin ako sa kaniya kaya kailangan kong samantalahin.
"Mas matigas ang ulo ko kesa sayo Hade kaya wag ka munang umangal ngayon. Punish me later if you want. Just contact the VEIL, please?"
"If anything happens to you-"
"Walang mangyayari sakin."
I leaned down and kissed him bago ako tumakbo paalis. Pinindot niya yung bracelet niya. Hindi na kasi yung phone ang ginagamit namin ngayon...yung tracker bracelet na ng BHO. Inenhance na lang. Papasok yon sa VEIL at sa Experiment Department ng BHO.
BINABASA MO ANG
The Camp: His Secret Agent Ex-Girlfriend (Book 4)
AvventuraNow a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. "I thought I kissed a prince only to found out I kissed a frog prince that will never turn into a prince again." I'm Quin Collins. Hin...