Intense...
"Okay guys magsisimula na tayo,Christian,Lucy at Stephanie ready na ba kayo?" Tanong ng mga directors
"Okay na po kami direct!" Sagot nila
3... 2... 1... Lights,Camera,Action!!!
Mapapadaan si Faith at makikita niya si James na hinalikan sa cheek ni Missy(Stephanie).
"Hah!,Ay naku wala akong nakita!!" -Faith
Biglang itutulak ni James si Missy habang si Faith ay mabilis na lumakad papalayo.
"Tignan mo ang ginawa mo!,Ano ba tong ginagawa mo?" -James
"I really miss you James,Sorry dahil iniwan kita!" -Missy
"No way Missy...Please stay away from hindi na kita mahal at ngayon may iba na akong gusto!" -James
Patuloy pa ring hahabulin ni Missy si James.Habang gagawa naman ng paraan si James para masabi niya ang narardaman niya kay Faith.
Cut... Good job Christian and Stephanie!!!
Pagkatapos ng pagshoot ay pumunta ng C.R. si Christian para maghilamos upang tanggalin ang bakas ng halik ni Stephanie sa kanya.Bubulong si Stephanie.
"Grabe kasensitive!,Akala mo kung sinong virgin,Eh! Napakarami na niyang naging babae!"
Nagselos mode si Lucy kaya umalis muna siya kasama si Trisha at bumili ng pagkain.Hindi man nakikita pero ramdam ng dalawa ang spark matapos ang shoot nila kanina.Kaya parang unti-unti na namang nagbabalik ang pagtitinginan nila.Pagbalik ni Lucy ay agad na kinausap siya ni Christian.
"Lucy..." tawag ni Christian
Biglang lumakad papalayo si Lucy.
"Lucy! Teka lang kausapin mo ko!" sabi ni Christian
"Ano ba yun?" tanong ni Lucy
"Nagseselos ka ba kaya ganyan ka?" tanong naman ni Christian
"Hindi may gagawin pa ako kasi eh,Yan lang ba sasabihin mo?" sabi ni Lucy
"Nagdedeny ka pa,Eh! Halata na!,Alam mo kung lagi kang ganyan tatawagin na kitang denial princess kapag tumgal pa na ganyan ka tatawagin na kitang denial queen!" paliwanag ni Christian
"Che!!!...Dyan ka na nga..." sabi ni Lucy
Pagkatapos ay nagdismiss na ng practice sila.Pag-uwi ni Lucy ay chinat agad niya si Trisha.
"Trisha pano ito nagseselos ako talaga!,Pano kung mainlove ulit sila sa isa't-isa pano na kami?" Sabi ni Lucy
"Grabe kung makapag-react akala kayo na?!" Sumbat ni Trisha
"Hindi pa nga kami pero nagmamahalan na kami!" Paliwanag ni Lucy
"Alam mo kung talagang mahal ka niyan di ka niyan iiwan!" Payo ni Trisha
"So pano kung hindi?" Tanong ni Lucy
"Eh! Di alam mo na!" Sabi ni Trisha
"Minahal ko na siya at ito yung first time na may mahalin ako na mahal din ako" Sabi ni Lucy
"Edi ipaglaban mo!,Mahal mo di ba?!" Sabi ni Trisha
"Pero pano kung..." Bitin na sagot ni Lucy
"Wala ng pero! pero! kung mahal mo talaga siya,Hay yung love story niyo parang kagaya ng kila Alden at Yaya Dub daming pumipigil!" sabi ni Trisha
![](https://img.wattpad.com/cover/29001881-288-k88425.jpg)
BINABASA MO ANG
Agreement With You
AléatoireHATE.Can be somewhere,something or SOMEONE.Bakit ko nga ba siya MINAHAL kung AYAW ko naman sa KANYA.PINAIBIG niya ako,NILOKO at SINAKTAN.Pero isang AGREEMENT lang pala ang LAHAT.May pag-asa pa kaya akong MAKAWALA rito?,at MAAYOS ang buhay ko?.