1

6 0 0
                                    

"Okay, pass your papers."

Sandali! 'Di ako prepared!

"One."

What? Noooo! Pisti.

"Two. When I say three hindi ko na tatanggapin 'yang mga 'yan."

Ano ba naman. Pisti.

Pi-nass ko nalang 'yung papel. Nakakainis. 'Di pa 'ko tapos e. Pisti.

"Three."

Ano ba. Oo na. Three na. Pisti talaga.

"Miss Abulencia! Someone is waiting for you."

Nagulat naman ako dun. Pagtingin ko sa labas, meron nga.

Si Enzo.

Thank you! Mapapa-aga ang labas ko!

"Ma'am, can I excuse myself?"

"Have you passed your paper?"

"Yes ma'am."

"Then okay. You may leave."

"Thank you, ma'am."

Tumango nalang sila.

Ngiting-ngiti ako pagkalabas ko ng room.

Tumawa ako tapos tumakbo papunta kay Enzo na naglalakad na palayo.

"Uy, wait lang!" Sigaw ko at hinawakan ang braso niya.

Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Layo ng layo.

"O?"

Ay? Galit?

"Problema mo?"

Ano nanaman bang meron dito?

"H-ha? Wala." Sagot niya at ngumiti.

Fa-a-ake. Fake.

"Seryoso?"

Tumigil na akong maglakad. Tumigil na rin siya.

"Halika na, wala nga kasi." Sagot nanaman niya habang ngumingiti.

Napa-irap nalang ako sa ginagawa niya.

"Mika, 'lika na kasi!" Pagpupumilit niya.

Nagpapa-cute pa ang gago.

Tinignan ko lang siya ng masama af naglakad na.

"So, kamusta exams?" Tanong niya.

"Ayun, panira parin ng buhay." Naiirira kong sagot. Pisti talaga.

"Chill ka lang." Sabi pa niya bago tumawa ng pagkalakas-lakas.

Adik.

"Magtigil ka nga."

Hinampas ko siya sa braso nung ayaw niya pang tumigil.

Buti nga.

"Aray! Nakaka-ilan ka na ha!" Sigaw niya habang hawak ang braso niya.

Wait lang, natatawa ako.

"Okay lang, mahal na mahal naman kita." Sabi ko nalang habang tumatawa.

Napailing nalang siya at ngumiti.

"Libre mo nga 'ko." Sabi ko nung nakita ko 'yung mga pagkain.

"Uubusin mo nanaman pera ko!" Nangingiting sabi niya.

"'Di 'wag." Sabi ko nalang ang umiwas ng tingin.

Galit kunyari.

Kasalanan ko bang lagi siyang nandiyan 'pag gusto ko ng libre.

Tumawa nalang siya at hinila ako.

"Ano bang gusto mo?"

'To nanaman. Nakangiti nanaman siya. Hindi ba nangangalay panga niya?

"Lahat!"

"Seryoso ka? Uubusin mo na talaga pera ko!" Naiiling niyang sabi.

Tinitigan ko lang siya.

"Tutal cute ka naman, sige na nga." Sabi niya.

"Hindi, napipilitan ka lang e! Shoo, shoo!"

Tumawa lang siya.

Uy, improving! Tumatawa na. Nangalay ata yung panga niya.

"Halika na kasi!"

Ay. Ngumiti nanaman. Nagpahinga lang pala. Ano ba yan.

"Okay, basta ililibre mo 'ko ng lahat niyan!"

"Okay, sige na nga." Sabi niya at ngumiti. Nanaman.

---

Nakaupo lang ako habang kinakagat yung ballpen. Walang klase. May meeting si ma'am. Kaya nagkakaguluhan nanaman ang mga may topak kong kaklase.

"Guys, grabe, tahimik naman!"

"Alam mo, chill ka lang. Dahil wala nang pag-asa 'yang mga 'yan. Andyan na rin si ma'am mamaya. Yaena."

"Fine. "

"Woohoo, gutom na ako!"

"Hoy, pangit ka!"

"Echusero ka talaga, yung bag ko!"

"Guys pengeng papel!"

"Ang iingay naman."

"Hoy, yung mga naglalandian diyan, piso niyo nga, kulang na pamasahe ko!"

"Uy may ginawa akong kanta, pakinggan mo, okay?"

"Talaga? Dali!"

"Good morning ma'am-Joke lang."

"Ang aabnormal niyo."

"Andyan na si ma'am! Promise!"

Nagsiupuan lahat. Pero wala naman talaga si ma'am.

Mga echos.

Kinuha ko yung cellphone ko at headset. Nakita ko nanaman sina Enzo at Cess. Kung anu-ano nanamang ginagawa. Pinakita ba sakin. Walangya. 'Dun pa talaga sila sa harap. Kinamalas-malas ko ba naman eh nakatunganga ako sa harap. Ouch.


Akin lang kasi siya.


Akin lang best friend ko.


Mga utak niyo, jusme.


"Guys, totoo na 'to, andyan na si ma'am!"


"Oo, nakita ko!"


Medyo back to normal ang lahat.


Medyo lang naman.


Normal parin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon