Prologue

2 0 0
                                    

Nakaupo lang ako habang nakatingin sa kanya. Ewan ko ba. Matagal ko naman na siyang nakakasama. Sadya yatang may sira lang ako kaya ang weird ng feeling ko pag kasama ko siya.

Tinignan niya ako at ngumiti. Nakakainis. Yung mata niya. Yung ngiti niya. Nakakainis talaga.

Mas lalong nagiging weird ang feeling.

Ano ba 'to. Nakakaloka.

Dibale.

May sira lang talaga ako.

"Miks!"

Napalingon nalang ako sa direksiyon niya.

Ano ba 'to. Ang weird talaga.

"O?"

Ngitian ko siya kaagad. Hindi naman na kailangan pang pilitin ang mga ngiti pag andyan siya. Feeling ko automatic na akong ngumingiti pag nakikita ko siya.

Baliw na ata ako.

"Punta tayong auditorium! Nood tayo ng practice nila!"

Tumayo naman ako agad.

Ang hirap niyang tanggihan.

Nakakainis. Baka mamaya tanungin niya ako kung pwede ba akong tumalon sa bangin, tumalon nga ako.

"Tara?"

Ang weird talaga.

Ano ba 'tong feeling na 'to.

Lumayo ka nga sakin.

Ang weird.

Anong ginawa mo sakin, Enzo?

Pinakulam mo ba ako?

Ba't ganito ang feeling pag kasama kita?

Halos lagi kitang katabi nung grade one. Pati na sa bahay niyo. Nakiki-'Mama' pa nga ako sa mama mo.

Pero ba't ngayon halos isang ruler na ang pagitan natin pero ganito ang pakiramdam ko?

Kailangan ko atang magpa-check sa doktor.

Mamamatay na ata ako.

"Okay ka lang Miks?"

Magtigil ka.

"Oo naman!"

Hindi. Hindi ako okay.

Ano ba 'to.

Enzo.

Ano bang ginawa mo sakin?

"Miks! Lutang ka na naman!"

Langya ka, Enzo.

May gusto ata ako sayo.

I'm HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon