Nagkitakita nga sila sa isang cafe malapit sa Office ni Margeux. Dahil doon daw sila nito susunduin.
Carlos POV
Ang tagal naming hintay si Margeux. Kahit kelan talaga late arrival yun siya pa naman din ang magsusundo samin dito sa cafe.
hanggang nayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Ang tanga ko nga eh dahil nagalit ako sa kanya dahil nakita ko silang naghahalikan ni JC 2 years ago dun sa mansion nila.
Hindi ko man lang siya hinayaang mag explain agad akong nakipaghiwalay. Pero maling-mali ang ginawa ko dahil sinabi sakin ni JC ang nangyari siya ang humalik dito basta basta. Kaya sisingsisi ako noon pero hindi niya na ako muling tinanggap.
Huli na daw dahil sinaktan ko siya ng todo. Isa akong Malaking TANGA AT GAGO. Akala ko makakapagmove on ako kaagad-agad dahil isa akong cassanova pero hindi pala 2 years ng durog ang puso ko pero ngayon sisikapin kong mapalapit sa kanya muli at ipahayag na mahal na mahal ko pa rin siya.
End of Carlos POV
Readers point of view
Sa wakas at dumating na rin si Margeux. Nauna ng sumakay si Carlos dahil siya ang nagdridrive sa tabi niya ay si Vincent. Sa likod nila sy si Charm at margeux. Sa Pinakalikod ay si JC, Chantal at Ryza.
Dumaan muna sila sa MiniStop para bumili nang makakain nila sa byahe at ibang personal needs katulad ng Napkin, toothbrush at iba pa baka abutin sila ng dalawang gabi doon.
Alas Nueve na nang gabi ng magsimula silang bumyahe. Mga lima hanggang anim na oras papunta sa mansion nila margeux. Masukal ang daan don at madilim pa talagang nakakatakot.
Di katagalan silang bumabyahe ay nakasagasa sila ng batang babae.
O my god sigaw ni Ryza.
Dali-daling bumaba si Carlos, Vincent at Charm.
Ne okay ka lang ba? tanong agad ni Carlos
Wala naman itong malaking damage kasi dahan-dahan lang sa pagmamaneho si Carlos kunting gas-gas lang sa paa at braso, nakatayo pa nga ito ng maayos.
Ahh ok lng o-okay lang ako. Sagot niya
Anong ginagawa mo sa daan, gabing-gabi na ah tanong ni ryza
Kaya nga baka mapahamak ka pa - Vincent
Bakit may magagawa ba kayo? tanong nung bata
Ha? Nasan ang mga magulang mo? tanong ulit ni Ryza
Wala na, wala na akong mga magulang.
Ah ganon ba anong pangalan mo?
The-the-theresa, Theresa ang pangalan ko sagot niya na para bang nauutal.
Ah kung gayon din naman sumama ka na lang saamin. Para matulungan ka namin -Carlos
Si-sisige.
Ryza POV
Grabe parang kakaiba talaga tong bata na to. Yung para bang kada sumasagot siya yung hindi siya sure sa sinasabi niya, pero kahit na ganun hindi naman namin pwede siyang iwanan na lang basta-basta dito sa madilim na daan baka kung mapano pa yun hindi pa kayanin ng kunsensya ko.
Nakakainis talaga tong si Vincent! Kahit anong gawin kong paglalambing sa kanya ay hindi niya naman ako makuhang mahalin, Hindi lang paglalambing ang ibinibigay ko sa kanya lahat-lahat na pati na nga ang pagkatao ko e.
Pero bakit siya ganyan, hindi niya nararamdaman na sobrang mahal ko siya ang akala niya ay good time good time lang. PUSONG BATO siya. bakit siya pa kasi ang pinili kong mahalin.
End of Ryza POV
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
Margeux POV
Sa pagpatuloy ng biyahe namin walang imik tong si Theresa, sobrang weird niya talaga. I dont know why my friends brought her here.
Nag stop kami sa maliit na Carinderia himala nga na bukas ito dahil hating gabi na. Ayokong kumain sa ganitong lugar no buti na nga lang nag dala ako ng fruits. Healthy
Nagorder sila ng pagkain, nakakatakot yung mga pagakin pano puro lamang loob ng baboy at manok lalo tuloy ako na walan ng ganang kumain. Pano kaya nila naaatim yun. IWW.
Si Theresa sarap na sarap na para bang ngayon lang nakakain.
San kayo paroroon? tanong ng matandang may ari ng Carinderia
Ah sa sityo kumarsha po- Charm
Mag-iingat kayo ha sinumpa ang lugar na yun - Ale
Ha? gulat nilang tanong
Oo. Ikwekwento ko
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
Whoops ano kayang lihim nang isinumpang sityo kumarsha? ABANGAN.
Hi guys vote and fan naman po pls...
~Akieeee
BINABASA MO ANG
Haunted House
HorrorWhat will happen if you are stranded in a house that's been cursed? A story about love and friendship.