Hindi magandang sumuko agad . Hindi natin alam kung ano ba yung pwedeng mangyari kapag tinigil na natin yung mga bagay na kakasimula palang nating gawin. - Sleeptight guys
Gm /HarahI rolled my eyes upon reading her text message. And replied : " magteks ka pa ng mga ganitong message sa akin, pipitpitin kita ng libro" but she just replied a smiley. Weird.
Before I close my eyes, I prayed to God to help me make my tomorrow a happy day.
---
Pagkatapos kong kumain ng breakfast, pumunta na agad ako sa school total preparadong preparado naman na ako at wala akong gagawin dito sa bahay.
Nagquiz lang kami at nagpass ng mga activity sheets kaya madaling natapos ang first subject ko at siyempre saan pa ba ako pupunta ngayong 1 and a half hour yung vacant ko, edi sa library.
Since natapos ko ng basahin yung librong Extreme killing, humanap uli ako ng bago kong babasahin at pumwesto sa lagi kong pinupwestuhan.
So far , nag enjoy ako sa binabasa ko dahil napakaraming sumisingit sa eksena na kung saan nagiging pampagulo sa istorya, pero hindi ako naapektuhan ng mga karakter sa librong ito dahil iba ang gumugulo sa isip ko.
Siya.
Meron paring parte sa akin na umaasang papasok siya dito sa loob na ito , tatabi sa akin, at gagawa ng kanyang assignments o reviewer. Okay na yun kahit hindi kami madalas mag usap.
Pero malabo naman na yung mangyari... kasi dalawa, tatlo, apat na araw na ang lumipas pero hindi ko parin siya nakikita dito sa lugar na ito at malamang sa malamang eh lilipas nanaman ang araw na ito na hindi ko siya makikita.
Halos dito na sa library na ito ko inuubos ang aking oras pero ni sapatos o mukha niya man lang ay hindi ko nakita. Baka nagtransfer o nag stop ? Sana naman hindi yun ang dahilan.
---
"Hello Ezy Medanes to Earth ?''
Tinignan ko si Harah na kanina pa pala ako kinakausap. Andito kami ngayon sa library at ito ang unang pagkakataon na pumasok siya dito sa lugar na ito para samahan ako.
Medyo nabigla lang ako dahil siya ang unang pumasok at nagpumilit sa akin na pumunta dito kahit alam naman niyang dito talaga ang punta ko.
"Hindi ako nagakamali. Ang boring ng lugar na ito"
"Pwede ka namang lumabas kung ayaw mo dito, walang pipigil sayo"
"Ito naman ang sungit mo. Hindi kita pwedeng iwan dito ngayon no"I ignored her and continue reading while she roam around looking for something that is impossible for her to find. She hate books.
Suddenly I was stiffen when I saw someone standing on the opposite side to where I was sitting ,holding a scientific calculator and a T square on the left side of his hand. Shelter.
I feel my throat squeezing and that made it hard for me to swallow my saliva. Please. I don't want to cry, I just miss him. He looks happy but he's eyes telling me he's in pain. What was that supposed to mean ?
"Hi !"
Pinagpatuloy ko nalang uli ang bagbabasa ko dahil pakiramdam ko na kapag patuloy ko siyang titignan ay baka hindi ko mapigilang yakapin siya. Nasaan na ba si Harah ?
"Kumusta ka na Ezy ?"
"O-ahem...okay lang." Gusto kong tanungin kung bakit ang tagal niyang nawala pero dapat kong pigilan baka---
"Ang tagal mong nawala Shelter"Oh sheeesssh !
Wala na. Nasabi ko na !"Ah. Busy kasi ako nung mga nakaraang araw, hindi ko naharap na pumunta dito...para sayo pala."
Tinignan ko yung binigay niya. Keychain na Shell tapos may design na Shell-ter.
"Bumili na din ako ng para sa akin."
Pinakita niya yung keychain na chubby baby snake tapos may nakasulat na Ezy-nake . Seriously, snake?
"Huwag kang magalit, cute naman yung baby snake eh haha "
"S-salamat"
"Wala yun. Sige mauna na muna ako, pumunta lang ako dito para ibigay yan sayo. May klase pa ako eh Haha ! See you later Ezynake "Napatingin ako sa hawak kong keychain saka ko pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. Ang bilis.
Thank you Lord, tinupad niyo po ang panalangin ko.
----
Paguwi ko ng bahay ay binagsak ko agad ang katawan ko sa kama ko.
Normal lang ba na makaramdam ng pakiramdam na parang umaatras yun sikmura mo sa hindi malamang dahilan ?
Nagpagulung gulong ako sa higaan ko habang hawak hawak ko yung binigay sa akin ni Shelter. Akala ko hindi ko na siya makikita. Napangiti ako.
Maya maya pa ay Napabangon ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Pagkatingin ko si Harah.
Alam natin kung anong susunod pagkatapos nating maramdaman ang kasihayan - Goodnight
/Harah.
Napahinto ako sa pagngiti.
I wonder what she was thinking . She's always been like this . I shook my head , humuhugot lang to, lagi naman eh.
Hindi nagtagal, nakaramdam na ako ng antok kaya naman hindi ko na pinigilan ang sarili kong makatulog.
A.N : Hi ! Mga 6-10 Chapters lang po ito so sana huwag kayong magsawang basahin itong story.Konting chapters nalang.
Comment your ideas. Thank you !-Jace R.(Mikannatsu)
BINABASA MO ANG
My Love from the Library
FanfictionHindi lahat ng nasa sayo ngayon , mananatili sayo habambuhay. Magkakaroon lang ng halaga ang isang bagay kapag nawala na ito sa atin at diyan na papasok ang salitang "what if ?" 'dyou know the saddest thing about "what if's "? they will never happen...