Chapter 26
Habang nag lalakad kami ni Xander wala ako sa sarili ko may gusto ba saakin si Shawn? Meron nga ba?
AHHHHH AYESHA STOP NA!
"Hoy babae! Ano ba ang nangyayari sayo?"
"Hoyyyy!"
*PAK
"Ouch! Bakit mo ako binatukan?!?" Letseng Xander to akala niya ang gaan gaan ng kamay niya.
"Eh sa wala ka sa sarili mo, kaya kita binatukan tss"
"Sigurado ka ba na 'I love you Ayesha' ang naka lagay dun?"
"Oo nga sabi! Kulit"
"Pero bakit?"
"Aba malay ko ba tanongin mo yung ugok na yun"
Ano ba problema niya? Galit na naman sakin wala naman akong ginagawa masama sa kaniya pssh bipolar rin to e! Nag lalakad kami ngayon sa Eastwood hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin neto habang nag lalakad may umagaw agad ng atensyon ko may nakita akong necklace na may small heart kaya agad ko naman pinuntahan yun.
"Ate, mag kano po to?" Tanong ko sa nag titinda.
"Ah sorry miss may nag reserve na niyan e"
Bigla ako nakaramdam ng lungkot sa sinabi na may nag reserve na na attrached kasi ako sa mga necklace na parang unique tingnan.
"Wala na bang iba nito?" Pangungulit ko sa kaniya e sa gusto ko nga bilihin yun e.
"Sorry miss pero wala na talaga"
"Please" kahit anong pangungulit ko sa tindera hindi parin pumapayag kaya umalis na lang ako.
"Halika daliii" bigla ako hinila ni Xander papunta sa Dairy Queen.
"Oh ano ngayon?" Wala ako sa mood ngayon sumagot sa kaniya ng maayos.
"Kakain ng ice cream bulag ka ba?" Ngumisi siya saakin tss nang aasar na naman to e.
"Ayoko" simpleng sagot ko sa kaniya
AYAW KO NG ICE CREAM GUSTO KO YUNG NECKLACE!
"Bahal ka libre ko pa naman" talaga libre niya?
"Seryoso?" Ngumiti at tumango na lang siya at dahil libre nga niya pumayag naman ako sayang naman diba? Nag order na lang ako ng Strawberry banana at habang siya Oreo ang inorder niya at umupo na kami sa table.
"Oh bat ganiyan ang mukha mo? Ang panget mo tingnan" ito nanaman siya kahit kaylan talaga kontrabida siya ng buhay ko.
"Wala"
"Tss bahala ka nga diyan" tumayo siya at iniwan ako dito sa loob ng Dairy Queen ang bastos diba?
"Hoy! Bat ka ng iiwan? Niyaya mo ako sa loob tapos iiwanan mo rin naman pala ako!" Medyo napalakas yung boses ko kaya madami naka rinig.
Nilingon niya lang ako at patuloy parin siya sa pag lalakad ano ba talaga problema niya?
*BOOOGGSHH
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove with a Heartthrob
Teen FictionSi Ayesha Perez isang graduating student sa Highschool simula grade 7 si Patricia Jimenez lang ang bestfriend niya. Pero paano kung na meet niya si Xander Lopez na bagong transferee sa Colonial Academy at naging heartrob sa school? Papaano kaya sila...