•chapter 6
• AYESHA'S POV
"Gatas!"
"Gatas!"
"KUYAAA! Bakit mo ko binuhusan ng mainit na tubig??"
Inaantok pa ako hindi ako nakatulog ka gabi eh tapos ngayon na wala na kasi binuhusan ako ng mainit na tubig ng kuya ko -.-
"Hindi ka nagigising gatas eh hahaha" sige asar pa more -.-
"Ano tawag mo saakin...gatas??"
"Oo gatas! Kasi ang tulo laway mo gatas!" YUCK! ang OA naman ng gatas.
"I HATE YOU KUYYA! MOMMY! SI KUYA BINUHUSAN AKO NG MAINIT NA TUBIG!"
Hindi sumasagot si kuya. Tawa lang siya ng tawa ano ba ang nakakatawa aish alam ko na ako lang naman ang pinagtatawanan niya.
"Bakit ka tumatawa diyan ha?"
"Nag sumbong ka pa wala naman si mommy" kaya pala ang lakas niya mang trip saakin.
"Kuya! Lumabas ka na ng kwarto ko maliligo na ako! Tingnan mo 6:30 na!"
"Ayaw ko nga!" Aba! Aba! Tinulak ko siya pa labas ng kwarto kaso.......hindi ko kaya kasi ang bigat niya!
"Ano? Kaya mo pa?" Habang tumatawa si kuya aish malalate na ako sa school neto e.
"KUYA! Tingnan mo oh!" Tinuro ko yung sa labas ng kwarto ko agad naman siya tumingin.
"H-HOY! Hindi ka karate kid!hahahahaha" buti nga sa kaniya sinipa ko siya pa labas ng kwarto ko ano naman kung hindi ako karate kid? Atleast marunong ako mag sipa! Diba?
"Bleh!" Hahahaha dinildilan ko siya.
"Humanda ka saakin mamaya!" Tinarayan ko na lang siya at tuluyan ng umalis si kuya sa kwarto at habang ako tawa ng tawa pa. Oo nga pala magiging trending ako ngayon sa school aish ayaw ko pumasok nakakainis. Tapos na ako maligo, mag bihis, sumakay na rin ako ng kotse hindi na ako kumain nakakawalang gana.
Nang makarating ako sa school may nakita akong nag kukumpulan na mga tao sa poster. Hindi na ako tumingin kung ano man yun pa punta na sana ako sa classroom kaso may mga nakita akong poster na may picture namin ni xander na naka holding hands kami tapos sa baba ang nakalagay
#BITCH
Aish See? Trending na ako -.- simula nang dumating si Xander sa buhay ko nag ka gulo - gulo na.
Pag ka pasok ko sa classroom m yung mga classmate ko nag bubulungan isa lang naman ang pinag uusapan nila AKO lang naman ang pinag uusapan nila.
"Girls alam niyo ba yung balita? Nilalandi daw ni AYESHA si xander" sabi ni tria wow! Kaylangan talaga lakasan ang boses pag dating sa pangalan ko?
"Oo nga e so malandi!" Sabi ni sammy at georgia
"She's so fvcking bitch!" Dugtong pa ni tria aba! Aba! Sino kaya saamin ang bitch? SIYA lang naman e este silang TATLO.
Umupo na lang ako sa seat ko at nag earphones naka high volume para hindi ko na marinig sila. Kainis naman Simula talaga na dumating si Xander sa buhay ko nag trending na ako sa buong school.
"MALANDI PALA SI AYESHA? AKALA MO MAHINHIN NA BABAE TAPOS YUN PALA MALANDI RIN" kahit naka high volume na ang music ko naririnig ko parin yung sinabi ni tria e sa lakas ba naman ng boses aish.
Kinuha ko na ang bag ko at umalis na rin ako sa room naiinis na ako kahit sa labas pinag bubulungan parin ako.
"Siya ba yun?" Sabi ng mga babae
Lumapit ako sa mga poster at simulang tanggalin habang umiiyak pero kahit anong tanggal ko ng mga poster hindi parin nauubos sa dinami ba naman na nakalagay.
Habang tinatanggal ko ang mga poster bigla na lang may nag buhos sa ulo ko na may malamig na malamig na tubig. Gusto kong umalis pero hindi kaya ng mga paa ko mag lakad sa lamig ba naman ng tubig para na akong yelo dito na hindi makagalaw galaw sa nginig.
Habang umiiyak bigla na lang may nag balot sa katawan ko ng jacket at naka akbay siya saakin at hinila niya ako paalis sa mga nang bubully saakin.
"S-saan mo b-ba ako d-dalhin?" Hindi ko makita ang mukha niya pati ba naman leeg ko hindi ko magalaw.
Hindi na siya nag salita pa at nakita ko na dinala niya ako sa garden kung saan ako madalas mag tambay dahil rin sa init ng panahon ngayon medyo nawawala na yung lamig ng katawan ko at unti-unti siya tiningnan.
"F-franco? Ano ginagawa m-mo dito?"
Ngumiti siya saakin "I'm saving you" bigla naman uminit ang mga pisngi ko
"I'm saving you"
"I'm saving you"
"I'm saving you"
Pa ulit-ulit na sinabi ng utak ko parang nawala yung lamig sa katawan ko yung sinabi niya yun sa dinami na pwede tumulong saakin siya pa?
"A-ah s-salamat" ngumiti siya saakin ulit at pinahid niya sa mukha ko yung panyo niya pati ba naman panyo niya ang bango?
Lahat tayo may haters at hindi natin yun maiwasan kahit sobrang bait na ang ugali nag kakaroon parin ng haters sabi saakin ni mommy noon ang mga haters daw inggit lang sila sabagay may point si mommy alam ko naman na kinaiingitan nila ako dahil lagi kong kasama ang heartthrob, lagi kong kausap e sino naman ba ang hindi maiingit isang HEARTTROB ang kasama ko tss.
Naka sandal ako sa puno kung saan ako madalas tumambay sa ngayon araw malaki ang pasasalamat ko kay Shawn. Noon medyo sikat siya pero simula yung dumating si Xander wala na laos na siya pero yung tinanong ko siya kung 'okay lang sa kaniya' sabi niya saakin.
'alam mo....hindi naman saakin importante ang pagiging sikat ang importante saakin makatapos ako ng pag aaral ko at makahanap ng totoo mga kaibigan... Wala naman magagawa ang pagiging sikat nag kakaroon ka nga ng madaming kaibigan pero hindi mo alam peke lang pala sila, madami nga ang humahanga sayo pero hindi nila alam na nag mumukha silang tanga kaka habol sayo, kapag sikat ka nawawalan ka ng freedom'
Diba? yan ang tunay na lalakae hindi sa kaniya importante ang pagiging sikat e si Xander kaya importante ba sa kaniya ang pagiging sikat?
Lumipas ang ilang minuto naka tulog na rin ako.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove with a Heartthrob
Novela JuvenilSi Ayesha Perez isang graduating student sa Highschool simula grade 7 si Patricia Jimenez lang ang bestfriend niya. Pero paano kung na meet niya si Xander Lopez na bagong transferee sa Colonial Academy at naging heartrob sa school? Papaano kaya sila...