ONE

21 1 1
                                    


2015

KER

          I heard someone knocking at my door, but I ignored it. I'm just here, lying on my bed so tired and restless. I heard it again, now banging loudly.

I stood up lazily, and I'll hit that disturbing specie during my momentum. I peep to the hole but nobody's outside. Napakunot noo ako and I'm about to return my room but there again knocking impatiently.

My heart starts pounding and asks myself with so much confusion. I'm thinking for a moment if I have a visitor today, then it hits me. I hurriedly open the door and there my best friend waiting with a tiger face.

Natatawa ako sa mukha nya, bakit ko ba nalimutan na pupunta pala sya ngayon, arrgggggg..I'm so dead, I know it. Hi bes, bati ko sa kanya.

Hi yourself. Sabay pasok nya sa loob.
At ayon nagpuputak na ang bibig ng bestie ko. What the hell Ker I've been knocking at your door many times, like sumasakit na yong knuckles ko, super bingi kana girl huh! Ayan sabi ko na nga ba magsesermon na naman.

Bestie, I'm sorry okay? I forgot that we have this shopping thing today which I really don't like "Shopping" I quote, with you. At Inirapan lang ako ng gagita kong bestfriend.

Well, you don't have a choice because I'm your bestie and you're coming with me whether you like it or not, okay?

She shooed me to my room and let me change my clothes. After 10 minutes, I'm done fixing myself and get the necessary things to bring. Phone check, cards check and keys check and get out of my room, I'm done, I announced.

That's so fast, so let's go? Suddenly she turns around and raises her brows. What's with the clothes my dear? Why? May mali ba? Naghihirap ka na ba kaya ganyan ang suot mo? What's wrong with tattered jeans, white shirt and slippers? Diba ganito naman talaga ako magsuot? I know bestie pero pupunta tayo ng mall pwera nalang sa divisoria o di kaya ay sa market. Tsk bahala ka nga. At yon tinalikuran ako hahaha....

AT THE MALL

CHAMP

        Bilisan mo na nga dyan bestie ang bagal bagal mo eh naka tsinelas ka lang naman, reklamo ko kay Ker. Ano naman ang minamadali mo dyan huh? tanong naman nya na nakakunot ang noo. Ah, basta bilisan mo nalang baka nabili na yon sabi ko naman sa kanya. Kaya, iniwan ko na lang sya, excited na kasi ako hehehe..

Hmmmmmm....gwapo po tong lalaking makakasalubong ko ah, pati yong kasama nya. And take note may bodyguards huh, celebrity? napa tsk nalang ako ng malampasan nila ako. Then a sudden strange feeling stirs me, kaya napakunot noo ako at lumingon para tingnan sya. Then I saw Ker na natumba, aishhhhhhhh..ang tanga talaga ng babaeng to.

KER

       Sa pagmamadali ko, napa takbo lakad na yong ginagawa ko, bakit kasi nagmamadali tong tipaklong na to, pero maganda huh best friend ko yan eh. Kaya yon hindi ko na napansin na may makakasalubong pala ako kaya.....

Aray! may nakabanggaan ako, matigas na bagay, kaya napatingala ako kasi naman natumba ako, ang sakit sakit na nga ng noo ko, ang sakit sakit pa ng balakang ko. Feeling ko nga nabukulan ako eh, ang tigas kasi.

Pagtingin ko, na shocked ako kasi naman ang gwapo ng nilalang na nasa harapan like TWH(tall, white and handsome) white kasi ang puti puti nya na kapag nahawakan mo namumula sa kaputian. At nakakainis huh! tinaasan lang ako ng kilay at nilampasan ako? without saying sorry o di kaya ay tulungan akong makatayo!! Im pissed,kaya bigla akong tumayo kahit na nahihirapan ako.

Okay ka lang bestie? Tanong naman ni Champ sa akin. Do you think I'm okay? Ahh hindi ka nga okay sabi ko diba? Engot talaga ang babaeng to. Eh bakit kasi tumatakbo ka huh? At talagang ako pa ang tinatanong mo? I just rolled my eyes at humarap sa lalaking naglalakad palayo.

Yah!!!!!

JAZ

    Yah!! Napahinto ako sa sigaw nung babae. I feel something strange about her. A feeling that is so familiar to me and at the same time a suffocating one.

I turned around to face her which is now marches towards me. Say sorry. Tipid nyang sabi.

I stared at her at napakurap ako ng pinitik nya ang noo ko. I'm sure nasasaktan na naman sya. Ouch, I heard her complains. Sorry sabi ko in my cold voice. Napatanga ako kasi umalis na sya pagkatapos kong mag sorry sa kanya? Sorry lang pala ang gusto.

I heard my cousin chuckled, kaya napatingin ako sa kanya. Why? Wala lang natatawa lang ako. Bakit nga? inis kong tanong. Nakakatawa naman yong sinasabi ng babae diba? pabalik tanong nya. Ano nakakatawa dun? Napakunot noo yong cousin ko. I mean hindi yong sinasabi nya from her mouth, yong sinasabi ng isip nya ano pa ba?

Nilingon ko yong babae kahit na likod nalang ang nakikita ko and I tried to read her mind but I didn't read anything. Blanko lang parang walang iniisip yong nakabanggaan ko kanina. Naiiling nalang ako at nag patuloy sa paglalakad.

KER

           Hinihimas himas ko parin ngayon yong noo ko kasi naman may maliit na sya na bukol. Sa totoo lang pader ba yong na bangga ko? napaisip ako kasi ang tigas tigas eh.

Para akong robot dito na nag iisip sa tanong kong hindi naman talaga masasagot, hayyyzzzz nakakainis! Kung nandun lang ako ngayon sa condo ko di sana ako magkakabukol grrrrrrr...buti nalang may bangs ako hindi mahahalata yong bukol.

Bestie look here, what you think? Okay lang, walang gana kong sagot sa kanya. What do you mean okay lang? You mean pangit sya? Ahuh? pangit na pangit mas maganda pa ang mga damit ko nyan sagot ko naman. Aba may pa-pout pout sa lips pa syang nalalaman huh! Alam ko naman na maganda yong damit na dine-design mo, eh hindi mo naman pinapabili sa akin. Adik ka ba? Tinaasan ko sya ng kilay at umalis sa harap nya, naiirita ako hindi ko alam kung bakit. Siguro sa bukol ko kaya naiinis ako sa kanya.

Tumitingin tingin din ako sa mga naka display na damit dito para naman hindi ako ma bored, pagpihit ko sa isang damit para isukat sya, napatigil ako ng may magsalita sa likod, muntikan na nga akong mapasigaw sa gulat.

That looks good on you...


Beautifulrisk: Update for you my dearest, please enjoy and say your thoughts. Kamsa :)





SWEET BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon