Prologue

306 3 0
                                    

Minsan, ang pag-ibig ay parang pagsayaw. Nakakaaliw, nakakatanggal ng stress, masaya. Pero syempre, hindi ito masaya kapag walang kasama. It needs hard work to perfect the moves. Kailangan niyong magtiwala sa isa't-isa upang maging maganda ang kalalabasan nito. At higit sa lahat, dapat nasa timing dahil kung hindi, masisira at magugulo ito and your relationship won't work out.

Learning to dance is like learning how to love. May mga steps na kailangan mong magawa ng maayos upang makabuo ng isang magandang sayaw. Natututo ka sa bawat paggalaw mo. Pero sa bawat pagkakamali, maaaring ma-risk ang takbo ng relasyon niyo. Maaari kang madapa o matalisod. Sa isang iglap, maaaring magbago ang lahat dahil lamang sa pagkakamaling ito. Makasabay ka man ulit, apektado na ang buong presentasyon. Pero kahit anong mangyari, the show must go on. Go lang nang go. Hindi man maging successful ngayon, try and try until you succeed.

Paalam sa'ting huling sayaw 

May dulo pala ang langit 

Kaya't sabay tayong bibitaw 

Sa ating huling sayaw.

 

Hindi ko alam na may ibig sabihin pala ang lyrics na 'to sa buhay ko. Hindi ko alam na iyon na pala ang huling sayaw ng buhay namin. Hindi ko lubos akalain na darating ang panahon ng pagwawakas. May dulo pala ang langit kaya sabay kaming bumitaw sa aming huling sayaw.

"Adrian!" Tawag niya sa akin at saka siya lumapit. "Ano, tara na?" Tanong niya sa akin na may kasamang matamis na ngiti. Siya nga pala si Alice. Ang babaeng minahal ko ng sobra. Ang babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko. 

Niyakap ko siya at hinawakan ang malambot niyang kamay. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Tara na."

*****

*Gusto kong i-acknowledge si Joshua sa pagbibigay ng idea sa'kin para sa short intro na 'to. Nakadedicate na yung story ko sa'yo. :)

Huling Sayaw [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon