The Story

152 4 1
                                    

Ilang araw bago maganap ang magarbong prom, nasa isang playground sina Adrian at Alice, nakaupo sa mga swing habang kumakain ng ice cream.

"Adrian, may tanong ako. Mahal mo pa rin ba ako?" biglaang tanong ni Alice.

Nagulat si Adrian sa kanyang tanong. Napatanong tuloy siya sa sarili niya, 'Hindi ba ako naging mabuting boyfriend sa kanya?'

Pero sa kabila ng pagtatanong na iyon, nagawa niya namang sagutin ito. "Oo naman. Mahal na mahal kita at walang sino man ang makakapigil sa nararamdaman ko para sa'yo. Kahit na sino o ano pa 'yang hahadlang sa atin, walang makakatalo sa power of love. Bakit mo naman natanong? Nagdududa ka ba sa pagmamahal na binibigay ko?"

"Wala lang," at saka ngumiti si Alice. "Gusto kong marinig galing sayo na mahal mo ako. Gusto ko lang ding malaman mo na mahal din kita. Masaya ako palagi kapag kasama kita."

"Ganun ba? O sige, I love you, I love you, I love you, I love you. Bubusugin kita ng I love you kung yan ang gusto mo." Napabuntong hininga naman siya. "Akala ko naman gusto mo nang maghiwalay na tayo. Pinakaba mo 'ko dun ah. Akala ko susukuan mo na yung relasyon natin."

Ngumiti naman si Alice. "Hinding-hindi ko magagawa 'yon. Kung sakali mang dumating ang panahong iyon, hindi ko kakayanin. Sayo lang umiikot ang buhay ko. 'Wag mo 'ko iiwan ha?"

"Hinding-hindi kita iiwan. Sa'yong-sa'yo lang ako. Ikaw lang ang buhay ko at sa'yo lang umiikot ang mundo ko. Isipin mo na lang kapag nawala ka, parang gumuho na rin yung mundo ko."

"Promise?" Itinaas niya ang kanyang kamay.

"Promise. Walang sinuman ang makakahadlang sa ating dalawa." Itinaas niya rin ang kanyang kamay tanda ng kanilang pangako sa isa't-isa.

"Siya nga pala, paano na lang kapag naghiwalay na tayo? Edi wala na akong makakapartner sa prom natin. Okay lang ba sa'yo yun? Ang makitang malungkot at nag-iisa yung taong mahal mo?"

"Syempre hindi no. Prom natin 'yun. Dapat magkasama pa rin tayo."

"Excited ka na ba sa prom natin?"

"Oo naman lalo na't ikaw ang kasama ko," sagot ni Alice.

"Ikaw pa rin prom date ko ha?" Tumingin si Adrian sa langit at saka ngumiti.

"Syempre naman. Maghahanap ka pa ba ng iba?" Napatawa siya at saka tumingin din sa langit.

"Hindi na dahil ikaw lang ang piiiinakaperfect na babae para sa akin."

"Nagustuhan mo ba ako dahil perfect ako para sayo? Walang taong perpekto."

"Alam ko namang walang taong perpekto but I love you because you're perfectly imperfect for me. I love you just the way you are. At saka wala na kong ibang dahilan kung bakit ako na inlove sayo. Basta mahal kita. Susunduin kita ha? Maghihintay ako sa labas ng bahay niyo."

"Ayan ka na naman sa mga cheesy lines mo. Baka langgamin tayo. Excited na ako para sa prom. Nakakalungkot nga lang isipin na ito na ang last natin at ga-graduate na tayo. Iiwan na natin ang highschool kung saan marami tayong binuong masasayang alaala...

Adrian?"

"Hmmm?" Tumingin siya kay Alice.

"I love you," tumingin siya sa mga mata ng kanyang boyfriend.

"I love you too Alice to the 99th power," sagot niya at saka sila nagtawanan.

*****

Sa isang malaking kumpanya, pumasok ang isang lalaking may suot na leather jacket at mukhang nasa katamtamang edad. Nakasuot siya ng isang sumbrero upang takpan ang mahabang pilat sa mukha nito. Nagtungo siya sa elevator at agad pinindot ang 11th floor button. Pagdating niya doon, kumatok siya sa pinto.

Huling Sayaw [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon